X

69 5 1
                                    

~

"Dating Paksa"

Nagbago ka na,
Hindi na ako ang hiwaga sa malalim na salita
Ako'y iyong pinaliguan ng mga matalinghaga
Inihambing sa isang pulang rosas

Nangako ka,
Na ang bawat tulang iyong isusulat,
Ako ang laging paksa
At laman ng bawat talata

Bakit, isang araw bigla nalang nag-iba?
Pagbasa ko'y hindi pamilyar na tao ang nakita
Ang pakiramdaman ay biglang hindi na maalala
Tanong sa sarili'y, "may iba na?"

Natagpuan ang sariling may luha,
Habang ang libro ay binabasa
At taimtim na inaalala ang laman ng pahina,
Mas lalong namulat sa nag-aabang na reyalidad

Pagmulat ng mata'y,
Nasiguro kong ito na ang wakas ng istorya
Ako'y naging masaya,
Salamat, sa mga tulang dati ako ang diwa

~

Pahina ng Luha (mga tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon