THE GAME IS ON!

1.3K 83 30
                                    

Irene's POV.

I woke up because of the sunray that was kissing my bare skin. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako kakaisip at kakaiyak kung asan si Iya...

Halos mabutasan Ang bungo ko dahil sa sakit ng ulo ko. Nakakalasing pala Ang wine? Or sadyang mababa talaga Ang alcohol tolerance ko na pati sa wine nalasing ako.  Umupo muna ako. At nang mahimasmasan at agad na naligo at bumaba.

Habang nagsusuklay ako ng aking buhok may naririnig akong sigawan at tawanan sa baba. She's back? Omyghad!! Dali-dali kong tinapos Ang pagsuklay at bumaba.

I saw Luis chasing Iya and Alfonso...
Ano na naman Ang kalokohan ng tatlong ito? Tumikhim ako to get their attention

"Ehemm" saad ko napahinto silang tatlo. Iya and I had an eye contact pero agad syang umiwas... Dahan dahang lumapit si Luis sa dalawa at binasag Ang dalawang itlog sa kanilang ulo.

"HAHAHAHAHAHA payback time lil sis!" Saad nya. Agad na namula Ang mukha ni Iya kaya agad nyang dinampot Ang chocolate syrup at ibinuhos sa dalawa nyang Kuya. Agad syang tumakbo sa pool area at tumalon..

Kahit kailan talaga napaka-kulit. Agad akong pumunta sa kitchen counter I saw the maid busy cleaning the mess they did. "Manang? Kailan po nakauwi si Iya?" Tanong ko sa isa sa mga maids.

"Ay maam hindi naman po yan naglayas eh. Umuwi lang po yan kagabi na umiiyak. Sabi nya po pag may nagtanong kung nasan sya wag ko daw po sabihin. Doon po sya nagkulong sa Guest room " She stated.

"Eh bakit hindi mo sinabi sa akin?" I asked. Napakamot sya sa ulo nya. "Eh yun na nga po Maam sasabihin po ko sana sa inyo kagabi, kaso po mukhang may ginagawa po kayo eh. Baka makadisturbo pa ako... Ah sige po ma'am itatapon ko lang ito" she said and excused herself...

The freak? Nakita nya yun? Aishhh Wala akong dapat ikatakot, wala namang kababalaghan na nangyari kagabi...

"Arayyy kuyaaaaa!!! Ansakittt" I heard Iya whining kaya agad akong tumakbo patungo sa pool area...
"Luis! Alfonso! Ano na naman bang ginawa nyo?!?" Pasigaw Kong Sabi..

"She's clumsy kaya nadulas." Luis uttered. "Tulungan nyo! Ano tatanawin nyo lang yang sister nyo?" Sigaw ko.
Nako umagang umaga tumataas pressure ko.. "Aba bingi ba talaga kayo? sinabi nang tulungan nyo Yung kapatid nyo!" pag-uulit ko. Pero mukhang ayaw talaga nilang tulongan.

Kaya ako na ang pumunta at tinulungan si Iya sa pagtayo dahil mukhang walang Planong umahon ang dalawang ito. Laking gulat ko ng tumawa sya ng napalakas. Ano na naman ito? Hindi naman ata naalog Ang utak nya kahapon eh..

Pagkatayo nya ay sumigaw sya ng "GO" agad nya akong tinangay sa pool...
Nahulog kaming dalawa at halos mamatay na silang tatlo kakatawa.

"Hoy!! Anong kalokohan to? Kakaligo ko lang! Ayan na naman kayo sa mga prank nyo!!! Hindi nakakatuwa!!!" Inis Kong Sabi. "Nagmana kayo sa tatay nyo!" I said. Laking gulat nila. What the freak? Ano na naman ang sinabi ko?

"So you mean?? Omayghad kuyaaaaa HAHAHAHA parehas ba tayo ng iniisip?" Iya exclaimed.

"Ang dudumi ng mga isip nyo! Maiwan ko na nga kayo!" Sigaw ko..
"Hala? Bakit mo naman po nasabi? Hindi naman po yan yung sasabihin ko eh. Ayan Kasi Mom nabubuking ka tuloy dahil lang din sayo!" Iya exclaimed.  So Anong ibig sabihin nila???

At Teka Hindi ba galit si Iya sa akin?Himala. "Iya? Hindi kana galit sa akin?" I asked. Natawa sya "Bakit Mom gusto mo po bang magalit ako sa inyo?" She answered back.

"Just kidding! Mom I just want to say sorry on how I acted yesterday. Sorry po. Now ko lang po na realize na Hindi appropriate na sabihin Ang ganung mga topics. I'm really sorry Mom." She said. Sigurado ba talagang Hindi sya mabagok? I mean tanggap ko naman na magagalit sya sakin pero? Hayss Ewan.

HOMEWhere stories live. Discover now