Kabanata 42

6.3K 157 12
                                    

KABANATA 42

"SYD?"

Napamulagat ako ng makita na sya ang kumakatok sa pinto ng suite. I'm expecting my mom or even Zurich, but not her.

"Hi!"

Lumuhod ako bahagya para magpantay ang level ng mga mukha namin at nagulat ng bigla nya akong yakapin ng mahigpit.

"I missed you" bulong ko habang niyayakap din sya pabalik.

"Yeah... Me too"

Kumalas sya sa pagkakayap sa akin and if I got it right, nagpunas sya ng luha sa gilid ng mata.

"Wanna have breakfast?" nakangisi nyang tanong.

"Yeah sure, bababa na rin naman sana ako eh"

Hinawakan nya ang kamay ko at hinila na ako agad palabas sa suite ko.

She's still the kid I love. Straight forward, maldita pero totoong magmahal. Sydney is just such a gem.

Sa The Coffee Shop kami napadpad at gaya ng dati, all smiles ang mga crew sa paligid.

"Good morning sa future mag-ina!" nakangising bati ni Penny na syang lumapit sa table namin.

"Hi ate Penny! I want the usual" ani Sydney.

"Okay noted. Praia?"

Saglit akong nag-iisip. I don't have anything in mind so any breakfast would do.

"Hmm... Black coffee and donuts"

Kakarating lang ng order namin ng tumunog ang wind chimes sa entrance hudyat na may pumasok pero naagaw nun ang atensyon ko nang mapagtanto kung sino yun.

She is walking gracefully with her flowing maxi dress and fedoras, confident with her her held high, looking so proud of herself.

"Mom? What are you doing here?" kunot kong tanong ng maupo sya sa table na inuukopa namin ni Sydney.

"What? I just wanna see you" painosente at balewala nyang sagot.

Halos umirap ako dahil naka poker face sya pero ang creepy ng kumikislap nyang mata.

"Kamusta ang paghuli sa mga tauhan ni tita?" I opened the topic up.

"Konti na lang matatapos na"

Wow. That made me feel a little bit good. At least now, alam kong malapit na akong makauwi ng Manila.

"Good. Anyway..."

Sinulyapan ko si Sydney na tahimik na kumakain sa katabi ko.

"This is Sydney, apo ng resort owner"

Sydney smiled politely.

"Nice to meet you po" aniya sa confident na tono.

Nawala ang poker face ni mommy at tuluyan na itong napalitan ng malapad na ngiti.

"Hello little fella. How old are you?"

"Five"

Sumulyap ako sa counter kung saan nakatambay si Penny at nakuha nya agad ang senyas ko na breakfast para kay mommy.

"So... Come here. Come... There..."

Napamulagat ako dahil magkasundo sila at saglit lang akong nakalingat nakaupo na si Sydney sa kandungan ni mommy.

"Praia?" untag ni mommy sa akin.

"Po?"

"Kelan mo ako bibigyan ng apo?"

Fire of Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon