PART 26. UNLOVED BY MY PARENTS

1.8K 108 34
                                    

ZHIEL POV:

"Sorry, babe ano kasi e' uhm, nagpractice kami ng paso. You know na graduation ko na. Bukas nalang," sabi ko kay Zenon na masayang-masaya.

"Okay babe, ingat ka ha. May pupuntahan lang ako," he uttered na nagpapatanong ako.

"Saan ka pupunta?" I asked.

"Sa kaibigan ko lang," he said.

"Okay mag-ingat ka ha," I uttered before I hanged the phone.

Napapamahal na din ako kay Zenon kaya syempre nag-aalala ako.

"Bessss, congrats sa atin," Nicole hugged me.

"Yeah, congrats talaga sa atin. Gagraduate na tayo. Ahhhhh, natapos narin paghihirap ko," tili ko na proud na proud sa aking sarili.

"Ting," bigla tumunog ang aking messenger.

"Ms. Annoying Girl, tomorrow is Saturday. May date tayo?" Chat sa akin ni Mr. Simon the hinayupak CEO.

"Hala, sorry sir may date kami ni Zenon, di pwede," I replied.

"Ah okay," he replied na wala man lang kaemosyon emosyon ang pagtype.

"Bes kayo pa ni kuya Zenon?" Sabi ni Nicole sa akin.

"Oo, bakit?" Sabi ko na masayang-masaya.

"Uhm, w-wla," she stuttered.

"Hiwalayan mo nalang kaya siya, tapos diba sabi mo boss mo nagkakagusto din sayo? Yun nalang ipalit mo," Nicole uttered.

"Ha? Grabe ka, may galit kaba kay Zenon at nagkakaganyan ka ngayon hahahah. Todo shift kapa sa akin dati sa kanya, gaga," natatawa kong saad.

"E' kasi, kasi , uhm mas bagay naman kayo ng boss mo," she again uttered na nagpapalungkot sa akin.

"Ayaw mo ba sa akin Nicole?" Tanong ko sa kanya.

"Hoy gaga, nagdrama syempre gusto no'. Perfect ka nga sa kanya, kaya lang kasi di kayo bagay," sabi ni Nicole sa akin.

"Tskkk, tara na nga ikaw talaga," sabi ko sa kanya at umuwi na.

Umuwi ako sa bahay at di ko alam kung itutuloy ko ba ang plano kong magresign sa kompanya, nagdodoubt kasi ako baka sasabihin ni Sir Simon ma nagtatrabaho lang para magamit sila sa aking pag-aaral at hindi talaga para sa kompanya.

Kasi naman e', gusto ko lang kasi ipapahinga ang sarili. I'm really tired of working. Tapos noong nagkasakit ako pagpapacheck up ko sinabihan ako ng doctor na dapat ipahinga ang sarili. Dapat iiwasan na ang paggamit ng mga gadgets.

Masaya akong pinuntahan si mama at si papa sa kusina para ihatid sa kanila ang magandang balita.

"Mama, papa uhm gagraduate na po ako," ngisi ko sa kanila.

"Oh kailan daw?" Tanong ni papa.

"Last week po this month," I uttered happily.

"Congratss, pero sorry Zhiel kinakailangan kong bisitahin kumpare ko sa probinsya," sabi ni papa na nakapagpapabigat sa loob ko.

"Sige pa, okay lang," sabi ko na malungkot.

"Ikaw nalang ma," I uttered.

"Oo, susubukan ko kung di ako makakapunta sa birthday ng aking inaanak," sabi ni mama na nakapagpapaiyak sa akin.

"Sige okay lang ma, pa. Ramdam ko na talaga ngayon na kahit sa graduation, wala kayong paki sa akin. Di naman ako nagpapagasto sa inyo e' bakit parang, uh hu, ayaw niyo pa makitang nakagraduate ako. Kahit sa pagpunta lang," I cried kasi parang ang sakit lang isipin na mismong magulang mo iniisip yung hindi importante.

Napakamalas ko talaga sa buhay.

Agad akong nagbihis para makapunta na sa kompanya. Patuloy parin umagos ang mga luha ko. Di ko kasi matanggap na kahit sa last stair ng mga paghihirap ko di man ako masuportahan. Nakakainis. Hindi na ako kumakain dahil nawalan na ako ng gana.

Nilalakad ko ang waiting area ng mga namamasaherong jeep habang naiiyak. Di ko talaga kaya pigilan ang luha ko, sari-saring emosyon ang nararamdaman. Galit kina mama at papa. Sakit dahil wala man lang kayang umalalay sa akin sa kahirapan sa pamilya ko. Imbis sa kanila ko makukuha ang salitang motibasyon nasa ibang tao pa ako may pinaghuhugutan. Ang hirap.

Di ko na namalayan ang sarili na napaupo na pala ako dahil sa sakit na nararamdaman.

"Miss anong nangyari sayo?" Sabi ng isang babae na parang kaedad ko.

"Uhm, nothing miss," sabi ko at agad pumara ng jeep.

While riding ng jeep, I cover my face dahil baka makikita nila akong umiyak.

"Oh may baba ba dito? SM INN?" Sabi ng konduktor.

"Dito lang manong," sabi ko at bumaba na.

"Hays! Bakit kasi kayo pa ang namagulang ko," I sighed while wala sa sarili na tumatawid sa kalsada.

"Hala ang babae?" May narinig akong sigaw ng babae kaya napatingin ako sa kanya.

Pagtingin, nagulat ako when I saw a car sa harap ko. Sobrang kaba ang aking nararamdaman. Sobra pa sa pagsakay sa kotse ni Sir Simon.

"EHAAAAAAA!!," nagulat ako when someone pulled me.

Hindi ko namalayan na humagulgol ako sa iyak dahil sa mga pangyayari.

Bigla nalang akong napayakap sa isang lalaki na nasa 50s ang edad.

"Are you okay honey?" Sabi niya sa akin na parang ramdam na ramdam ko ang tunay na pag-aalala na wala sa aking mga magulang.

"Oo, okay lang ako Sir, pasensya na," hagulgol kong sabi na kaharap siya.

"Poor girl, di kaba marunong tumawid. Halika at mahatid kita. Sa susunod wag kang tumawid kong wala kang kasama ha," sabi niya sa akin habang hinawakhawakan ang aking kamay na para bang anak niya.

Ang swerte ko siguro kong ito naging tatay ko. Pero hayss mangarap ng gising, sino ba ako para maging anak mayaman.

"Andito na tayo eha, nagtatrabaho ka diyan?" Tanong niya sa akin.

"Opo," sabi ko.

"This company is our partner before," sabi ng mama.

"Uhm, ganoon ho ba?" I uttered.

"Yeah, but just gotta go. Mauna na ako eha. Sa susunod mag-ingat ka," he uttered then leave.

"Salamat Sir, utang ko ang buhay ko sa inyo," napatulo ang aking luha when he just smiled at me.

"That's a sunflower smile," I uttered at tuluyan ng pumasok sa kompanya.

"Salamat heavenly father, you really love me" napabuntong hininga nalang ako.

Naaalala ko na naman ang sinabi kina mama at papa kanina. Nakakagalit talaga sila. Di ko kayang makita ang kanilang pagmumukha. Nakakainis lang dahil para lang wala sa kanila ang pinakasasayang araw sa buong buhay ko.

"One day! Makikita niyo ang successful na ako. Magsisisi kayo sa mga ginagawa niyo sa akin," I cried at pinahiran ko ang aking luha before I enter the working lab.

"Ms. Zhiel you're late!," I heard Sir Simon usual words pero di ko ito pinansin.

Diretso lang ako ng lakad papunta sa pwesto ko without looking anyone. Wala ako sa mood.

"Yot, umiiyak ka ba?" Larry uttered.

"No," I simply answered him.

Di nalang nila ako sinagabal dahil alam nila kung galit ako o hindi.

HEY! MR. SIMON //BOOK1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now