22

24 6 0
                                    

Walang oras na hindi ako umiiyak kahit na naipangako ko na sa sarili kong magiging matatag at malakas ako pero ngayon ay nawala 'yon.

Ang sakit sakit mawalan ng mahal sa buhay at bakit sunod sunod pa na tila plinano?

Ilang linggo na akong nakalugmok sa kwarto at walang ganang kumain kahit ang lumabas para magpa-araw ay hindi ko magawa. Nakahiga lamang ako sa kama at umiiyak.

"Pagod na ako, Ama." umiiyak kong sabi.

Narinig ko ang pagbubukas ng pintuan ng silid na yon.

"Naveah, anak." rinig ko ang tawag ni Mamang.

"Ipinaghanda ka ng pagkain ng mga tao sa labas. Kumain ka muna." ibinaba ni Mamang ang pagkain sa kalapit na lamesa.

Umupo ito sa tabi ng kama at hinawakan ang kamay ko. "Mamang, pagod na ho ako." inayos ni Mamang ang buhok ko.

"Alam mo bang ayaw na ayaw sa lahat ng dalawang iyon ay ang hindi kumakain," nakatingin ito sa akin. "Alam mo kung bakit? Dahil palagi nilang sinasabi na naghirap ang nagluto ng pagkain kaya kailangan mong kainin 'yon."

"Sinasabi nilang pareho na kapag may hinain sayo kailangan mong ubusin." ngumiti ito ngunit kita sa kanyang mata ang lungkot.

"Parang mga anak ko na sila at sa akin sila lumaki. Kaya masakit sa akin na bigla na lamang silang binawa ng Diyos."

Nakita kong tumulo ang luha ni Mamang at kaagad nito itong pinahid. "Isipin na lamang natin na nawala sila para sa kinabukasan ng ating kaharian. Sinakripisyo nila ang kanilang sarili para maprotektahan ka at maisalba ang kaharian sa mga taong gahaman sa kapangyarihan."

Tumayo ito bago nagsalita. "Kumain ka na habang hindi pa lumalamig ang pagkain."

Dahan dahan akong tumayo at lumapit sa pagkain kinuha ko yon at kinain. Sigurado akong magugustuhan ni Kai ang sabaw na ito dahil mahilig s'ya sa maasim.

Isinusubo ko ang pagkain habang inaalala sila noon ay kasabay ko silang kumain ngayon ay nandito ako sa kwarto at mag-isang kumakain.

Totoo ang sabi sabing kahit masarap ang luto kung wala kang kasabay kumain ay hindi ka rin mabubusog.

"Salamat po sa pagkain." sabi ko nang matapos akong kumain bago bumalik sa kama at muling humiga.

Walang lakas ang katawan ko para lumabas masyadong mabigat at masakit ang nangyari sa akin. Isipin ko pa lamang na wala na sila ay naiiyak na ako. Pugto na rin ang aking mata.

Alam kong kahit kailan ay hindi magiging pantay o tama ang mundo sa mga taong walang kapangyarihan... pero hindi ibig sabihin ni'yon ay nararapat ko na yung maranasan, hindi ako papayag na hindi makakamit ang hustisya sa pagkawala ng aking Ama at mga kaibigan.

Tumayo ako at humarap sa salamin nakita ko ang aking sarili, isa akong kalat kung titingnan ngunit ang kalat na ito ang tatapos at hahanap sa mga may kagagawan nito.

"Isinusumpa kong wala ng susunod sa mga taong nawala, wala ng masasaktan at mamamatay." sabi ko habang hawak ang ipit.

Inayos ko ang aking sarili at muling kinuha ang aking baluti sa ilalim ng kama kung saan nakalagay ang espada at ang baluti ko.

Isinuot ko iyon at inayos ang aking buhok isinabit ko na rin ang espada ko sa aking likod at inayos ang aking buhok. Babalik na akong muli sa palasyo.

Kailangan kong ituloy kung anong nasimulan namin. Hindi ko hahayaang masayang na lamang ang hirap at pagod naming tatlo dahil lang sa wala na sila.

Lumabas ako sa silid na iyon at nakita ko ang tirik na tirik na araw. Ilang linggo akong hindi lumabas pero dahil sa sinabi ni Mamang ay nabago ang pananaw ko. Naglakad ako pababa at nang makita ako ng mga tao roon ay tinawag nila si Mamang.

Nang lumabas si Mamang sa may kusina at may hawak itong isang supot ng tinapay. "Babalik ka na sa palasyo, Naveah?" tumango ako.

"Kung ganon ay baunin mo ito, tinapay yan. Kainin mo kapag nagutom ka." tumango ako at ngumiti sa kanila.

"Sa pagbalik ko dito Mamang may kasagutan na lahat ng aking katanungan at alam ko na rin kung sino ang may gawa nun kay'na Tobias at Kai. Babalik akong nakangiti." ngumiti ito sa akin at niyakap ako.

"Alam kong malakas ka, mag-iingat ka." Lumapit rin sa akin ang mga bata at yumakap.

"Ate Naveah, babalik ka dito maglalaro pa tayo." ginulo ko ang buhok ni Dulce at hinalikan ito sa pisnge.

"Syempre naman." nakangiti kong sagot.

Kumaway ako bago umalis roon, walang oras para magkulong at lumugmok sa isang sulok. Walang magagawa ang pag iyak ko sa mga nangyayari kaya kailangan kong kumilos.

Nang makarating ako sa palasyo ay dumeretso ako sa isang dama para magtanong. "Binibini, maaari ko bang malaman kung na saan ngayon ang prinsipe?" lumingon ito sa akin. Si Mina, si Mina pala ang napagtanungan ko.

"Kausap nya ngayon ang Hari." nakatitig lamang ako dito.

"May maitutulong pa ba ako? Kung wala na ay maaari mo nang tigilan ang pagtitig sa akin." sabi nito na mukhang naiinis.

Tinanggal ko ang helmet kong suot at ibinaba iyon saglet. "Mina." tawag ko sa pangalan nito. Muli itong lumingon at tiningnan ang aking mukha.

Lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking mukha na akala mo'y sinusuri kung totoo ba ako. "Naveah? Ikaw ba yan?" tumango ako.

"H-hindi kita nakilala." hindi makapaniwala nitong sabi.

"Mabuti naman at mabuti ang iyong kalagayan ngunit may balita ka ba kay Ina?" tumingin ito sa aking mga mata at ibinaba ang kanyang bitbit na mga lalagyan ng prutas.

Mahina itong bumulong. "Mauupo na ang iyong Ina bilang Reyna sa susunod na araw. Hindi ko alam kung paano ngunit nabalitaan ko rin ang pagkawala ng iyong Ama. Nakikiramay ako, Naveah." ngumiti ako. Tama ako, si Ina nga ang narinig ko nung araw na 'yon.

Hindi ako magkakamali dahil kilalang kilala ko ang boses n'ya.

"May iba ka pa bang alam?" tanong ko.

"May mga kung anong illegal na ginagawa ang mga ministro at mga maharlika sa mga mamamayan at may ilang namatay dahil sa lupa." Ano? Akala ko ay hindi na natuloy ang planong 'yon. Hindi ba't tumutol doon si Silas pati na rin ang Hari. Anong nangyari?

"Maraming salamat , mag-iingat ka Mina." sabi ko bago umalis at pumunta sa bulwagan kung na saan ang Hari at prinsipe.

Nang makarating ako ay narinig ko ang kanilang usapan.

"Mas yayaman pa ang ating kaharian, Anak." rinig kong sabi ni Haring Oscar.

"Kung mamumuno s'ya kasama ko ay lalakas pa tayo at makakaya na nating sakupin ang iba pang mga kalapit na kaharian."

"Kung ganon ay pumapayag ako. Ina ko rin naman s'ya." Ina? Hindi ba't patay na ang kanyang Ina dahil sa panganganak sa kanya?

DUNGEON SERIES #2: Her Sword Of Affection [Completed]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu