Chapter 7

86 9 0
                                    

Lumipas ang araw ay naging mas malapit kami ni Bullet at kada uuwi na ako sa trabaho nakikita ko na lang siya na nakaupo sa tabi sinasabi niya sa akin na siya na ang maghahatid sa akin araw araw. Di ko naman matanggihan dahil mukha naman siyang masaya sa ginagawa niya.

Pero napapansin ko din na masama ang ipinukol na tingin sa akin ni Garrett at minsan pinagtataasan niya ako ng kilay na parang may ginawa akong malaking kasalanan sa kanya!

Oh ,baka namang..... tungkol na naman kay Bullet kaya ganyan siya makatingin sa'kin?

Di pa rin niya matanggap na kaibigan na ako ni Bullet?

"Claudette ,ito na yung sweldo mo buong buwan!"agad niyang inilapag ang pera sa desk niya.

My mouth parted. Shit! ngayon pala araw ng sahod ko kaya pala pinapatawag niya ako dahil dito!

Matagal kong tinignan yung perang nasa desk niya dahil nag iisip ako kung binawasan niya ba yung sweldo ko dahil kahapon 10 minutes akong late at inabutan pa nga niya ako nun eh.

"Kung iniisip mong binawasan ko yan ,"He said seriously ,"Don't worry ,di ko yan binawasan kahit na nalate ka kahapon."binasa niya ang labi niya gamit ang dila niya.

I sighed hardly ,seryoso ba siya sa sinabi niya?

"Baka kasi magreklamo ka pa diyan. kaya binigay ko ang tamang sahod mo."His voice is coldly.

Tinignan ko siya ng mabuti ,"Mabuti ng magkaintindihan tayo Garrett."agad kong kinuha yung pera at tinignan ko ulit siya ,"Salamat dito."

Tumalikod na ako para umalis sa office na bigla niya akong tinawag kaya tumigil ako.

"Claudette."tawag niya sa akin kaya dahan dahan akong lumingon sa kanya at di pa rin nagbabago ang expression niya ,nananatiling blangko ang mukha niya.

"Bakit? may kailangan ka pa ba?"tanong ko sa kanya.

Umiling siya ,"No ,gusto ko lang sabihin sayo na wag ka masyadong masaya kapag kasama mo si Bullet."

Agad kumunot ang noo ko. Ano daw?

"What?"My eyebrow furrowed ,"Tungkol na naman ba kay Bullet ang pag uusapan natin?"

"Sinasabi ko lang. masyado ka lang masaya kapag sinusundo ka ni Bullet dito. Palagi kitang binabantayan pagdating kay Bullet!"

My eyes widened. What? binabantayan niya ako?

"A-ano sabi mo? b-binabantayan mo ako kay Bullet?"tanong ko sa kanya at umiwas siya ng tingin sa akin.

"Di ganon ang ibig kong sabihin!"depensa niya pa ,"I mean ,boss ako dito kaya binabantayan ko mga galaw ng nagtatrabaho dito. At kasali ka na doon dahil araw araw ka na sinusundo ni Bullet."

I slowly nodded.

He's weird huh?

"Don't worry ,ngayon di mo makikita ang pagmumukha ni Bullet dito. Dahil may aasikasuhin siyang mahalagang bagay."ngumiti pa ako sa kanya at di naman siyang kumibo.

I sighed ,"Kung wala ka ng gustong sabihin sa akin. Mauuna na ako baka hinahanap na ako ng kapatid ko."paalam ko sa kanya ,"Salamat ulit dahil di mo binawasan ang sweldo ko."

Tinignan niya lang ako. First time ko lang ata magpasalamat sa kanya huh?

"You can leave now."malamig na sabi niya bago niyang hinawakan ang sentintido.

"Okay."

***

Kinabukasan ay saktong kapapasok ko lang sa coffee shop. Nakita ko si Garrett na may kausap sa telepono kaya napakunot ang noo ko.

Together For A Day ✓Where stories live. Discover now