IV

98 10 0
                                    

~

"Tanda Ko Pa"

Natatandaan ko pa ang kislap sa iyong mga mata
Kung paano mo ako titigan sinta
Kung paano mo bigkasin ang salitang mahal kita
At kung 'pano mo pinangako na ako'y papakasalan mo pa

Ngunit sabi nga nila lahat ng tao nagbabago
Pati ang puso at pagtingin nito
Na kung dati ay tumitibok ito sa iyo
Ngunit ngayo'y nakalaan na para sa ibang tao

Lahat raw na pangako napapako
Ayaw ko mang maniwala ngunit napatunayan mo ito
Dahil kahit gaano man ka sinseridad ang pagkabigkas nito
Darating parin sa punto na makakalimutan ito

Kung gaano ka kadaling nahulog sakin
Ay ganoon din ka bilis ang pagtigil ng tibok ng iyong damdamin
Kung gaano mo kay daling sabihing ako'y mahal mo
Ay ganon din ka bilis mong bigkasin ang salitang ayoko

Sa isang pitik ko
Lahat ay biglang nagbago
Na kung dati ay ako pa ang sentro mo
Ngayo'y iba ng tao

~

Pahina ng Luha (mga tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon