Kabanata 4

9.9K 407 25
                                    

KABANATA 4

Hating gabi na ng matapos ang pag uusap namin ni Tammy dahil nagkwento pa sya tungkol sa isang dating naka one night stand na nag i-insist na magpakasal sila.

She is very annoyed kaya wala akong ginawa the whole time kundi tumawa nang tumawa. She hates commitment pero parang nakahanap na sya ng lalaking ayaw sa 'no strings attached policy' nya.

Kakahiga ko pa lang ng mag ring ang phone ko.

It was an unregistered number kaya nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba pero sa huli ay naisip kong baka importante kaya sinagot ko rin.

"Hello Praia speaking, may I know who's this?" agad kong tanong na para bang call center agent.

"Darn. Even your voice sounds good over the phone," malambing na sagot ng lalaking nasa kabilang linya.

Nangunot agad ang noo ko.

"What? Sino ka ba?"

Binago ko ang tono ng boses ko at pinataray iyon para ipaalam sa kausap ko na naiirita ako sa kanya.

In the middle of the night? Talagang naisip nyang mambulabog? Tss...

"Ang bilis mo namang nakalimot. Di ba sabi ko, we'll call you?"

"I had enough for this nonsense— Wait... Zurich? I mean..." napasinghap ako at agad na kumurap-kurap "Good evening mister Monteclaro!"

Mariin kong kinagat ang labi ko ta nagdasal na sana hindi nya napansin na mataray ang tono ko kanina.

"You remembered... Coz you're hired and I'll just send the details."

The phone call ended.

Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko dahil sa shock. Hindi agad nag sink in sa utak ko ang sinabi nya.

I get the freaking job!

My phone beeped and the same unregistered number flashed on the screen. I read the details pero walang nagregister sa utak ko kundi ang...

'Ipapasundo kita sa condo mo bukas, eight sharp. Save my number for future reference.'

I face timed Tammy again and this time naka office attire na sya, mukhang magtatrabaho.

"Tammy may good news ako— at bad news..." bungad ko sa kanya.

Itinigil nya ang pagbo-blower ng buhok at excited na humarap sakin.

"Good news first..."

"I get the job. And ipapasundo nya ko bukas, which means kelangan kong mag stay sa condo mo over night para hindi sya maghinala dahil yun ang address sa resume ko."

Ngising aso sya ng marinig ang sinabi ko.

"Hay... Ang swerte mo naman... Kinikilig ako para sa future ng love life mo" she said in a day dreaming voice.

Nakalimutan nya na ata ang gagawin nya dahil narinig na naman nya ang hint na Zurich.

"Tammy hindi ka ba nakikinig?  Yung condo mo, tutulugan ko." I snapped.

"Oh... Bakit? Pinapalinisan ko yun palagi tsaka alam mo naman ang code nun kaya keri mo na yun. Feel at home ka lang kasi dati ka namang natutulog dun. Kahit di ka magpaalam actually, kasi kilala ka naman ng guard."

I rolled my eyes

"Stay in ba?" tanong nya

I don't know if she's interested with the details or she just want to apply too.

"Oo"

"Malaki ang sweldo nyan, for sure."

"Dapat lang noh, kasi masama ang ugali ng anak nya!"

Fire of Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon