Chapter 7

24.2K 788 161
                                    

DUKE'S POV

Natapos na namin nila Raviel, Dad at Tito Efren ang pagta-transact at pagbili ng iba pang fuels na gagamitin dito sa branch ng Gasoline store business nila dito sa Laguna.

Dapat nga ay hindi ko naman 'to trabaho dahil si Dad lang naman ang may gamay sa ganito pero hindi ko naman siya matanggihan dahil kailangan niya talaga ang tulong ko at medyo matanda na rin siya at nakakalimot na sa mga bagay-bagay so I don't mind helping him when he needs me for their business with Tito Efren.

I'm sitting here in a couch at nandito kami ngayon sa resthouse nina Dad at Tito Efren sa Sta. Rosa, Laguna na inuuwian nila kapag nagpupunta sila dito regarding their business. Sina Dad at Tito Efren ay umalis ulit para i-monitor ang Gasoline store nila habang kami naman ni Raviel ay nagpapahinga dito sa loob ng resthouse.

Tinignan ko si Raviel sa tabi ko, he's busy texting to someone and I was amazed when I saw him smile for the first time.

Kapag nagkikita kaming dalawa ay hindi naman ngumingiti ang lalakeng ito but now, he seems so different and I can see in his eyes that he's in love dahil ganon na ganon rin ako noong na in love ako kay Haya.

"Girlfriend?" I asked Raviel na nawala bigla ang ngiti at sumeryoso ulit ang mukha nang tinignan niya ako.

He sighed and nodded after. "Yeah,"

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Hindi man kami close na magpinsan ni Raviel ay masaya naman ako dahil may babae palang nagpapasaya sa kanya.

"Tito Efren said that you're now almost 1 week here in Laguna. Namimiss mo na siguro 'yang girlfriend mo." sabi ko naman.

And to my surprise, Raviel smiled again.

Damn! He's really in love.

"I don't know, ginirlfriend ko lang naman siya dahil maganda siya at pwedeng ipagyabang sa lahat but I realized na m-mahal ko na pala talaga siya and I don't want to lose her. Kuya Duke, I know I'm too bad to force her to be my girlfriend para lang makuha ko siya but what should I do? Sobra na akong in love sa kanya." mahabang litanya niya at inis na ginulo ang buhok niya pagkatapos.

Napaawang lang ang bibig ko habang nakatingin kay Raviel. Sa paminsan-minsan naming pagkikita at pag-uusap ay ngayon ko lang siya narinig na magsalita ng mahaba. This is unbelievable!

I chuckled at inakbayan nalang ang pinsan ko. "Then do everything para naman mahalin ka rin niya. Mas maganda siguro kung 'wag mo siyang ipilit sa mga bagay na ayaw niya. You can love her freely and please make her happy." sabi ko na nag ala kupido na para lang mapanatag ang loob ng pinsan kong gangster at palaging tahimik na ngayon ay wala nang hiya-hiyang magshare sa akin nang tungkol sa lovelife niya.

"But Clarisse doesn't love me. Kailangan ko pang suhulan siya at ang magulang niya para man lang magkaroon sila ng utang na loob sa akin at hindi na makawala pa si Clarisse sa buhay ko."

I frozed after what he said.

Clarisse? Hindi kaya? Pero hindi siguro dahil marami namang may pangalang Clarisse sa Pilipinas at nagkakamali lang ako.

No. This couldn't be.

Tapos ay bigla ko nalang naalala ang sinabi ni Morris noon tungkol sa boyfriend ni Clarisse and now I remember that Clarisse boyfriend's name was Ravi.

Napabitaw ako sa pagkakaakbay ko kay Raviel at lumunok ako ng ilang beses. Ayoko man paniwalain ang sarili ko pero may posibilidad nga na ang Clarisse na tinutukoy ni Raviel ay ang Clarisse na nakasama ko lang kanina sa ice cream parlor shop kasama si Camille.

"E-Estudyante pa ba ang girlfriend mo?" Tanong ko kay Raviel.

He nodded. "Yes. She's studying at St. Therese University. Your sister was also studying in that university, right?" he asked.

You're Mine, PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon