Chapter 10

21.5K 559 122
                                    

CLARISSE'S POV

"But if I can see some chances to the girl I like then I will fight for her even if my cousin is going to be my greatest rival."

Ang mga sinabi sa akin ni Kuya Duke ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog ng maayos kagabi. Ano ba ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya? At hindi ko rin inaasahan na magkakilala sila ni Ravi, hindi lang kamag-anak kundi magpinsang buo pa!

Kung anuman itong kakaibang nararamdaman ko para sa lalakeng mas matanda sa akin ng 12 years ay dapat ko na itong kalimutan dahil may masama talaga akong kutob sa mga susunod na mangyayari sa oras na sundin ko ito.

At kailangan ko na ring kalimutan ang sinabi niya sa akin na gusto niya ako. Paano kapag nalaman iyon ni Ravi? Paniguradong magkakagulo silang magpinsan at baka masira pa ang magandang samahan nila nang dahil sa akin.

Sabado ngayon ng umaga at muli akong kumuha ng mga bag at sapatos na ibebenta ko online sa kaibigan ni Mama na si Tita Joy.

Minsan tuwing weekends ay abala ako sa paghahanap-buhay para matustusan din ang mga gastusin namin sa bahay at para makatulong na rin kay Kuya Arman sa mga bayarin namin.

Dalawa nalang kaming magkapatid ang nandiyan para kay Mama at sa bunsong kapatid namin na si Janjan. Marami pa kaming utang kay Ravi at sana balang araw ay mabayaran rin namin ang mga utang na iyon kung magkakaroon man kami ng maraming pera.

Nandito ako ngayon sa food court sa mall na malapit lang sa amin at umorder lang ako ng Siomai na tig 45 pesos at Gulaman drink na nagkakahalaga ng 15 pesos. Hindi pa ako kumakain ng breakfast at ito palang ang kakainin ko ngayong araw.

Habang abala ako sa pagkain ay nakita ko ang isang pamilyar na lalake na naglalakad papalapit sa akin.

Si Kiro Hussain ito na boyfriend ni Erika.

"Clarisse, right?" tanong niya nang makalapit na siya sa akin.

Tumango naman ako at ngumiti. "Nagkita tayo kahapon sa bahay nila Erika." sabi ko.

"Yeah, pwede bang makiupo muna? Kakatapos ko lang mamili ng groceries para sa dorm ko." sabi niya at ipinakita sa akin ang dalawang bag ng grocery na binili niya.

"Oo naman." sagot ko.

Inilapag ni Kiro ang dalawang bag ng grocery sa ilalim ng upuan bago ito umupo sa upuang katapat ko at nagpunas ng pawis niya sa noo gamit ang hawak niyang panyo.

Maswerte si Erika sa Kiro na ito. May pagka Zayn Malik ang itsura ni Kiro at ayon sa mga Marites sa school namin ay half Pakistani siya.

Mukha itong bad boy kung titignan dahil sa strong features ng mukha nito pero sa totoo lang ay malumanay siya magsalita at mahiyain kung kumilos.

"Hindi pala tayo nakapag-usap kahapon, no? Mahiyain din kasi ako at baka magselos si Erika kapag nakita niyang may kinakausap akong ibang babae." natawa ng mahina si Kiro at umiling ito.

"Ayos lang 'yon tsaka nakikita ko naman na mahal mo rin si Erika katulad ng nararamdaman niya para sa'yo kaya siya nagseselos sa mga babaeng kinakausap mo." sagot ko.

Tumango siya. "Yes, I love her. I didn't expect her to like a guy like me despite the fact that I was a transferee in our school and few people knew who I was; I courted her because I feel like she's the one for me, and I was surprised that she liked me back." sabi niya habang nakangiti.

Nakikita ko kung gaano niya kamahal si Erika at masaya ako dahil nakahanap na din si Erika nang lalakeng para talaga sa kanya. Hindi iyong palagi siyang babaliwalain katulad nalang ng ginagawa sa kanya ni Morris.

You're Mine, PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon