THIRTEEN

323 9 0
                                    

Jho's POV

The next day I woke up, hindi ko na nakita si bea sa kama namin so inisip ko nag jogging lang since we don't have training today. So umidlip nalang ulit ako dahil nga puyat ang ate nyo.

"jho wake up the breakfast is ready" sabi ni bea

"beh wake up na habang mainit pa yung mga pagkain" sabi ni bea kaya gumising narin ako nang pagtingin ko sa oras 11 na pala

"ikaw nagluto lahat ng to?" sabi ko sakanya nang pagdating ko sa kusina dahil ang dami nyang niluto

"yeah, anyway do you want coffee or milk?"

"just water hehe" sabi ko sakanya at tatayo na sana siya nang pigilan ko sya "ako na kukuha, ikaw anong gusto mo?"

"tubig nalang din jho" sabi ni bea

Nang pagbalik ko sa lamesa bigla siyang nagsalita

"kasama mo pala si nico kagabi no, kaya umalis ka." sabi nya sabay tingin saakin ng walang reaksyon "so how's your day with him?"

"Ahh oo nagkasalubong lang kami sa daan" sabi ko nalang baka kung saan pa mapunta to

"really? Look at your phone" sabi nya sabay turo sa phone ko at nakita ko namang may 5missed calls si nico at may text pa

"kapag malungkot ka or mag kaaway kayo text mo lang ako samahan kita kahit saan mo gusto jhoanna ko" sabi ni nico

Ano? Jhoanna ko? E sa pag kakaalam ko wala namang nangyaring binalikan ko sya ha. Nung imemessage ko na sana siya biglang nag salita si bea.

"hayaan mo na jho lasing yata sya kagabi, kain kana muna bago mo sya imessage lalamig na yung pagkain" sabi ni bea na wala paring reaksyon.

Ang weird ni bea ngayon, hindi ko alam kung nag tatampo ba siya or galit hays, ayain ko nalang yata siyang mag EK mamaya nang mabawas bawasan yung galit or tampo nya. Nang aayain ko na sana sya tumayo naman na sya dahil tapos ng kumain

"pag tapos ka ng kumain iwan mo nalang yung pinagkainan mo ako nalang mag liligpit nyan pagtapos kong maligo" sabi ni bea pero hindi ko nalang sinunod yung sinabi nya nakakahiya naman sya na nga nag luto sya pa mag huhugas

Nang pag labas nya ng banyo naka jeans sya so saan pupunta tong si beatriz aber, pupunta na sana siya ng kusina ng bigla kong sabihin sakanya na naghugas na ako ng pinag kainan namin, at tumango lang sya

"saan punta mo?" tanong ko sakanya

"diyan lang may titignan lang kami ni maddie" sabi nya

Bakit si maddie pa? E free naman ako ah

"ah sige, anong oras uwi mo?"

"hindi ako sure kung what time e" sabi nya

"sige ingat kayo" sabi ko sakanya at pilit ngumiti sa harapan nya

Hindi ko alam kung anong gagawin ko dito sa dorm buong araw lalo na at wala siya. Maglinis nalang kaya ako ng dorm dahil medyo maalikabok na.

Nilibang ko nalang yung sarili ko sa paglilinis. Nang matapos naman akong maglinis naisipan kong maglaba dahil maaga aga pa naman at sayang din ang bayad sa laundry no.

"bea labhan ko narin ba yung mga damit mo?" text ko sakanya

"wag na jho mag papa laundry nalang ako" tignan mo yun lilimang piraso lang naman yata yung damit nya mag papa laundry pa


5pm narin pala nang matapos akong maglaba kaya naisipan kong maligo at manuod nalang ng netflix. Habang nanunuod ako may biglang nag text at nakita kong si bea yun

"baka gabi narin ako uuwi jho, kain kana lang ng dinner ha may ulam sa ref ipainit mo nalang" sabi ni bea


Di nalang ako nag reply sa text nya at nag IG nalang ako nakita kong may story si maddie, nang makita ko yun biglang kumirot ang puso ko dahil nakita kong picture nilang dalawa ni bea sa EK ang nasa story nya alam kong ngayon lang yung picture na yun dahil yun yung suot nya bago sya umalis ng dorm

Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko kaya gusto ko na siyang tawagan nang tawagan ko naman, hindi na nag riring kaya tinext ko sya.

"bea umuwi ka naman na please" ngunit wala parin siyang reply kaya tinatawagan ko ulit.

Habang pinipilit kong kontakin siya hindi ko napansing may luha na palang pumapatak sa mga mata ko hanggang sa hindi na tumigil yun. Parang gusto ko ng katahimikan gusto kong umuwi ng Lipa.

Agad agad din akong kumuha ng kaunting gamit at dali dali akong lumabas ng dorm baka sakaling hindi ko maabutan yung last trip ng bus. Buti nalang at naabutan ko, saktong pagdating ko paalis na yung bus. Nang hanapin ko ang phone ko hindi ko sya makapa sa aking bulsa chineck ko narin sa bag ko wala din doon kaya ang ibig sabihin nun naiwan sa dorm.


Nang makarating ako madilim na din sinalubo naman agad ako ni mama

"oh anak hindi ka man lang nag sabing uuwi ka, teka namumugto yang mata mo umiyak kaba?" sabi ni mama


"ah hindi po kagigising ko lng din po kasi kaya ganyan po hehe" palusot ko naman

"ay sus jhoanna wag mo akong pinag loloko, ano bang nangyari? Si bea ba yan?"


"hindi po ma. sige po pasok po muna ako ayusin ko lang po tong mga gamit ko"

Gusto kong sabihin kay mama na kung sakaling hanapin man ako ni bea sabihin niyang wala ako, kaso baka malaman niyang si bea yung iniiyakan ko, baka mas lalong hindi siya gustuhin nila mama.

Fastforward

Maaga akong nagising kaya naisipan kong mag jogging, nang palabas naman ako ng gate may bigla akong nakitang familliar na sasakyan, kaya agad agad akong tumakbo sa kwarto at nagbihis ng pangtulog tsaka humiga agad agad.

"Goodmorning tita. Tita nandiyan po ba si jho?" sabi ng pamilyar na boses


"oo umuwi siya kagabi, hindi ba siya nag sabi sayo?" sabi ni mama


"ah hindi po tita wala po kasi ako sa dorm kahapon"


"nandoon siya sa kwarto pasukin mo nalang doon" sabi ni mama


"sige po tita, thank you po"


ayan na nga may kumatok na sa pintuan ko, at dahan dahan iyong bumubukas.


"jho nandito na ako" sabi ni bea "pauwi na ako kagabi nung nag text ka, di nga lang kita naabutan sa dorm" sabi ni bea kausap ang nag tutulog tulogan na jhoana "gusto lang naman kita isurprise kaya di ko sinasagot tawag mo kaso pag uwi ko ako yung nasurprise" sabi nya sabay hawi sa buhok ko

"tulog pa ang princessa ko oh, osige matulog ka muna diyan lalabas lang ako ha, iloveyou" sabay halik nya sa noo ko. At dahan dahang lumabas.


"tita anong oras po umuwi si jho kagabi?"


"mga 8 yata yun. Umuwi pa nga yan mugto ang mata e" sabi ni mama kay bea

"ha? Bakit daw po tita?"


"sabi niya bagong gising lng siya kaya ganun yung mata nya pero hindi ako naniwala dahil alam kong dahil sa iyak yun. Nag away ba kayo?" tanong ni mama kay bea


"hindi naman po tita, okay naman po kmi nung umalis ako ng bahay"


"e bakit kaya naiyak yang si jhoana"


"hindi ko din po alam tita, sige po tita tabihan ko po munang matulog si jho"

Nang pumasok siya ng kwarto nag tulog tulogan ulit ako, at dahan dahan naman siyang tumabi saakin at niyakap ako.

"tulog kang mabuti dahil mamaya itour mo ako dito sa Lipa ha" sabi nya saakin na akala mong alam niyang gising ang princesa nya.

Char lang mga beh.








I was your friend before I became your girlfriend (jhobea)Where stories live. Discover now