VII

94 7 0
                                    

~

"Katapusan"

Lahat ng bagay ay nagsisimula sa mahal kita
Ngunit nagtatapos rin ito sa 'ako'y lilisan na'
Kahit gaano niyo man kasaya
Sa bandang huli ay masasaktan lang kayong dalawa

Walang permanenteng saya sa mundo
Lahat tayo'y nasasaktan ng todo
Pilitin man nating saya ang pairalin
Ngunit ito'y kusang mawawala rin

Alam kong sa simula palang
Ay dapat hindi na natin ito sinubukan
Dapat ay hindi na sinimulan
At dapat matagal ng winakasan

Sa bandang huli ay pareho tayong sugatan
Aalis at masasaktan
Lilisan habang luhaan
At kakalimutan ang ating nakaraan

Sa bawat pagdaan ng panahon
Ay siya ring unti unti nitong pagkabaon
Dala dala ang saya ng kahapon
Kalakip ang tamis ng pag-iibigang ating itatapon

~

Pahina ng Luha (mga tula)Where stories live. Discover now