14

34 9 0
                                    

Ilang araw pa lamang kami rito sa bundok pero susuko na tong katawan ko. Bawat araw ay iba't ibang klase ng pag eensayo ang ginagawa at kung ano anong mabibigat na bagay ang kailangang dalhin.

Ang maayos na paghawak ng espada at patalim ay itinuro rin pero sa kalagitnaan no'n ay nagkaroon ng kanya kanyang pagsasanay kasama ang aming mga kapareha.

"Hawakan n'yong mabuti ang espada upang hindi n'yo mabitawan! Madali kayong mamamatay kung ganyan ang ginagawa n'yo!" Hinawakan ko 'yon ng mahigpit at kaagad na isinangga sa papasugod na kapareha ko.

Sunod sunod na pagsugod ang ginawa nito kaya naman puro pag ilag at pag iwas lang ang nagagawa ko hanggang sa makita ko ang kilos nito at ang maling paghawak n'ya sa espada kaya naman kinuha ko ang pagkakataong i'yon upang makagalaw.

Bumagsak ito sa lupa at tumalsik rin sa di kalayuan ang kanyang espada. "Mahusay, Nave!" bati sa akin ni Heneral na natakayo kung saan nakikita n'ya ang lahat ng nag eensayo.

"Paghusayan mo pa." Tumango lamang ako.

Inilahad ko ang kamay ko sa aking kapareha at tinulungan itong makatayo. "Pasensya ka na."

"Hindi ko akalaing mapapansin mo ang kilos kong i'yon." nakangiti nitong sambit. Ako pa ba? Hindi lang basta bastang pag eensayo ang gagawin ko.

Tirik ang araw at naliligo sa pawis ang lahat, habang nagsasanay nang dumating ang isang kawal na sakay ng isang puting kabayo. Bumaba ito mula ro'n at kaagad na hinanap si Heneral Logan.

"Magandang araw po, Heneral." Yumuko'd ito.

"Magandang araw, anong i'yong pakay at ikaw ay na parito?" may iniabot na papel ang kawal sa Heneral bago ito muling magsalita.

"Liham po galing sa kaharian, ipinababatid ng hari na ipatigil ng dalawang araw ang pagsasanay." tumango si Heneral bago binuksan ang papel.

Natigil rin ang mga nag eensayo at nakikinig lamang sa kanilang usapan. Habang binabasa ng Heneral Logan, ang liham nakaramdam ako ng takot at kaba.

Para bang konektado sa akin ang nangyari. Sa tingin ko ay konektado kay Ama, ang liham na i'yon.

"Itigil na ang pagsasanay!" malakas na sigaw ni Heneral Logan, bago dali daling umalis sa kampo kasama ng kawal na galing pa sa kaharian.

Tumigil ang pagsasanay ngunit walang sinabing rason kung ano ang nangyari ay walang nakakaalam.

Naglalakad ako upang magpahangin at sandaling naupo sa lilim ng puno nang may lumipad na papel sa gawi ko. Ang papel na i'yon ay ang liham na dala ng kawal. Alam ko na para ito sa Heneral, ngunit may nag uudyok sa akin na basahin ko i'yon.

   
    
            
                                                           Mayo 5, 1998

Heneral Logan,
          
               "Ipagpaumanhin mo, Heneral Logan. Ang aking pagpapatigil sa inyong pagsasanay ngunit isa sa ating mataas na may katungkulang kawal ay napaslang sa paglalakbay. S'ya ay ipinadala sa kaharian ng Acesos para sa pagsasaliksik roon ng isang buwan ngunit s'ya ay natagpuang patay malapit sa tarangkahan ng kaharian. Ikinalulungkot ng buong kaharian ng Glamidale ang pagkasawi ng kawal na si Dion Memphis."

               "Kaya naman ikasasaya ko kung makakarating ka sa paghihimlay ng ating kawal at upang makita mo rin ang labi ng i'yong kaibigan."
  
    
                                                          Haring Oscar,

Ilang segundo akong natulala, hirap iproseso ng utak ko ang bawat letrang nabasa sa sulat.

Nanginginig ang kamay na binitawan ko ang papel na hawak. Posible ba? Posible bang ang isang simpleng papel na may pinaghalong labing-siyam na letra ay maaari kang saktan?

Ramdam ko ang unti unting pagbagsak ng mga luha. Kahit na nanlalabo ay kita ko parin kung papaano liparin ng hangin ang sulat na natanggap.

"No llores mi amor, tu siempre estas conmigo". narinig ko ang boses na i'yon mula sa likuran ng puno.

Lumingon ako at dali daling pinunas ang luha ngunit walang tao ro'n. Walang tao sa paligid.

Tumingala ako at tiningnan ang asul na langit, wala na ang aking Ama. Ang aking kakampi sa lahat ng bagay.

"Sigurado akong magiging mahusay kang kawal, Anak." mahinang bulong nito sa 'kin habang pasimple akong binibigyan ng tinapay.

Sinusuportahan n'ya ako sa lahat ng bagay kabaliktaran kay Ina.

"Sige na, ako na ang bahala sa i'yon Ina. Bumalik ka bago lumubog ang araw, Naveah!" Tumango ako bago mabilis na tumakbo papunta sa bayan.

"Paalam, Ama!"

Unti unting bumabalik sa akin ang mga alaala ni Ama. Paulit ulit na bumabalik sa akin ang mga pangyayari sa bawat minuto, oras at araw na kasama ko si Ama.

"Palagi mong tatandaan na hindi masamang lumaban lalo na't alam mong naaapi ka na, Anak.  Ang masama ay ang manahimik ka at magtago sa takot." Nakasandal ako sa kanya habang hinahaplos nito ang aking buhok.

"Ama, hindi po ba pinagbabawal ang paglaban lalo na sa aming mga babae." inosenteng tanong ko.

Tiningnan ako nito at hinawakan ang aking kamay. "Maaari mong mabago ang batas na i'yon, kailangan mo lang maniwala sa kakayahan mo." ngumiti ito at hinawakan ang aking mukha bago nito halikan ang aking noo.

"Babaguhin ko i'yon, Ama! Para wala ng masaktan  at maprotektahan ko rin sila." ngiti kong sagot.

"Ama, paano kung hindi ko sila matulungan?"

"Hindi sa lahat ng oras ay matutulungan natin ang lahat, minsan kailangan natin magsakripisyo." Ano ba ang pagsasakrpisyo? Sa murang edad ay di ko maintindihan i'yon.

Tama ka, Ama. Hindi sa lahat ng oras ay makakatulong at may matutulungan tayo. Magiging panangga ko ang mga itinuro mo sa akin at gagamitin kong armas ang lahat ng i'yong payo.

Pero sa ngayon hayaan mo akong damhin ang sakit at lungkot na sanhi ng iyong pagkawala.

Pinahid ko ang luha mula sa aking mga mata at mapait na tiningnan ang langit. "Why do you have to take back my Father?! ¡Mierda!"

"Hahanapin ko ang pumatay sa'yo, Ama." Tumayo ako at inayos ang aking sarili. Pinunas ko ang natitirang bakas ng luha sa aking mukha.

Sa lilim ng punong i'yon ay iniwan ko ang isang babaeng puro pagsasaya at ang babaeng walang kagustuhan kundi ang humawak ng armas.

Naglakad ito pabalik sa kampo at tahimik na bumalik sa kanyang tulda.

Magsisimula na ang gyera, hindi lamang sa bawat kaharian kundi sa puso at magulong buhay rin ni Naveah.

DUNGEON SERIES #2: Her Sword Of Affection [Completed]Where stories live. Discover now