XIV

23 2 0
                                    


~

"Sukuan"

Mabilis ba na ako'y saktan?
Dahil nakakaya mo ang puso ko'y maging luhaan
Mabilis ba ako palitan?
Sapagkat limot mo agad ang ating nakaraan

Kay tagal nang ating pinagsamahan
Ako'y palaging nariyan
Paano mo nagawang palitan?
Nakahanap ka agad ng bagong kasiyahan

Mahal kita kahit ako'y iyong nasaktan
Mahal kita kahit sobra na minsan
Mahal kita kahit ako'y laging nahihirapan
Mahal kita kahit ikaw ay lumisan

Handang gawin lahat para sa iyong kasiyahan,
Ibibigay lahat ng iyong kailangan
Kahit ako ay maubos man,
Sinta, hindi kita susukuan

Kung gaano kita kaya katagal hawakan
Ay ganoon mo ako kabilis bitawan
Kung gaano ko kagusto na ikaw ay ipaglaban
Ay ganoon din kadali sa iyo na ako'y sukuan

~

Pahina ng Luha (mga tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon