Chapter 34

18.5K 532 72
                                    

Song for this chapter: For You - XLR8

CLARISSE'S POV

Nandito kami ngayon sa bahay nila Duke kasama ang pamilya ko. Hindi ko maiwasang kabahan dahil kaharap namin ang parents ni Duke na mahahalatang mga professional at nakakaangat sa buhay.

Mabait sina Tito Darwin at Tita Camila sa amin. Kasundo na kaagad ni Mama si Tita Camila na ilang beses nang sinasabi na mukhang nasa mid 20s pa lang si Mama dahil sa youthful look nito.

Si Tito Darwin naman ay palangiti din katulad ni Duke at parang pinagbiyak na bunga ang dalawa. Nasa 55 na ang edad ni Tito Darwin pero gwapo at matipuno pa rin sa kaniyang edad. Halatang sa kanya nagmana si Duke.

"Hija, kami nang bahala ng Mama mo sa second wedding na magaganap sa inyo ni Duke. I'm just upset because we didn't attend your civil wedding, but I'll make sure your second wedding with him is memorable and grand." nakangiting sabi ni Tita Camila.

Masaya ako dahil tanggap ako ng mga magulang ni Duke. Ang sabi nga ni Ate Camille ay ang kaligayahan lang ng Kuya niya ang hangad ng mga magulang nila. Sponsors din pala sila sa St. Therese at nagbibigay ng donation sa school namin every month.

"I can't wait to wear a tuxedo again after marrying your Tita Camila decades ago." sabi ni Tito Darwin na ngumiti rin sa akin.

Tumingin ako kay Duke at tinaasan niya ako ng kilay habang nakangiti. Makikita na gustong-gusto niya ang sinasabi ng mga magulang niya.

"Sige po." sagot ko na lang at ngumiti rin.

"Duke, may Engineer at Architect ka na bang kinuha para gumawa sa ipapatayo ninyong bahay ni Clarisse? Maybe I can recommend some?" tanong ni Tito Darwin kay Duke.

"Yes, Dad; I have someone in mind, but I'd like to hear your suggestions as well." sabi ni Duke na naging interesado sa sinabi ng Dad niya.

"His name is Vendrex Alano, and he's a good Engineer for his age. I'm sure if he built your house with Clarisse, it'll be good."

Nagulat ako at napatingin kina Mama at Kuya Arman na kilala si Vendrex. Nagulat rin sila doon at hindi nakapagsalita.

"Sure, Dad; just send me his contact information so I can contact him." sabi ni Duke na ngumiti.

"Alright," sagot ni Tito Darwin.

Nagpatuloy kami sa pagkain at ako naman ay hindi maiwasang isipin si Vendrex. Nakikita ko siya minsan pero hindi ko na rin nakakausap pa.

Sana ay hindi maging awkward sa aming dalawa na magkita ulit kung siya man ang gagawa ng bahay na ipapatayo ni Duke para sa aming dalawa.

Sa bahay pa rin namin nag-iistay sila Mama, Kuya Arman, at Janjan pero nagpalagay ng mga bantay si Duke doon para na rin sa safety ng pamilya ko. Kami naman ay naglalagi muna sa condo unit niya habang magpapagawa pa siya ng bahay para sa amin.

Bumili na ng lote si Duke para sa bahay namin at nagpapasalamat ako na malapit lang iyon sa bahay namin dahil na rin sa request ko. Ayokong malayo sa pamilya ko at natatakot ako na kahit nakakulong na sina Morris at Tito Kai ay baka balikan nila kami ng pamilya ko.

Habang patuloy pa rin kaming kumakain sa garden area ay may mga dumating. Nagulat ako nang makita si Ravi kasama ang kapatid niyang si Erika na may kargang bata na mukhang nasa isang taong gulang pa lamang.

Ngayon ko lang ulit nakita si Erika makalipas ang apat na taon. Maganda pa rin siya at parang hindi tumanda. Napansin ko naman na kamukha nito ang batang babaeng karga niya.

"Ravi and Erika! Nandito pala kayo," bati ni Tita Camila na sinalubong sina Ravi at Erika at bineso sa pisngi.

"Yes, Tita, we came here to see you. How are you doing?" tanong ni Erika kay Tita Camila.

You're Mine, PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon