SIXTEEN

292 6 0
                                    

You can follow the twitter of IWYFBIBYGF for random update about the next ganap
:https://twitter.com/kedcnaa?t=7D5_m_RUu2_4k3cgyaAj3w&s=09


Jho's POV

Alam kong ginagawa mo lang to bea dahil alam mo na may balak si nico na kunin ako sayo. Sinusulit mo lang na gumawa nang bagong memorya kasama ako. Hay nako beatriz sa tingin mo ba ipag papalit pa kita. Kahit medyo masakit kang mahalin hindi ko hahayaan na mawala ka, dahil hindi ko na alam ang mangyayari saakin kung wala ka.

"Ginagawa mo to dahil akala mo makukuha pa ako ni nico sayo no?" sabi ko sakanya kaya gulat na gulat siya sa sinabi ko

"huh? hindi no" maang maangang sabi ni bea saakin

"bea wag ako, narinig kong kausap mo si nico noong nakaraang araw, alam ko din na hindi ka nakatulog pag tapos nang usapan niyo na yun. Iniisip mo ba nung gabi na yun na pipiliin ko si nico kesa sayo?"

"Uhmm iniisip ko lang nun what if you choose nico over me diba, kaya bago mangyari yun here Am I, making more memories with you" malungkot na saad ni bea makikita mo talaga sa mukha niya ang lungkot. I hold her face ang explain it.

"Bei, hindi na ako interesado kay nico kaya malabong maaagaw pa niya ako sayo. Ipaglalaban kita bea, ipaglalaban ko ang relasyon na meron tayo"

"Then why you choose him to be with when we're fighting. Alam mo naman na kahit galit ka sasamahan kita pipiliin ko na lang manahimik sa tabi mo kesa mag pasama ka sa iba lalo na sa ex mo. Pero don't worry about that, that's okay with me, dahil alam kong malalim ang tampo mo noong araw na yun" saad ni bea na pilit ngumingiti.

"I'm sorry bei, gusto ko lang naman kalimutan yung away natin na yun. Kaya ko minessage si nico that night para mag pasama sana sa bar pero pinaliwanag saakin lahat ni nico. Nakita ka din daw niyang naka upo sa hallway habang umiiyak nun pagkatapos natin mag away sinabi niya lahat saakin yun. Kaya inaya ko nalang siyang ihatid ako sa dorm nun para mag sorry sana sayo. Kaso tulog kana" pagpapaliwanag ko

"What? Paano niya ako nakita na umiiyak ako sa hallway? He was there to visit you at that time?" nag tatakang tanong ni bea

"No may drinop lang daw siya kay ponggay and he will give us sana nang dinner but he saw as figting infront of the door kaya bumalik siya sa room nila ponggay nun. When I texted him he was still there. Nung paalis na siya para puntahan ako nakita ka daw siya na umiiyak sa may hallway" pag papaliwanag ko.

Hindi na namin namalayan na madilim na pala sa sobrang haba nang usapan namin.

"Uwi na tayo? Baka hinahanap kana nila tita" sabi ni bea kaya tumango nalang ako

Nang makarating kami sa bahay namin. Nag paalam na din agad si bea kanila mama na balik na daw siya nang manila. Pinag sstay na siya dito pero tumanggi si bea kaya hinayaan nalang nila siyang umuwi.

"mag iingat ka sa pagmamaneho anak" sabi ni mama kay bea at pumasok na din agad sa loob nang bahay nag paiwan muna ako dito sa labas.

"t-they called me anak???" tanong ni bea na pulang pula

"Hahahaha. Osige na alis kana para di kana gabihin masiyado, text me pag nakarating kana ha" sabi ko at kiniss siya sa pisnge

"Okay. Message mo lang ako pag balik kana nang dorm ha sunduin kita dito.  I love you jhoana ko" sabi ni bea at hinalikan ako sa noo.

Nang makaalis siya pumasok na ako sa bahay. At nakita ko ang si mama na nag hihintay saaming sala na para bang may importanteng sasabihin.

"Seryoso natin ma ha. Anong chika natin diyan?" pag bibiro ko

"Umupo ka dito jhoana may sasabihin akong importante sayo" sabi ni mama na ikinakaba ko

"a-ano yun ma?" kabang tanong ko

"Anak kasi ang papa mo nakautang nang malaking pera sa magulang ni nico. At ang gusto kapalit nila ay ikaw" sabi ni mama

"Huh? Anong ako ma?" nag tatakang tanong ko

"Pag nag pakasal ka kay nico bayad na ang utang mo nang papa mo" pag papaliwanag ni mama

"Huh? Ayoko ma. Magkano ba ang nautang ni papa at bayaran nalang natin" pag papaliwanag ko.

"mahigit dalawang milyon anak" naiiyak na sabi ni mama

"h-ha? Dalawang milyon? Ma pag ipunan nalang natin, ibibigay ko nalang po nang buo yung nakukuha ko sa mga pag propromote. Ayoko pong mag pakasal kay nico ma"

"Anak naniningil na sila matagal nang utang nang papa mo yun. Eto kausapin mo papa mo" sabi ni mama sabay abot nang cellphone

"Anak sorry anak. Kailangan na kailangan lang. Ngayon lang ako hihingi nang pabor" sabi ni papa

"Pa alam niyo naman na may mahal akong iba" paliwanag ko kay papa

"Matututunan mo namang mahalin si nico. Naging kayo naman na dati imposibleng wala ka nang nararamdaman para sakanya"

"Pa matagal na kaming tapos. Pa ayokong ikasal sakaniya ibibigay ko nalang po yung perang naipon ko pandagdag sa pambayad wag niyo lang po akong ipakasal kay nico" nag mamakaawang sabi ko

"Jhoana minsan lang ako humingi nang pabor sayo. Pag hindi mo sinunod hindi kana babalik sa maynila at tuluyan mo nang hindi makikita yang si bea dahil dadalhin kita dito. Mamili ka mag pakasal kay nico or hindi mo na makikita yang beatriz mo. Pumili ka jhoana. Tsaka tigilan niyo na yang pag uusap niyo lumayo kana jhoana" sabi ni papa

"Pag iisipan ko pa. Pag iisipan ko pa po. Minsan lang po maging maligaya. Ipag kakait niyo pa saakin. Sasabihan ko nalang kayo pa pag nakapag isip isip na po ako. Sige na po akyat na po ako sa kwarto" sabi ko sabay abot nang cellphone kay papa.

"Ma akyat na po ako. Salamat po doon sa pinabaon niyo kanina. Salamat din po sa pag payag na lumabas kami ni bea bago niyo sabihin to. Maraming salamat ma" sabi ko at tuluyan nang umakyat sa kwarto habang umiiyak

"Mag iingat ka babe ha, mahal na mahal kita" text ko kay bea. At pinatay ko na ang phone ko.

I was your friend before I became your girlfriend (jhobea)Where stories live. Discover now