01

216 34 28
                                    

"Naveah, handa na ang pagkain. Bumaba ka na ri'yan sa kwarto mo." tawag ng kanyang ina na si Narea.

Isa itong tagasilbi sa palasyo kaya naman maaga itong naghahanda ng pagkain para sa anak na si Naveah.

"Naveah!" tawag muli ng kanyang ina ngunit hindi pa rin ito bumababa.

Isinusuot ni Naveah, ang baluti ng kanyang ama na isang kawal ng palasyo ngunit mapapahamak s'ya kapag may nakakita sa kanyang ibang tao.

Pinagbabawal na humawak ng kahit na anong matulis na bagay o espada ang mga babae o hindi kaya'y magsuot ng baluti na para sa mga lalaki.

Umakyat na ang ina ni Naveah, sa kwarto n'ya upang sabihin dito na oras na ng almusal. Nakita nito na suot ng anak ang baluti ng kanyang asawa kaya dali dali n'ya itong nilapitan.

"Anong iniisip mo? Hindi ba sabi ko, 'wag mong pakikialaman ang gamit ng iyong ama!" sigaw nito habang tinutulungan si Naveah na tanggalin sa katawan ang suot.

"Gusto ko lang naman na sukatin ina. At saka wala namang makakakita sakin dito sa loob ng kwarto." palusot ni Naveah na tinatanggal ang huling parte ng baluti.

"Kahit na! Hindi mo alam kung anong puwedeng mangyari kung mahuhuli ka." ibinalik na ni Naveah, ang baluti sa kahon na pinag-lalagyan nito.

"Bumaba kana, handa na ang almusal maaga pa tayo papuntang palasyo." sumunod ito sa ina at isinarado ang pinto ng kwarto.

Panibagong araw na naman ibig sabihin makikita n'ya na naman ang prinsipeng walang ginawa kundi ang tumakas. Kasama s'ya ng kanyang mga magulang sa palasyo habang nagsisilbi.

Minsan pa ay napag bantay s'ya sa prinsipe ngunit nakatakas ito dahil inutusan s'ya nitong kumuha ng maiinum pero nahuli n'ya rin kaagad ito.

Maliksing dalaga si Naveah, hindi s'ya tulad ng ibang dalaga sa kaharian na mahinhin at palaging nasa loob ng bahay. Mahilig ito sa mga bagay na ginagamit ng kanyang ama kahit pinagbabawalan s'ya ng kanyang ina at ama.

Palagi rin itong nasa gubat at nangangaso malayo sa palasyo upang hindi s'ya mahuli ng kung sino at hindi maparusahan.

"Anong pangalan mo?" tanong ng prinsipe sa'kin.

"Naveah. Naveah, kamahalan." magalang kung sagot habang nakayuko upang magbigay galang.

"Maaari mo ba akong samahan sa pamilihan mamayang gabi Naveah?" seryoso nitong sabi ngunit umiling ako, ayoko managot kung sakali mang may mangyari sa kanya.

"Tss."

Gustuhin ko mang samahan s'ya ay hindi pa rin ako sigurado sa kaligtasan n'ya. Isa s'yang prinsipe siguradong maraming bandido o kaya naman ay mga gustong umagaw ng magiging trono n'ya.

Kung mapahamak s'ya ay ako ang mananagot at ang aking mga magulang. Hindi ko rin gustong mapahiya sila.

"Pero kung gusto mo kamahalan, ako nalang ang bababa sa pamilihan mamayang gabi upang bilhin ang mga gusto mo." suhestiyon ko.

Lumaki ang ngiti sa mga labi nito at kaagad na lumapit sa'kin.

"Isama mo ako. Hindi naman nila malalaman kung hindi ka magsusumbong." sabi nito habang nakakapit sa kamay ko.

Nakaisip ako ng puwedeng kondisyon kung sakali mang isasama ko s'ya. " Isasama kita kamahalan, sa isang kondisyon. Isasama mo naman ako sa silid na puno ng mga armas pandigma."

Sumang-ayon kaagad ito at nagkamay pa kami bilang tanda ng kasunduan namin.

Pero bago 'yon kailangan ko munang mag-isip ng taktika upang hindi makaagaw pansin ang prinsipe o di kaya'y upang hindi s'ya makilala.

DUNGEON SERIES #2: Her Sword Of Affection [Completed]Where stories live. Discover now