EPILOGUE

87 10 1
                                    

                                     **
              SILAS JONAH OLEASTRO

"Samahan mo ako sa bayan, gusto kong bumili ng mga gamit roon." Umirap ito sa akin bago nagsalita.

"Ano namang mapapala ko?" tanong nito sa akin.

Isa s'yang dama at babae ngunit mas matigas pa s'ya sa 'kin at para sa akin kakaiba s'ya at natatangi.

"Samahan mo ako sa kuwarto ng mga armas." diretsang sabi nito bago ako tumango.

Ang totoo n'yan wala akong bibilhin sa bayan, gusto ko lang talaga s'yang makasama at makausap.

"Iintayin kita rito bago lumubog ang araw." magsasalita pa ito ngunit umalis na ako upang hindi na s'ya makaangal.

"Kung ganon ay may iniibig ka na?" tanong ni Ama sa akin habang kumakain kami.

May ilang dama sa tabi ni Ama at sa tabi ko naman ay si Naveah.

"Bakit hindi mo pa s'ya ipakilala sa akin at maplano na ang nalalapit n'yong kasal." ngumiti ako bago tumingin kay Naveah.

"Hindi ko pa nasasabi ang nararamdaman ko para sa kanya Ama ngunit alam kong nararamdaman n'ya naman na gusto ko s'ya at isa pa hindi s'ya katulad ng ibang babae na nakikilala ko." masayang tugon ko kay Ama bago muling tumingin kay Naveah.

Masama ang naging tingin nito sa akin bago nag-iwas ng tingin. Pinangunahan ko na naman s'ya.

"Sa pinakikita mo sa 'kin ay nagmumukha kang kulang sa atensyon, Silas."

"Ngunit gusto ko lang na maging kapareh—"

"Napakaraming babae d'yan sa paligid mo na gusto kang maging kapareha at nagkakandarapa pa. 'Wag mo akong pilitin sa mga bagay na ayaw ko." Tumalikod ito mula sa akin at naglakad papalayo.

Hindi ko maintindihan kung bakit kapag nakikita n'ya ako ay para s'yang pinagsakluban ng langit at lupa. Gusto ko lang naman na mapalapit sa kanya.

"Pumunta kayo sa bahay n'ya at abangan s'ya roon." utos ko sa mga bandidong nasa harap ko.

"At anong makukuha namin sa trabahong 'to?" tanong ng isa sa kanila at si Kahlo 'yon.

S'ya namumuno at nasusunod sa kanilang grupo nya kaya sa kanya ako lumapit.

Iniabot ko ang isang purselas na pag mamay-ari ko. Isang mamahalin at makintab 'yon na purselas.

Ngumiti ito sa akin. "Maasahan mo ang magandang balita, kamahalan." sabi nito bago umalis sa aking harapan.

Wala akong balak saktan s'ya o kahit anong masamang intensyon sa kanya. Kailangan ko lamang malaman kung sino ang lalaking binanggit n'ya nung araw na nakita ko s'ya sa lawa ng kasalanan.

“Tobias”

Bumalik ang ilan sa mga bandidong kasama ni Kahlo at nakita kong buhat buhat rin nila si Kahlo.

"Anong nangyari?!" tanong ko.

"May kasama s'yang lalaki at hindi basta bastang babae ang pinasusundan mo, kamahalan." sagot ng isa sa mga bandido.

Nakita ko ang putol na kamay ni Kahlo pati na rin ang ilang parte ng katawan n'ya na may malalim na sugat.

"Sinong may gawa nito?" Nagkatinginan pa ang mga bandido bago sumagot sa akin.

"Sino?!"

"Ang babaeng pinasusundan mo samin." mahinang sagot nito.

Imposible. Hindi 'to magagawa ni Naveah.

DUNGEON SERIES #2: Her Sword Of Affection [Completed]Where stories live. Discover now