Chapter 9

65 9 0
                                    

Ilang araw na ang nakalipas ay nandoon pa rin si Garrett sa ospital. Di pa masyadong magaling ang paa niya dahil masyadong naapektuhan ang paa niya sa pagkasagasa niya.

Kaya bago ako umalis ng bahay ay nagluto ako ng mechado para sa kanya. Though ,di ko naman alam kung anong favorite niya dish. Beside ,mas pinili ko na bisitahin ko siya kaysa magtrabaho ako.

"Oh ,ate saan ka pupunta?"biglang akong tinanong ni Jaycee kaya sandali ako napalingon sa kanya.

I bit my lower lip ,"Ah ,pupunta lang ako ng ospital. May bibisitahin lang akong kaibigan."

Nakita kong unti unti siyang tumango dahil sa sinabi ko.

"Ganun ba?"tanong niya uli ,"Kung ganon ,edi take care!"

Napatawa na lang ako ng mahina dahil sa sinabi niya. Nauna na akong lumabas dahil sasakay pa ako ng jeep ngayon!

Halos thirty minutes din ang biyahe ko papuntang ospital ,pero normal naman sa akin yun dahil nasanay na ako naabutan ako ng traffic kapag nagcocommute ako!

Pumasok na ako sa loob ng ospital at napatigil ako dahil nakalanghap ako ng simoy ng aircon. Sarap sa pakiramdam kapag galing ka sa labas!

Nung nasa tapat na ako ng kwarto ni Garrett ay dahan dahan kong binuksan ang pintuan kung may kasama ba siya.

"Naospital ka na lahat lahat nagawa mo pang magbiro ng ganyan."rinig ko ang boses na yun at alam kong may kasama siya dito sa kwarto niya.

"Shut up."mariin na sabi ni Garrett.

I sighed heavily. Kumatok na lang kaya ako?

Kaya di na ako nagdalawang isip na kumatok sa pintuan niya at humihinga pa ako ng malalim.

"Come in ,bukas yan!"rinig ko ang sigaw ni Garrett galing sa kama niya.

As usual.

Tuluyan na akong pumasok sa kwarto niya. At sa pagpasok ko ,bakas sa mukha ni Garrett ang pagkagulat.

Dahil nakanganga siya habang tinititigan niya ako.

Napalingon ako sa kasama niya at nakatingin din siya sa akin. Wait? parang pamilyar ang mukha niya sa akin?

Saan ko nga ulit siya nakita?

"What are you doing here?"biglang tanong ni Garrett kaya natauhan ako saka ako tumingin sa kanya.

"Masama ba bumisita sayo?"mariin na tanong ko sa kanya pero di naman siya kumibo ,kaya unti unti lumapit ako sa kanya.

"What's this?"turo niya sa hawak kong eco bag kaya napatingin ako.

"Ah ,ito nga pala ,"sabi ko saka ko tinaas yung niluto kong mechado para sa kanya ,"Nagluto kasi ako ng mechado para sayo."

"Huh? para sa akin?"

Tumango ako ,"Oo ,para sayo. Di ko kasi alam kung anong favorite mong dish kaya mechado na lang niluto ko."

Honestly ,simula nung naaksidente si Garrett ay sobra sobra akong nag aalala sa kanya. Di ko alam kung bakit ganon ang nararamdaman ko ,basta gusto ko siya makitang okay lang siya. Nakakain ng maayos.

Nagulat na lang ako na biglang kinuha sa akin yung eco bag ang kasama ni Garrett ngayon.

"Wow? nagluto ka?"sabi niya kaya dahan dahan akong tumango ,"Tamang tama! gutom na ako ngayon."

Ngintian ko na lang siya dahil halata sa itsura niya na nagugutom siya. Though ,madami naman niluto kong mechado ko ,kaya pwede pandalawang tao ang kumain nun.

Nakita ko na lang na may binatong bagay si Garrett sa kanya ,"Niluto yan para sa'kin Rick ,hindi yan niluto para sayo para kainin mo."

Rick? yun pala pangalan niya.

Together For A Day ✓Where stories live. Discover now