Chapter 12

18.6K 519 168
                                    

DUKE'S POV

Ngayon ay pupunta ako sa bahay nila Princess para matuloy ang date namin kasama ang kapatid niyang si Janjan. Hindi niya ako mapipigilan sa gusto ko at wala rin akong pakialam kung madatnan ko man doon si Ravi.

That jerk never deserved my girl in the first place. He's a douchebag for forcing his love and using his money to compensate Clarisse and her family.

Naaalala ko ang sarili ko sa kanya noon nang magkagusto ako kay Haya to the point na naging desperado na ako makuha ko lang siya at ngayon ay nakikita ko na sobrang mali na gawin iyon sa isang inosenteng babae.

I'll do everything to make him stop from what he's doing at gagawin ko rin ang lahat para magustuhan ako ni Princess at ako ang mahalin niya.

She never loved Ravi, and I'm going to make sure that I'm the first man she ever loves in her life.

Kahit mahirap pa itong ginagawa ko na kumakain ng mga pagkain na hindi ko nakasanayan, kahit na naliliitan ako sa bahay nila, kahit na napakaselan kong lalake ay handa akong gawin ang lahat para lang kay Princess, iyong maging ideal guy niya para makuha ang puso't atensyon niya.

I began as a sick and obsessive man seeking a minor girl, but I'm now changing for the better in order to be worthy of Clarisse's affection and love.

Pagkaparada ko ng kotse ko sa tapat ng bahay nila Princess ay nakita ko rin ang nakaparadang kotse ni Ravi.

He's here and it's only 9 in the morning. Pinipigilan ako ni Princess na pumunta sa kanila ngayong linggo dahil pupunta daw si Ravi pero hindi ako nakinig sa kanya at nagpumilit talaga akong puntahan siya dito.

Janjan, like his sister, is a good and kind child, and I didn't mind spending my money on him in the same way that I do for Haya and Kendrick's son, Idris.

"Duke? Naparito ka,"

Nagulat si Tita Clara nang makita niya ako. Nasa tapat siya ng gate ng bahay nila at nagdidilig siya ng mga halaman at bulaklak sa paso.

I smiled. "Niyaya ko po sina Clarisse at Janjan na mamasyal ngayon para makapag Jollibee kami gaya ng ipinangako ko kay Janjan. May pasok kasi ako bukas sa trabaho kaya ngayon ko nalang po naisipan na ituloy ang lakad namin." I excuse.

Napakamot naman sa batok si Tita Clara at hininto ang pagdidilig niya.

Fuck! I like to call her Tita Clara dahil pakiramdam ko ay ako ang boyfriend ni Princess kapag tinatawag kong Tita ang Mama niya.

"Ah eh, nasa loob kasi ang pinsan mo at nag-uusap sila ni Clarisse. Hindi ba 'yon magagalit na nandirito ka, Duke?" Tita Clara asked me.

I shook my head. "Hindi naman po. He didn't seem to mind." sabi ko kahit hindi rin ako sigurado.

"Ganoon ba? Halika at pumasok ka na sa loob. Gising na din si Janjan at naglalaro siya ng mga binili mong robot na laruan para sa kanya sa sala,"

Binuksan ni Tita Clara ang gate ng bahay nila at pinapasok na niya ako sa loob. Nang makapasok na kami sa bahay nila ay naabutan ko sa sala sina Princess at Ravi na seryosong nag-uusap.

When I saw my cousin holding Princess' waist as if someone was going to steal her away from him, I clenched my jaw, but yes, I will steal Princess from a jerk like him.

Inaasahan ko nang magugulat silang dalawa dahil nandito ako. Si Janjan naman na nakita rin ako ay kaagad lumapit sa akin nang nakangiti.

"Kuya Duke! Nandito ka po!" The kid said and I give him a high five.

"Nandito ako dahil dadalhin ko kayo ng ate mo sa Jollibee," bulong ko kay Janjan na natuwa sa sinabi ko.

"Talaga po? Sige po! Ayoko po kasing palaging kasama ni ate si Kuya Ravi dahil hindi ko po siya gusto para sa ate ko. Pinapaiyak niya si ate minsan," malungkot na sabi ni Janjan at sandaling tinignan si Ravi na nagtatakang nakatingin sa amin.

You're Mine, PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon