Chapter 3

35.5K 958 150
                                    

CLARISSE'S POV

"You don't like the food?"

Mula sa pagkakatulala ko ay nagising ang diwa ko nang biglang magsalita si Ravi. Nandito kami ngayon sa Greenwich at kakatapos niya lang ako sunduin sa St. Therese.

Hanggang ngayon kasi ay naaalala ko pa rin 'yung gwapo at matangkad na lalakeng maraming tattoo kanina. Hindi ko alam pero naiinis talaga ako sa mga ganong klaseng lalake!

Ang akala ba niya na porke gwapo lang siya at cool tignan ay makukuha na niya ako sa paganon niya? Walang pinagkaiba ang karakas niya sa mga pasimpleng damoves ni kuya Arman para lang makapambabae.

Gwapo si kuya Arman at maraming babaeng nagkakagusto sa kanya kaya nga hindi makuntento iyon sa iisang babae lang dahil sayang naman daw ang magandang lahi namin kung hindi niya pakikinabangan iyon hangga't bata pa siya.

Pareho talaga sila nung lalakeng iyon na nagpakilalang si Duke. Base sa itsura niya ay halatang mas matanda iyon sa akin ng ilang mga taon. Kahit na ganon ay siguradong maraming babae ang nahuhumaling sa kanya. Para siyang si Jason Momoa ng Aquaman kung pagbabasehan sa attractiveness at hotness pero ano nga bang pakialam ko sa hooker na iyon?

"Ah, nagustuhan ko naman." sabi ko nalang kay Ravi at nginitian siya ng pilit.

Tumaas lang ang isang kilay niya dahil sa sinabi ko pero wala itong sinabi at nagpatuloy lang sa pagkain niya.

Palagi talaga kaming may dead air kapag magkasama. Hindi ito ang pinangarap kong date sa taong mahal ko pero hanggang pangarap nalang talaga ako dahil hindi ko naman rin mahal itong lalakeng kaharap ko.

"By the way, mawawala ako ng isang linggo dahil kailangan kong samahan si Dad sa Laguna just to check our some business there. Bukas na ng umaga ang alis namin." biglang pag-imik ni Ravi.

Sa sinabi niya ay nakaramdam ako ng saya doon. Ibig sabihin ay hindi na niya ako mahahatid-sundo sa school at mamamanmanan nang isang linggo. Magiging malaya na rin ako pansamantala sa kanya.

"But Erika will watch you. Kapag may ibinalita siya sa akin tungkol sa hindi mo magandang ginagawa ay hindi ako magdadalawang-isip na bumalik ulit dito sa Quezon City para parusahan ka." segunda niya habang nakatitig sa akin na para bang alam na niya ang tumatakbo sa isip ko.

"W-wag kang mag-alala, hinding-hindi na ako lalapit pa kay Morris at magbebehave lang ako dito habang wala ka." sabi ko naman at saglit na sumimsim sa iniinom kong ice tea para mapawi ang kaunting tensyon na nararamdaman ko.

Mahirap man at may tampo sa akin ngayon si Morris ay pansamantala ko muna siyang lalayuan para sa kapakanan niya.

"Well, that's good. Ganito man ako pero talagang mahal kita, Clarisse at seryoso ako sa'yo. If you let entertain other guys and cheated on me, hindi lang ikaw ang madadamay sa galit ko sa'yo kundi ang buong pamilya mo." seryosong banta niya na ikinatakot ko.

"Hindi ko gagawin 'yon." mahinang sabi ko.

"Okay, I trust you." huling sabi ni Ravi at hindi na siya ulit nagsalita pa hanggang sa matapos na kaming kumain.

Pagkahatid niya sa akin sa bahay ay may inabot siya sa aking 20k.

"Use that to pay your household expenses and buy more milk and medicine for Janjan." sabi niya.

"Ravi, hindi na kailangan na-"

"I don't want to argue with you anymore, Clarisse. Aalis na ako." masungit niyang sabi at kaagad na itong pumasok sa loob ng kotse niya at pinaandar na ito.

Napabuntong-hininga nalang ako at tinitigan ang perang binigay sa akin ni Ravi. Dahil dito ay mas lalo pang madadagdagan ang panunumbat at utang namin sa kanya pero wala akong magawa dahil kung tatanggihan ko ito ay magagalit lang siya sa akin.

You're Mine, PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon