Two

499 7 1
                                    

"sama nalang tayo bea. Mas nakakahiya kapag tumanggi tayo" namumula pa niyang sabi

Tumango nalang ako sakanya at nag presenta nalang na saakin nalang ulit siya sumabay since wala rin naman akong kasama tsaka wala siyang dalang sasakyan since sabay nga kaming pumunta dito kaya naka isang sasakyan lang kami

"kami bei hindi mo ba tatanungin kung sasabay kami? Wala rin kaming dalang kotse. Baka lang naman bea" sabi ni ate ells at malakas na tumawa. Tumango nalang ako at pina sakay nalang sila

Habang nasa sasakyan kami napansin kong ang tahimik ni jho sa gilid ko habang sila ate ells ponggay at deanns ay nag tatawanan sa likod kaya naman tinanong ko si jho kung okay lang ba siya at tumango lang saka bumalik ang tingin sa bintana

"woahh ang init namann" biglang sabi ni ate ells kaya napakunot ang noo ko dahil naka todo naman na yung aircon ng sasakyan napansin nya yata yun kaya bigla niyang sinabi na nag bibiro lang sya.

"bilisan mo nalang bei nagugutom na ako" sabi ni ate ells na napahawak pa sa tiyan

"kumain ka naman kanina bago tayo umalis ha" sabi ni ponggay kaya napairap si ate ells at hinampas niya si pongs sa braso "aray ko naman, ito akala mo hindi volleyball player kung makahampas e. dahan dahan lang naman teh bigat ng kamay mo" kaya tinawanan lang siya ni ate ells

(fast forward)

Nandito na kami sa mall kaya naman tinext na ni deanns sila ate ly kung nasan na sila. Napansin ko namang nakatitig lang si jho dun sa may bilihan ng ice cream.

"jho tara ice cream treat ko" kaya naman bigla siyang napalingon saakin at ngumiti

"anong flavor gusto mo jho"

"chocolate"

"kuya dalawang chocolate na lang" sabi ko kay kuya. Nakatulala naman si jho "jho okay ka lang ba?" kaya napalingon sya saakin at tumango lang, kaya tumahimik nalang ako parang wala kasi sa mood si jho

~~
Nakarating na kami ng dorm kaya naman agad na ako nag palit ng damit at humiga,  di ko namalayang nakatulog na pala ako. Kinabukasan ay ang aga ko nagising kaya naisipan kong mag jogging sa labas. Nasalubong ko naman si thirdy na nag jojogging din. Btw thirdy guys is my good friend since high school.

"hey thirds, how are u? Long time no see ah"

"oh beii namiss kita ha" sabay yakap sakin "I'm good ikaw kamusta? Sino kasama mo?"

"hindi naman halatang namiss moko noh? Dahan dahan lang sa tanong iisa lang kalaban. Pero anyways wala akong kasama e haha"

"hangout naman minsan bei apaka busy mo naman na masiyado" at tumawa siya "free ka ba later? Tara dinner tayo"

"ah oo, wala rin kasing training. Text mo nalang ako kung saan at kung anong oras" sabi ko sakanya "basta libre mo ha" habol ko

"sus bdl kuripot talaga. Oo na treat ko"

"sige una na ako, text me nalang same number parin" paalam ko sakanya at tuluyan ng umalis

Pag balik ko gising na si jho nakaligo na din, parang may gala.

"san ang galaan natin diyan jho?" sabi ko sabay tawa kaya naman napatawa rin ng mahina si jhoana

"uwi lang akong batangas, balik din agad ako bukas. Sama kaba?" sabi nya at tumawa

"ay hindi ako tatanggi diyan jho. Pero mukhang family dinner eh" sabi ko at tumawa "sa sunod nalang jho kapag hindi family dinner" pagbibiro ko.

~~
May nag text saakin na unknown number

From: unknown number
Hey bei it's thirdy. UPTC tayo later mga 6pm. So See you!!

Oh oo nga pala nakalimutan kong mag didinner pala kami ngayon. Sinave ko muna ang number niya bago siya replyan

To: 3rdy
Oh akala ko kung sino naman na tong nag aaya ng date jk hahaha. Sige thirds see you later.

At naligo na ako agad pag ka reply sakanya dahil mag 5 na din naman na.

~~
We're here na sa UPTC nag hahanap nalang kami ng makakainan. At napag isipan naming dito nalang sa ramen nagi

"ano order mo bei" tanong ni thirdy kaya agad naman akong tumingin sa menu.

"black king kuroo nalang saakin" kaya naman napatango lang siya at yun na din ang inorder nya para sakaniya

Nag kwentuhan lang kami about life and dumating na din order namin.

"hindi ko alam na mahilig kana pala sa ramen ha" sabi nya at napangiti

"ang tagal kasing hindi nag pakita, hindi na tuloy alam ang mga gusto ko" pabulong kong sabi pero narinig nya parin yun

"sus ikaw nga tong hindi nag pakita ng halos ilang taon" at umirap siya

"dami mo naman say ferdinand. Tara selfie nalang tayo" sabi ko at nilabas ang cellphone.

Inistory ko naman to sa IG at tinag siya. May nag pop up na notif hindi kana muna pinansin yon mamaya ko nalang tignan pag katapos namin kumain. Nang matapos na akong kumain kinuha ko nalang din ang phone ko dahil di pa naman tapos tong si Mr. Ravena. Kaya chineck ko yung nag pop up kanina and it's jho.

jhoanalouisse replied to your story: kaya naman pala hindi sumama, family dinner family dinner kapa dyan hahaha

_beadel: bawi ako sayo bukas jhow jhow pag balik mo, alam ko namang namimiss mo na ako hahahaha

jhoanalouisse: ang hangin mo naman masyado beatriz!

Di ko napigilang napatawa kaya napansin yun ni thirdy

"saya mo naman bea de leon. Kilig na kilig e, share mo naman" napatawa siya sa sinabi nya "jowa reveal naman diyan isabel"

"lul sino namang irereveal ko sayo ferdinand" sabay irap ko sakanya

"yang kausap mo" sabi nya sabay turo sa phone ko

"hindi ko pa jowa" nadulas kong sabi

"ah so future jowa palang" at tsaka tumawa ng malakas

"ewan ko sayo thirdy" sabay irap sakanya

"taray mo naman po"

"chee tara labas na tayo dito. Cine tayo treat ko naman" kaya parang nabigla sya at nag panggap pang nanglaki ang mga mata

"tara minsan lang manlibre ang isang bea de leon tatanggihan ko pa ba?" at tumawa ng malakas.

Habang nakapila kami parang may gusto sabihin si thirdy at di mapakali.

"may sasabihin kaba Mr. Ravena pansin ko kasing kanina ka pa diyan di mapakali"

"ah a-ano kasi may g-gusto lang ako itanong bea" utal utal nyang sabi kaya napakunot naman ang noo ko

"uhmm sige ano yun?"

"ah k-kasi bea m-ma---"










I was your friend before I became your girlfriend (jhobea)Where stories live. Discover now