MEMORIES.

1.5K 82 43
                                    

Irene's POV.

Nasa bahay na kami. I laid in the couch kasi nahihilo talaga ako. Yan laklak pa more!..

The doctor is still checking on Iya.. yeah pinapunta nalang namin ang doctor nya. Inuluwa ng door si Dr. Alcantara.

I immediately stood up kahit pa hilong hilo ako. "Doc? Okay lang po ba Ang anak ko? Bakit po nangyari iyon?"I asked.

"Irene kalmahan mo" Manang Imee uttered which made us laugh.
Dra. Alcantara cleared her throat before answering.

"Ms. Irene ambobo man pong isipin pero yung pagpunta ni Iya sa bar is nakatulong sa pagbalik ng mga memories nya. Kaya po sumasakit Ang ulo nya dahil sa mga scenarios na naaalala nya. I suggest po na dalhin nyo si Iya sa mga lugar na gusto nyang puntahan, or mga lugar na naging memorable para sa kanya nang sa ganun po ay mas lalong mapadali ang pag alala nya sa mga bagay bagay. And also po may nireseta akong gamot para sa headache nya." She explained and excused herself.

Parang nawala ang pagkahilo ko nang narinig ko yun. Dali dali Kong nilapitan si Iya parang tanongin.

Pero naunahan nya ako.
"Mommy? Pls lang if papagalitan mo ako pwede bang bukas nalang? Or pwede rin eh record mo ngayon tas i-connect ko sa speaker bukas para dinig na dinig. Please lang masakit parin Ang ulo ko at kailangan Kita sa tabi ko para makatulog." Daldal nya.

Wala akong Ibang nagawa kundi Ang tumawa. Nako! May pinagmanahan talaga.

"Ano ka ngayon Irene? Nafi-feel mo na yung ginagawa mo Kay Mama Meldy before? HAHAHA little Irene talaga yang si Iya" pangungulit ni Manang tapos hinampas ang balikat ko

Eh nagmana rin naman itong si Iya sa ama nya. Ang hilig mangatwiran, madaming kuda, Maraming tanong at Hindi nagpapatalo sa Argumento...

"Ano Mommy tatabi kaba or Hindi?" She said. Napaka suplada naman neto! I pinched her nose " Opo madam Iya eto na tatabi na" I said, she chuckled.

Dahil narin siguro sa nainom ko ay agad akong nakatulog.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Agad Kong nasapo Ang ulo ko. Yan laklak pa Irene. I gaze Iya who's sleeping soundly. I must admit sobrang ganda ng magawa Namin ni Greggy. Worth it! Chos

Hinaplos ko Ang buhok nya ng may maramdaman akong parang basa. Yacksss niyugyug ko Ang katawan nya.

"Hoy Iya! Gising ! Iww naglalaway ka!" Mapanukso Kong sabi. Agad syang napabangon at lumingon lingon.
"Ha? Anong nangyari? May sunog? Tara na takbo" Saad nya. Humagalpak ako sa tawa sa mga sinasabi nya. Naalimpungatan yata

"Why are you laughing?" She asked innocently. Lord tulong Hindi ako makahinga, anak ko ba talaga to?

"HAHAAHAAH Teka lang. Wala Naman kasing sunog eh! Sabi ko lang naman naglalaway ka!" Sabi ko. She looked at me with annoyance on her face.

"Mommy naman eh! Laway lang naman pala!" She said kamot kamot pa Ang ulo.
"Natutulog ako eh, I hate you!" She closed her eyes and pouted like a kid! Nako napakasarap tingnan. I kissed her forehead and go downstairs para makapaghanda.

Hoy anak ng tipaklong mamamatay ako sa gulat. Bat may kumakalabog sa kusina? Sino yun? Nakawala ba sa cage si Bruno? Bakit Amoy sunog?

Naabutan ko si Greggy na nagluluto sa kusina..

"And what are you doing here?" I asked in authority. Agad syang humarap
halatang gulat na gulat..

"Ah Kasi I heard about what happened to Iya last night. Uhm I called Imee if pwede bang pumunta dito, buti pumayag sya. Ipagluluto ko Sana kayo ng pagkain kaso mukhang palpak" saad nya at napakamot sa ulo

Nako! Ano ba kasing niluluto neto? Pag Tingin ko hotdog at bacon lang pala? Tapos nasunog pa? Jusko naman Greggy!

"Hindi lang mukhang palpak. PALPAK talaga.Nako Greggy kahit kailan talaga. Pati Hotdog nasunog pa?" Inis Kong Sabi.

"Sorry hindi ko Kasi nabantayan" Saad nya. Naguilty tuloy ako.

"Oh sya sige po Sir ako na dyan at gisingin mo nalang Ang anak mo dun" I said.

I thought pinuntahan nya na si Iya. Nako sinasamantala nya pala akong matitigan... I made an eye to eye contact and raised my left eyebrow. As if I was asking if there's something wrong.

"Uhm Ang sexy mo parin Irene" he uttered. What??!? Bastos neto. Hoy Hindi ko Keri
"Anong Sabi mo?" I asked again.
"Ah Wala, eto na nga oh gigisingin na si Iya. Sige punta lang ako sa taas" utal nyang Sabi.

What just happened? He called me sexy? Really? Hindi ko alam Kong maiinis ako or kikiligin. Engot ka talaga Gregorio!!!.

---

Nakangiting naglakad si Iya papunta sa dining table. Pati narin tong isang mokong na 'to parang walang kasalanan. Inis ko syang inirapan at umupo.

"Iya Kain na! By the way Dra. Alcantara told me na baka daw may mga maalala kang mga bagay bagay na nangyari before, don't hesitate to tell me ha?" I said.

"Opo, and I guess that's the reason bakit sumakit ang ulo ko, I remember. Myself into a car accident? I don't know Mommy. Bigla kasing nag-fflash ng sabay sabay tapos malabo, Hindi pa naka sequence kainis!" Sabi nya sabay lagok sa gatas..

"Iya, what happened ba? Nang malaman ko galing sa Tita Imee mo halos ipalipad ko na Ang kotse papunta rito" Sabi ni Greggy habang ngumunguya.

I gave Iya a glare. As if I am saying "wag mo syang chikahan"... Iya chuckled.
"Wala Dad may sinundo lang akong party girl kahapon!" Halos lamunin ako ng lupa sa hiya.. Ah laglagan pala 'to. Humanda ka Celestia!!

"Tumatakas parin pala yang Mommy mo! Nako ganyan din ya--" Hindi na sya natuloy sa pagsasalita dahil agad Kong pinatid ang binti nya. Halos sumabog ako sa inis.

"Eh ano naman yang Daddy mo! Ang landi landi kapag nakainom!" Bawi ko. Iya's eyes widened. Teka wrong move ata yun! Awkward naman!

I saw Greggy smirked. "Atleast Ikaw lang ang nilandi!" He said. Omayghaddd!! Parang walang kasalanan Ang mokong Hindi ko pa nga nasasabi sa kanya na pinapatawad ko na sya. Kung ano ano nang ginagawa.

"Excuse me naman! We're here to eat no. If you guys want to reminisce some GOOD memories. The rooms are always available" Iya teasingly said...

Binaba nya Ang kubyertos. " Sige I'll go upstairs, para mag chika kina Kuya Lulu at Kuya Alf. And ofcourse to give you time para magharutan!" Saad nya at lumisan... Kitang kita Kong pinipigilan ni Greggy at tawa nya kaya binato sya ng table napkin... Inis akong tumayo at tumungo sa hardin... Narinig ko syang tumawa ng mapanukso. Sarap nyang bitayin.

Sarap mong tirisin Araneta!!!
I texted Iya to get herself ready dahil may pupuntahan kami. At mukhang sasama ang isang kumag na'to. Nako Gregorio kung Hindi lang dahil Kay Iya talagang Hindi kana makakapasok sa bahay na ito!!!. Pasalamat ka gwapo ka!

Hoy anong pinagsasasabi ko? Iww Irene super kadiri!!!

---

To be continued..

MGA MARE HAPPY 5K READS "HOME". THANK YOU FOR THE OVERFLOWING SUPPORT. I SUPER DUPER LOVE YOU GUYS!!

DONT FORGET TO VOTE AND COMMENT ... CHAR HAHAHAAHHA. Salamat ng marami

HOMEWhere stories live. Discover now