Kabanata 38

6.5K 164 8
                                    

KABANATA 38

My heart immediately beat loud and fast when I saw my bodyguard locked up on the floor. A tall and big muscly guy is pointing a gun on him.

"Wag kang gagalaw dahil hindi ako magdadalawang-isip na kalabitin to" bulong ng lalaki sa likod ko.

Naramdaman ko ang matigas na bagay sa tagiliran ko at hindi ko man tingnan alam kong baril iyon.

Lima silang lahat kasama ang nasa likod ko at pawang mga armado. Kahit saan ko ilingon ang mata ko wala akong makitang tao. Even so, I still tried to shout for help but only muffled sound is coming into my mouth.

"Manahimik ka nga. Baka makalabit ko ito, sayang maganda ka pa naman"

Nanindig ang balahibo ko sa sinabi nya at lalong kinabahan.

Ang tanging pag-asa ko na lang ay ang isa pang bodyguard na kumukuha ng kotse pero nawala yun ng dumating din sya bitbit ng dalawa pang lalaki at kita ko ang dugo sa pantalon nya.

Nakatutok na sa amin ang mga baril at naririnig ko silang naghahanap ng van yata nila na natagalan pa.

Nanlalamig na ang buong katawan ko sa takot at kaba pero nakaisip pa rin ako ng paraan para tumakas.

Lakas loob kong itinaas ng pasimple ang kanang paa ko at sinipa sya patalikod. Matigas at mataas ang heels ng sapatos ko kaya napadaing sya sa sakit. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para sikuhin sya at mawala ang baril na nakatutok sa akin.

Naagaw ko ang atensyon ng iba kaya nagawa ring manlaban ng dalawa kong bodyguard.

Nawala na sa isip ko ang mga baril nila basta lumaban lang ako. Nag panick ako ng makarinig ng magkakasunod na putok ng baril. Hindi iyon masyadong halata dahil may nakalagay sa dulo ng mga baril nila maybe silencer.

Nakapang-agaw ng baril ang mga bodyguard at agad silang lumapit sa akin habang nakikipagsukatan ng tingin sa pitong lalaki na nasa harapan namin.

"Miss Praia okay lang po ba kayo?" tanong ng isang bodyguard.

Malakas na malakas ang kabog ng dibdib ko habang dahan-dahan kaming humahakbang palayo kaya hindi na ako nakapagsalita pa para sumagot sa kanya. Walang magawa ang pito dahil isang paputok lang mula sa mga bodyguard maagaw na ang atensyon ng lahat.

The two covered me up kaya naman kahit paano kumalma ako.

I heard a loud stretching sound of tires and the next thing I know, kinakaladkad na nila ako patungo sa isang puting van at nasa sahig ang dalawang kasama ko na parehong tumilapon dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga ng van sa kanila.

Itinali nila ang kamay ko mula sa likod at mabilis ang mga pangyayari. May isa pang van na nakasunod sa amin kung saan nakasakay yung ibang kidnappers. Hindi ko alam kung kinuha din ba nila ang mga bodyguard dahil parang walang may tao ang mga iyon matapos banggain nila.

"Pakawalan nyo ko--- Ano ba--- Tulong! Tulong"

Napabaling ang mukha ko sa kabilang direksyon ng sampalin ako ng isang lalaki.

"Manahimik ka" asik sa akin nung lalaki.

"Damn fuck you all! Pakawalan nyo ako dito" sigaw ko pa rin at ipinagpatuloy ang pagmumura kahit nananakit ang pisngi ko dahil sa sampal.

"Patahimikin nyo yan" utos ng lalaki na katabi ng driver.

May isang naglagay ng tape sa bibig ko pero hindi ako natahimik. Gumalaw pa rin ako nang gumalaw kahit napagigitnaan ako ng dalawang malaking lalaki dahilan para masipa ko ang lalaking katabi ko.

Fire of Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon