VIII

76 5 0
                                    

~

"Matuto"

Ang pag-ibig ay handang magsakripisyo
Pinapatawad kung mahal mo
Handa kang masaktan kahit bawat segundo
Huwag kalang niyang iwan at bumalik siya sayo

Ngunit ito'y pakakatandaan mo
Lahat ng bagay ay may limitado
Kahit gaano ka man kamahal ng isang tao
Sa bandang huli ay lilisan rin ito

Dahil kahit gaano ka man kagusto nito
Kapag nauntog yan at natuto
Kahit pa anong gawin mo
Hindi na 'yan babalik sayo

Dahil kung mahalaga siya sayo
Dapat sa simula palang hindi kana nagloko
Dahil kung siya ang mahal mo
Sa simula't sapul ay dapat ito'y hindi sinaktan mo

May hangganan ang lahat
Kahit gaano ka kamahal ay hindi parin sasapat
Minsan kailangan lang nating mauntog upang matuto
At masaktan upang hindi mabulag sa pag-ibig na akala natiy totoo

~

Pahina ng Luha (mga tula)Where stories live. Discover now