05

53 12 0
                                    

"Naveah!" tawag sa akin ni Amona ang kaibigan na isa rin taga silbi sa palasyo.

"Ano i'yon?"

"Hindi mo ba alam? Magkakaroon ng isang sayawan dito sa palasyo sa darating na sabado, hindi na ako makapag hintay!" ngunit ang sabado ay ang huling araw ng septyembre.

"Maraming mahaharlika ang magsisi-dating upang makisaya." sabi nito habang hawak ang isang tapa o lalagyan ng tubig.

"Nakikinig ka ba sa akin, Naveah?"

"Pasensya na ngunit hindi ko narinig ang iyong sinabi." hindi na nito natuloy ang pagkwe-kwento nang tawagin ito upang mag handa ng pagkain para sa tanghalian ng Hari at Prinsipe.

Nakatayo ako at nakatitig sa kawalan nang may magsalita sa likuran ko. "Anak, bakit andito ka? Hindi ba't dapat katulong ka sa paghahain?" tanong ni Ina.

"Ina, malapit na ang huling araw ng septyembre." sabi ko na bakas ang pag aalala sa boses.

Ngumiti ito. "Alam ko na nag aalala ka para sa iyong Ama, ngunit bilang isang kawal at kinakailangan ng kaharian at kailangan n'ya iyong gawin." mahinahon na sabi ni Ina.

"Tawagin mo na lamang ang Prinsipe para kumain. Uuwi mamaya ang iyong Ama, 'wag kang mag alala." lumakad na ako papunta sa harden dahil naroon ang isip batang si Silas.

"Silas! Kailangan mo nang pumasok rito at tigilan ang paglalaro sa leon!" tawag ko rito.

Tumayo ito at pinagpagan ang sarili. Nauna itong maglakad papunta sa hapag at naroon na ang Haring Oscar nang kami'y dumating ro'n.

"Silas, malapit na ang iyong kaarawan at malapit na ang ika-dalawangpo't walong taon. Kinakailangan mo nang maghanap ng i'yong magiging asawa at uupo kasama mo bilang reyna." sabi ni Haring Oscar habang kumakain.

"May napupusuan na ako, Ama. Ngunit hindi ko alam kung paano ko makukuha ang kanyang loob." nasa tabihan kami ng Hari, kasama ang iba pang dama.

"Paano s'ya makakatanggi sa isang tulad mong prinsipe? Sino ba ang dalagang ito?" takang tanong ni Haring Oscar.

"Kakaiba s'ya, Ama. Ibang iba s'ya sa mga dalagang naririto sa ating palasyo, hindi s'ya mahilig sa sayawan o pagtitipon at palagi s'yang nakakubli." sabi nito bago tumingin sa akin.

"Masyadong ma-misteryo ang kanyang pagkatao, Silas. Tiyak ko na maganda s'yang dalaga, hindi ba?" tawang tanong ni Haring Oscar.

"Hindi lang s'ya maganda, Ama. Sobra ang kanyang ganda." nang matapos ang pagkain ng mag-ama ay sinamahan ko na si Silas pabalik sa kanyang silid.

Umupo ito sa upuan na katabi ng kanyang higaan at tumingin sa salamin. "Maaari ba kitang maimbitahan sa darating na sabado, Naveah? Bilang aking kapareha sa sayawan?"

Alam kong mas maigi na umiwas sa kanya para matigil ang pag iisip n'ya na may nararamdaman ako para sa kanya.

Mabait ka sa akin, Silas. Ngunit hindi ko kayang mahalin ang isang tulad mo.

"Hindi ako maaari, pasensya na, kamahalan." sabi ko bago umalis sa silid nito. wala na akong oras para makisaya o magsaya kailangan ko gumawa ng paraan para hindi masama si Ama sa mga kawal na ipadadala sa laban.

Umuwi agad ako upang maipaghanda si Ama ng pagkain ngunit pagdating ko sa aming bahay ay naroon na ang aking Ama at nagluluto.

"Naveah, halika ka at maupo." tinanggal ko ang aking balabal at naupo.

May nakahayin nang pagkain at inahaw na manok i'yon ang paborito namin ni Ama. "Bakit hindi mo pa kasabay ang i'yong Ina?" nagsisimula na akong mag lagay ng pagkain sa aking plato.

DUNGEON SERIES #2: Her Sword Of Affection [Completed]Kde žijí příběhy. Začni objevovat