V

98 10 0
                                    

~

"Tulad ng Buwan"

Para kang buwan
Kay sarap mong titigan
Makaulit ulit ko mang tingnan
Hindi nakakasawang pagmasdan

Nagbibigay ganda sa madilim na kalangitan
Hatid mo'y tunay na kasiyahan
Ngunit gaya rin ng buwan
Matagal pa bago ikaw ay masilayan

Pilitin man kitang maging akin
Ngunit kay hirap mong abutin
Dahil kahit anong aking gawin
Kay layo mo parin sa akin

Tulad ng isang buwan
Sa gabi lang pwedeng masulyapan
Dahil sa pag sikat ng araw
Mawawala ka't hindi na matatanaw

Sa pagsapit ng kadiliman
Puno ng galak ang aking nararamdaman
Inaasam asam kong masilayan
Ang muli mong pagsilay mula sa kalangitan

~

Pahina ng Luha (mga tula)Where stories live. Discover now