21

22 6 0
                                    

Bumalik ako sa gubat at ilang araw na hindi bumalik sa palasyo. Inabala ko ang sarili ko sa pagtulong sa mga gawain at pagkukumpuni ng mga sirang silid sa bahayan roon.

Kahit sinasabi nilang kaya na nila ay nagpumilit pa rin akong tumulong. Ginugol ko ang oras ko sa mga bagay at tinuon ang atensyon ko sa mga bata. Sa loob ng ilang araw ay madami akong nagawa at tinuruan ko ring magbasa sina Dulce at ang iba pang bata roon mas gusto ko pa itong pagtuturo sa mga bata kay'sa pagsunod sunod sa prinsipe.

Panandalian kong kinalimutan ang nangyari sa akin.... hanggang sa dumating ang isang lalaking may dalang balita.

Tinawag ng mga tao roon si Mamang kaya naman lumapit ako upang malaman kung ano ang balitang kanyang dala.

May bahid ng dugo ang kanyang kasuotan at malibag ang kanyang suotang pang ibaba. May bitbit rin itong ilang gamit at napansin ko ang dala-dala n'yang lalagyan.

I-i'yon ang lalagyanang dala ni T-tobias at Kai bago sila umalis papunta sa misyon.

May kung anong tumutusok sa puso ko na para bang niyuyurak i'yon at nahahati na sa dalawa. Tumigil ang oras, tumahimik ang paligid at unti unti i'yong nawawalan ng kulay.

Ngayo'y bumabalik ang mga alaalang kay pait at muling naririnig ang mga salitang i'yong nasambit. Nadarama muli ang yakap mo na kay higpit.

Tinanggal nito ang lalagyanan at ibinigay kay Mamang i'yon bago nagsalita.

"Isa po ako sa mga kasamahan nina Kai at Tobias sa misyon ngunit ako lamang po ang nakabalik na b-buhay." Nagsimulang bumagsak ang mga luha sa aking mata.

Wala na si Tobias at Kai. Inilabas ni Mamang ang laman ng lalagyanan at nakita ko ang isang tela roon at nakilala ko i'yon. Yun ang tela mula sa isa kong medieval at ang medieval na i'yon ay ang suot ko nung unang pagkikita namin ni Tobias.

Napahagulgol na lamang ako habang nakaluhod sa harapan ng lalagyanan.

"AHHHHHH!" Niyakap ako ni Mamang at pinatatanan umiiyak na rin ang mga bata at ang ilan sa mga kaibigan ni Kai at Tobias.

"M-mamang, w-wala na sila.... wala na." yakap ko kay Mamang habang umiiyak. Hinahaplos nito ang likuran ko at sinusubukan akong pakalmahin.

"H-HINDI! And'yan pa sila!" sigaw ko habang umiiyak sa balikat ni Mamang.

Inilabas ng mga kaibigan ni Kai ang ilang gamit mula sa isa pang lalagyanan at nailabas ng mga ito ang isang uri ng pang-ipit sa buhok at.... sa akin ang isang yon.

Naramdaman ko rin ang pagpatak ng luha ni Mamang sa balikat ko. Mahina ngunit ramdam na ramdam ko na nasasaktan s'ya.

Parang anak n'ya na ang dalawa 'yon kahit na sakit sa ulo.

Humagulgol na rin ang lahat ng naroon at yumakap ang mga bata sa kani-kanilang magulang.

"WAHH! Nanay, si kuya Kai at kuya Tobias!" mas lalong lumakas ang pag iyak ng lahat.

Hinawakan ko ang mga lalagyanan at tinitigan bumuhos muli ang luha sa aking mga mata. Ang bigat para akong sinaksak sa likuran ng paulit ulit.

Ipinikit ko ang aking mga mata pero kumakawala pa rin ang mga luha na tila di nauubos. Nabibingi na ako sa katahimikan ng aking puso.

"Ang mga kaibigan ko, wala na." nanlulumo kong sambit habang hawak ang lalagyanan at umiiyak.

Unti unting bumagsak ang ulan na tila naiintindihan ang nararamdaman ko. Pumasok na ang ilan dahil sa mga bata ngunit nanatili ako roon at pinagluluksa ang mga mahal ko.

"P-patawarin mo ako k-kung naging duwag ako at d-di sila natulungan..." sambit ng lalaki at nilingon ko ito.

May sugat rin pala ito sa kanyang braso at Ang binti nito ay may tama rin. Sira rin ang ibang parte ng kasuotan n'ya.

"S-sino pang kasama mo sa m-misyon?" utal kong tanong habang umaagas sa aking mukha ang buhos ng ulan.

Sandali itong tumahimik bago tumingin sa akin at nagsalita. "Ang Heneral... si Liv at Atlas at ang kalahati sa mga kasamahan n-natin."

Pati ang Heneral at ang magpinsan? K-kalahati sa mga kasamahan ko?

Ilang beses pa na mayroong mawawala sa akin? Una, ang aking Ama at ngayon ay ang mga kaibigan ko.

"H-hindi... hindi pa sila patay." paos kong sabi. Yakap yakap pa rin ako ni Mamang mula sa likuran at pinakakalma pa rin ako kahit s'ya ay umiiyak na rin.

Mas lalong lumakas ang buhos ng ulan at kinakailangan na naming pumasok. Tinulungan ng mga taga dito ang lalaking iyon bago ginamot ang kanyang mga sugat.

Basa ang aking buong katawan ngunit dumiretso na ako sa aking silid at nagmukmok roon. Hindi pa rin maproseso ng aking isipan na wala na sila, para bang lahat ng paghihirap ay pinararanas sa akin.

Napapagod rin naman ako. Nasasaktan at humihina. Hindi na kakayanin ng konsensya ko kung may mangyayari pa ulit at may mawawala pa sa akin.

Patuloy ang paghikhi ko at patuloy pa rin ang pagpatak ng aking mga luha. Hawak hawak ko ang mga ipit at tela. Hindi ko kaya, hindi ako makapaniwala. Ayokong maniwala para bang panaginip lamang itong lahat at hihintayin ko na lamang na magising ako.

"Wala na ang mga kaibigan ko..... Wala na sila."

Nang mapagod ang aking mata at wala nang mailabas na luha ay tinitigan ko na lamang ang mga 'yon. Kahit anong gawin kong pananakit sa sarili ko ay hindi ako magising. Gusto ko na magising sa bangungot na ito.

"Paano na ako? Babantayan n'yo ako pero wala na kayo. Andaya n'yo naman iniwanan n'yo kaagad ako," Nilaro laro ko pa sa kamay ko ang ipit.

"Wala na kong kasama sa paglalakad papunta sa palasyo, wala na ring makakalaro ang mga bata." pagod na ang mata ko at pugto na rin.

Malakas pa rin ang buhos ng ulan, malamig na rin ang simoy hangin kaya naman dahil sa pagod sa pag iyak ay bumagsak na lamang ang aking mga mata at tuluyan nang nakaidlip sa sahig habang hawak ang mga gamit ko na itinabi nina Tobias at Kai.

Lumabas ang isang babae na may suot na kulay pulang magarbong medieval sa tarangkahan ng palasyo at nakatingin sa pintuan nun.

"Malapit na ang pagbabalik ko. Siguraduhin kong wala nang makapananakit sa aking anak."

"Me aseguraré de que sufras, Nesha".

DUNGEON SERIES #2: Her Sword Of Affection [Completed]Where stories live. Discover now