Six

371 8 1
                                    

Jho's POV

"ako na nga kasi bea! Hayaan mo naman akong alagaan ka bea, hayaan mong ipakita ko sayong mahal kita" napakunot ang noo nya

"jho kumalma ka, hindi kita maintindihan" sabi nya at hinawakan ang pisngi ko

"please hayaan mo akong alagaan ka bea" sabi ko habang humihikbi hikbi pa "ipapaliwanag ko lahat sayo mamaya, hayaan mo nalang muna akong alagaan ka please?" tumango lang siya

Alam kong OA ako sa part na yun pero hindi kasi talaga siya okay dahil halatang halata sa mukha nya feel ko malabo ang nakikita nya ngayon dahil nakapikit ang isang mata nya para lang makita ako.

"gusto mo bang umuwi nalang muna tayo bei? Wala naman si coach tai"

"hindi na, okay lang ako jho"

Alam kong hindi sya okay dahil napalakas ang hampas ni ate ells sa bola bukod dun hindi pa siya kumakain mula umaga kaya siguro mas lalo siyang nahihilo

"sure kaba bea?"

"oo jho, balik kana dun ako na dito" sabi nya at ngumiti lang

Kaya bumalik na din ako agad sa court, hindi ko napansing sumunod na din pala siya agad.

~~
It's already 7pm since wala si coach tai maaga na kaming umuwi sa dorm, medyo nahihilo hilo pa si bea kaya ako nalang nag maneho ng kotse nya, pumayag naman siya.

"okay kana ba bea? Wala ka na bang nararamdaman?"

"medyo nahihilo at masakit lang ang ulo ko jho" sabi nya at ngumiti lang "ano yung ipapaliwanag mo jho?" tanong nya habang naka taas na ang dalawang kilay

"mamaya ko nalang sabihin sayo bei pag uwi natin sa dorm"

~~
Nakauwi na kami ng dorm binaba ko lang yung mga gamit ko sa kwarto namin ni bea tsaka dumiretso na ng kusina para pag lutuan siya ng adobo. Pag katapos maluto ng adobo tinawag ko na siya para makapag hapunan na

"bea kain na tayo para makainom kana ng gamot" tumango lang siya at sumunod na rin saakin

~~
Pag katapos namin kumain kinuha ko lang yung med kit ko sa may bag ko at binigyan na siya ng gamot para sa sakit ng ulo.

"inumin mo to bea at mag pahinga kana sa kwarto"

"sunod kana sa kwarto ha"

"oo hugasan ko lang tong pinag kainan natin"

Sumunod na din agad ako sa kwarto at nakitang naka titig lang siya sa kisame hihiga na sana ako ng biglang nag salita si bea

"jho" agad naman akong lumingon sakanya at tinaas ang dalawa kilay "pag dikitin na kaya natin yung kama natin? Kung okay lang naman sayo"

"ah yun lang ba, sige teka iusog ko lang" nang maiusog ko yun sa tabi ng kama ni bea agad naman na akong humiga

"so jho ano dapat yung sasabihin mo kanina?" humarap naman ako sakanya

"ah ano kasi bea narinig ko yung mga sinabi mo kagabi" nanlaki ang mga mata nya "na mahal mo ako, tsaka hindi talaga ako pagod kahapon bea hindi lang talaga mawala sa isip ko yung sinabi mo sa sasakyan na BUTI NALANG MAHAL MO AKO, iniisip ko kasi nun kung mahal mo ako bilang kaibigan or mas higit pa dun" sabi ko at biglang napakamot sa may tenga

"hindi ko alam kung paano ko aaminin sayo na gusto kita beatriz nung sinabi mong mahal mo ako, ayaw ko naman mag assume na hindi bilang kaibigan yung mahal na sinasabi mo" nakatitig nalang siya saakin ngayon "at dahil kaharap naman na kita. Bea yung mahal ba na sinabi mo is bilang kaibigan o higit pa doon?" ngumiti lang siya saakin at pinisil ang pisnge ko, hinihintay parin ang sagot niya sa tanong ko dahil maski ako naguguluhan na din

I was your friend before I became your girlfriend (jhobea)Where stories live. Discover now