Kabanata 19

7.1K 299 3
                                    

KABANATA 19

"LETS talk Praia"

Natigil ako sa paghakbang patungo sa banyo ng makita si Zurich na nakaharang sa dadaanan ko.

How the hell did he get in there? That fast na hindi ko man lang namalayan.

"Let's talk later" simpleng sagot ko at nagtangkang umatras para makalayo sa kanya.

Nag-iwas ako ng mata dahil naaalala kong sinundan nya si Venice kanina.

Malay ko ba kung anong ginawa nilang dalawa? Ayoko nang isipin dahil nasasaktan lang ako.

Humakbang sya palapit sakin kaya napilitan akong umatras palayo sa kanya. Parang yun lang din naman ang hinihintay nya para mas lalo pang pagbutihin ang paglapit sakin.

"Honey... I want us to talk now"

He is using his authoritive side with me pero hindi ako nagpatinag. Nanatili lang ang diretso kong tingin at pormal na mukha habang nakaharap sa kanya.

"I'll just take a cold shower--- Shit"

Bago pa ako makalayo ay kinabig nya na ako sa bewang. Hindi ako makapalag dahil mahigpit ang yakap nya sa akin at sa laki ng agwat ng pangangatawan naming dalawa, napaka useless naman kung itutulak ko sya.

"Bakit ang formal mo? Hindi mo ako pinapansin" his tone suddenly turned into soft one, asking and begging for answers.

"Bitawan mo ko Zurich, amoy araw pa ako"

Pilit akong lumayo pero mas nagpumilit lang sya para hindi magkaroon kahit na kakarampot na distansya sa pagitan naming dalawa.

He rested his chin on my right shoulder and slightly sniffed my neck like he wants to get every single scent in there.

"Hmm? May sinasabi ka?" malambing nyang tanong.

Obviously the sweet devil is playing innocent today.

Hindi nya ba alam na leeg ko ang inaamo-amoy nya? Nandyan lang sa tabi-tabi si Venice at may sakit si Sydney.

I rolled my eyes trying to maintain my annoyance even I'm starting to flash a wide grin.

It tickles every time his nose touches my nape so how can I maintain a straight and poker face?

"Ang sabi ko amoy---"

"You smells like honey... I'm addicted" putol nya sa lahat ng sasabihin ko.

"Pwede ba? Let me go" I demanded in a firm tone.

I heard him chuckled.

What's funny? This jerk is playing a dumb game with me.

"Nagseselos ka ba kay Venice?"

Nalaglag ang panga ko sa tanong nya at hindi agad nakapag-react dahil sa gulat, isama pa doon ang pagkairita.

He has the nerve to ask me that freaking question? Pinaghintay nya ko at pagkatapos bumalik sya kasama si Venice? Gago ba sya?

"Please say yes honey..." he whispered.

Gusto ko syang sigawan at sagutin ng oo. Oo nagseselos ako. Hindi lang yun, nai-insecure din. Pero may karapatan ba ako? Wala. Wala akong karapatan kaya umiling na lamang ako at pilit syang nginitian.

Kumalas sya sa pagkakayakap sakin at tiningnan ako gamit ang nag babagang mga mata. His jaw tightened, a perfect sign that he was mad.

"Bullshit Praia, stop pretending that you're okay when you are not"

Fire of Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon