XII

28 1 0
                                    

~

"Mahal Kita"

Mahal kita,
Kahit minsan ay masakit na
Kahit minsan ay sobra na,
Mahal pa rin kita

Rinig kong sabi nila,
Kapag gusto mo ang tao
Kahit gaano ito kasama,
Lahat ay perpekto para sayo

Tila ito ay totoo,
Ang mga salitang ito ay napatunayan ko
Na kahit malabo na mahalin niya ako,
Siya pa rin ang pipiliin ko

Walang ibang mamahalin,
Kahit maubos man ako ay handang tanggapin
Siya lamang ang aking gugustuhin,
Kahit ang pagtingin niya'y wala sa akin

Mahal kita,
At patuloy na ang puso'y para sa iyo sinta
Kahit ay masakit na,
Ako'y maghihintay na iyong sambiting, "iniibig rin kita"

~

Pahina ng Luha (mga tula)Where stories live. Discover now