TWELVE

313 8 0
                                    

Jho's POV

Hindi ko alam kung ilalaban ko pa ba yung nararamdaman ko para kay bea, sabihin man nating kaibigan niya yun pero masakit parin e lalo na kapag nakikita at naririnig mo silang nag plaplano ng hindi ka kasama sobrang sakit nun. Hindi sa pagiging OA, okay naman saakin na umalis sila ng hindi ako kasama ang akin lang naman is sana mag sabi siya.

"nico busy ka?" text ko kay nico at napansin kong may text din si bea pero hindi ko na pinansin

"hindi naman" reply naman nya agad

"tara dinner tayo sagot ko lahat basta samahan mo lang ako: )"

"sige sabi mo yan ha? Hahaha saan tayo?" sabi ni nico

"kahit saan around katipunan lang din"

"saan ka? Puntahan na kita dyan."

"near UP town"

"okay coming" pag kabasa ko sa text nya nilagay ko na agad sa bag yung phone ko. Makalipas ang isang minuto andyan naman na sya agad.

"tara n-, oh teka bakit ka umiiyak?" agad naman siyang umupo sa tabi ko at pinupunasan ang luha ko "bakit ka umiiyak?" ngumiti lang ako sakanya at umiling

"saan mo gusto kumain?" tanong ko kay nico

"wala, tara iuuwi na kita" sabi niya

"ayaw ko pa, kaalis ko lang doon iuuwi mo ako agad" sabi ko habang nakangiti ng pilit, bigla pang pumatak ang mga luha ko

"may problema ba sa dorm? Or siya yung problema?" agad naman akong napalingon sakanya

"bat mo alam?" tanong ko habang nakatitig sakanya

"may dinaan lang ako kay ponggay kanina e saktong kararating nyo lang daw nun sabi nya at may dala akong pagkain idadaan ko sana dun sa room nyo kaso narinig kong may pinag uusapan kayo at mukhang masyadong seryoso, aalis na sana ako pero bigla ka namang lumabas pumapatak na ang luha sinundan ka pa nga nya e diba kaso pinatigil mo. Baka sakaling makita mo ako kanina kaya bumalik muna ako sa room nila ponggay mga 30mins rin ako doon tapos nag text ka kaya nag paalam ako sakanya nung paalis na ako andun si bea nakaupo sa hallway sa tapat ng pinto nyo hinihintay ka yata pero pumasok naman na din sya nung dumaan ako"

"hinihintay nya ako?" tanong ko habang nakatitig parin sakanya pero patuloy parin ang luhang pumapatak dahil sa mga narinig ko

"Siguro, hindi din ako sure e. Pero ano nga ba kasing pinag awayan nyo?"

"wala nag selos lang ako, napansin nya yata yun kaya mas lalo nya akong pinag selos kaya uminit yung ulo ko kaya dumating rin kami sa point na nag sagutan na kanina"

"bat ka naman kasi nag selos"

"ewan ko din tuwing may lalapit sakanya bigla bigla nalang din akong nag seselos kahit kaibigan nya"

"hirap no" sabi nya sabay tingin saakin

"alin? Mag mahal?"

"oo"

"oo lalo na kung yung minamahal mo tulad ni bea ay naku sobrang hirap parang halos lahat kaagaw mo. Sa ganda ba naman nun sinong di mag kakagusto dun sobrang labong walang mag ka gusto dun"

"ganyan talaga, ang tanging magagawa mo nalang talaga is pag katiwalaan mo sya. Kasi kung gusto ka naman talaga nya jho di ka naman ipagpapalit nun, kaya tiwala lang jho tiwala"

"nico sa tingin mo gusto ba talaga ako ni bea?" sabi ko sakanya at parang nabigla sya sa tanong ko

"oo naman, jho sinong hindi mag kakagusto sayo sa bait at ganda mong yan" sabi at lumingon saakin nag taas taas pa ng dalawang kilay "kahit nga ako gusto kita e" sabi nya ng pabulong pero narinig ko parin yun sakto kasing walang dumadaan na sasakyan at tao kaya narinig ko yung sinabi nya sa sobrang tahimik ng paligid

"ano? Di ko narinig may sinasabi ka ba?" tanong ko kunwaring wala akong narinig

"oo ang sabi ko, sa ganda at sa bait mong yan walang mag kakagusto sayo?"

"ah akala ko may binubulong ka"

"wala ah. Gutom kana ba?"

"medyo lang naman"

"teka may pagkain ako dyan sa sasakyan kunin ko lang sandali" sabi nya

"wag na, tara na kain na tayo sa labas sabi ko sayo treat ko e"

"hindi na jho katatapos ko lang din kumain" pumunta naman agad siya sa sasakyan at kinuha yung pag kain na dala nya "oh kain kana para maihatid na kita" tumango naman ako

"nico harap ka story ko sa ig" pinicturan ko yung bigay nya at sya yung background tsaka ko inistory yun sa ig.

Pag katapos ko namang kainin yung binigay nya ihahatid na sana nya ako pero naisip ko si bea baka hindi pa kumain kaya pinadaan ko muna si nico sa bukas pang mapag bibilhan ng makakain at mcdo nalang ang bukas kaya doon ko nalang binilhan si bea.

Nakarating na kami sa parking ng dorm kaya nag thank you na ako kay nico

"nico thank you ha. Bawi ako sayo sa susunod promise ko yan" tumango lang sya saakin "ingat ka sa byahe" habang papaakyat ako iniisip ko kung paano ako mag sosorry sakanya pero pag pasok ko ng kwarto tulog na pala sya

"kumain ba to?" sabi ko sa isip ko kaya agad naman akong pumunta ng lababo kung may pinag kainan ba dun pero wala kaya chineck ko yung basurahan wala rin kaya ibig sabihin nun hindi sya kumain

Nilagay ko nalang yung binili kong mcdo sa lamesa at nag sulat sa maliit na papel tsaka idinikit doon at humiga na sa tabi nya. Hindi ako makatulog dahil naguguilty ako sa ginawa ko, kaya tinitigan ko nalang sya nabigla naman ako nang bigla nya akong yakapin kaya tinignan ko yung mukha nya kung gising na ba sya pero hindi mukhang nananaginip lang sya. Mas lalo akong nabigla ng bigla syang mag salita.

"jho please wag mo ako iiwan mahal na mahal kita alam mo yan, hindi kita kayang lokohin. Jho sorry kung may kasalanan man ako" sabi nya habang tulog at nakita kong may pumapatak ng luha sa mata nya kahit nakapikit sya.

"hinding hindi kita iiwan bea, kahit gaano kahirap ipaglalaban kita. Mahal na mahal kita.

I was your friend before I became your girlfriend (jhobea)Where stories live. Discover now