15

27 8 0
                                    


"Babalik na tayo sa palasyo." Ito ang sabi sabi ng mga kasamahan namin.

Dalawang buwan na ang nakalipas mula nung umakyat kami rito sa bundok at dalawang buwan na ring noong huli kong nakita si Ama at ngayon ay hindi ko na s'ya makikita.

Kaagad kaming humilera nang marinig namin ang mga yabag ng kabayo ng mga opisyal kasama si Heneral Logan, na kababalik lamang mula sa palasyo.

"Magsipaghanda na kayo. Babalik na tayo sa palasyo at ngayon ay ibibigay na ang inyong opisyal na baluti na galing mismo sa kaharian." pasimula ng Heneral.

Ibinina ng mga kasamahan namin ang mga baluti galing sa kalesa. Isa isang ibinigay ang mga baluti sa lahat.

Tiningnan ko si Tobias at Kai, seryoso lamang ang mukha nito at walang reaksiyong mababasa ro'n gayon rin ang lahat.

Sa lahat ng dinanas at paghihirap naming lahat sa pagsasanay para lang maglingkod sa Hari at maprotektahan ang buong kaharian, wala na talagang rason para ngumiti.

"Isuot n'yo na ngayon ang baluti at kunin ang inyong mga gamit." sabi ng opisyal.

Hinubad na ng aking mga kasamahan ang kanilang pang-taas na kasuotan.

Kaagad na lumapit si Tobias at kinuha ang balabal bago gamiting pantakip para sa akin. "Magpalit na na, Naveah." mahinang bulong nito habang si Kai ay nakasangga upang hindi ako makita.

Tinanggal ko ang aking pang-itaas na kasuotan at isinuot ang baluti bago inayos ang aking buhok. Sa loob ng dalawang buwan ay unti unting bumabalik ang haba ng aking buhok kaya naman pinuputol ko itong kaagad.

"Maligayang pagbabalik sa lahat ng mga kawal!" masayang pagbati ng Hari.

Anong maligaya rito? Kababalik lang namin pero may iaatas na agad na trabaho sa amin?! Kung maaari lamang akong magsalita ay umangal na ako.

"Masaya ako na kayo'y nakabalik na at natapos n'yo na ang inyong pagsasanay. Kaya naman masaya akong ibalita sa inyo na magkakaroon kaya ng dalawangpu't dalawang pilak bilang gantimpala at pasasalamat." Nakangiti nitong sabi habang hawak hawak ang isang baso na may lamang alak.

"Dalawangpu't dalawang pilak lamang?!" mahinang bulong ko.

Kaagad naman ako binatukan ni Kai, kaya sinamaan ko ito ng tingin. "Wag kang maingay." sabi nito sa akin.

"Tsk. Kulang yung dalawangpu't dalawang pilak e!" Pagrereklamo ko.

Pagkatapos na pagkatapos ng siremonya ay ibinigay na ang pilak. Kaagad kong nilapitan si Tobias at Kai, nung makuha ko ang mga yon ngunit hinarang ako ng magpinsang sina Liv at Atlas.

"Nave, dahil nakabalik na tayo bakit hindi tayo uminom?" nakangiti nitong tanong.

Tumango si Atlas. "Pasensya na Liv, ngunit kailangan pa naming umuwing magkapatid sa aming tahanan." Nakatayo si Tobias sa likuran ng mga ito habang deretsong nakatingin sa akin. 

"Tama, kailangan na naming umuwi." sabat ko bago tuluyang lumapit kay Tobias.

"Kung gayon ay sa susunod na lamang tayo uminom. Sa ating muling pagkikita." paalam ng mga ito bago umalis.

Tiningnan ko si Tobias, bagay na bagay sa kanya ang baluti at kitang kita rin dito ang matipuno nitong katawan. Mukha s'yang masara—

"Tayo na, Nave." baling nito sa akin.

Sumunod lamang ako sa mga ito sa paglalakad. Nang madaanan namin ang aking bahay ay tumigil ako. "Maaari ba akong tumigil rito?" tanong ko.

Tiningnan ako nito sa mata at kaagad na umiling. "Kahit saglit lamang? Hindi naman ako magtatagal." pagpupumilit ko.

"Pasensya na, kamahalan. Ngunit mapanganib na tumigil pa tayo rito baka mamaya ay bumalik na ang i'yong ina." pag sang-ayon ni Kai kay Tobias.

Bagsak ang balikat kong sumunod ulit sa kanila pabalik sa gubat. Alam kong kaligtasan ko ang kanilang nais ngunit gusto kong makita kong saan nilibing ang aking Ama.

"Naveah, halika ka na." tawag sa akin ni Tobias.

Nasa kalagitnaan na kami ng gubat nang tumakbo ako pabalik sa aming bahay.

"Naveah! Naveah!" rinig kong tawag ng mga ito sa akin ngunit gusto kong makita ang puntod ni Ama, kahit ngayon lamang.

Nang makarating ako sa aming bahay ay walang tao ro'n. Pumasok ako at nakita ko sulat ko para kay Ina at ang mga gamit na nakakalat sa sahig pati na rin ang litrato naming tatlo nina Ama at Ina.

Pumasok ako sa kwarto nina Ama ngunit isang punong baul ng mga alahas ang nakita ko ro'n, wala na rin don ang kanilang higaan o mga gamit sadyang ang baul na lamang na may lamang mga alahas, ginto at kung ano ano pang kayamanan.

"Bakit narito ang mga ito?" bulong ko bago pumasok sa aking silid.

Gulo at nakakalat rin ang aking mga kagamitan, pati ang aking mga ipininta noon ay sira sira at ang iba ay sunog pa ron.

Lalabas na ako sa aking kwarto nang may narinig ang yabag ng paa at mahihinang boses.

"Sigurado ka bang hindi tayo tatraydurin ni Nesha?" Kaagad akong sumuot sa ilalim ng aking higaan upang magtago.

"Magtiwala ka, alam mong malaki ang bayad sa atin." rinig ko sa kanilang usapan.

"Siguraduhin mo lamang na walang makikitang ebidensya na makakapagturo kay Nesha." rinig ko ang yabag ng mga ito papunta sa kwarto nina Ama.

Nang mawala ang ingay ay saka lamang ako dahan dahang lumabas ngunit may kung anong usok ang lumalabas sa buong bahay at wala na rin ang baul na puno ng mga alahas. Nang makalabas ako sa aking silid ay nakita ko ang naglalaab na kwarto nina Ama at Ina.

Kaagad akong tumakbo papalabas nakita ko mula rito sa labas ang unti unting paglamon ng apoy sa aming tahanan. Wala na ang mga alala na binuo namin, wala na rin ang masasayang tawanan sa loob noon.

Tinupok na ng apoy ang aming bahay. Bumagsak na lamang ako sa lupa dahil sa panghihina ng aking tuhod ko.

"P-patawad, patawad A-ama." mahinang sabi ko bago tuluyang bumagsak ang mga luha sa aking mata.

Anong ginagawa ni Ina? Bakit wala s'ya sa aming bahay? Bakit mukhang ilang buwang walang umuwi roon?

Wala ring tanda o palatandaan ng inilibing si Ama, sa likod-bahay.

Bakit walang pakialam si Ina sa bahay? Anong ginawa n'ya nung malaman n'yang patay na si Ama? Hindi ba s'ya umuuwi?

"Bumalik na s'ya. Maghanda na kayo sa maaaring mangyari, isa s'yang matalinong dalaga at hindi rin basta basta ang kanyang kakayahan."

"Nasisiguro kong maghihigante ang batang i'yon."

"Pero paano na ang aming mga bayad?"

"Bobo! Sa lahat ng oras na pwede mong hingin ang i'yong bayad ay ngayon mo pa naisipan?!"

DUNGEON SERIES #2: Her Sword Of Affection [Completed]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum