A.T.U-9

5.9K 243 20
                                    

Kasama ko si Adrian at ilang mga crews from Versace Modelling PH sa isang kilalang Waterfalls dito sa Laguna. Metro Magazine will feature this Resort and kasama ako sa mga napiling model. I'm wearing a Fitted Long Sleeve Crop Top outfit and a Black Cycling Shorts. It reveals my small curved waist.





The theme is Sizzling Hot Photoshoot under the waterfalls. Basa na ang suot ko nang makarating ako sa ilalim ng falls. Nang magbigay ng cue si Mr. Alvarez ay nagsimula na akong kuhanan ng litrato. Nakatayo lang sa may batuhan si Adrian habang hawak ang puting tuwalya ko. Kanina pa nakakunot ang noo niya na parang hindi nagugustuhan ang kanyang nakikita.






"Bite you lower lip, Ezra. Feel that you're the sexiest person alive." utos ni Mr. Alvarez.






I just did what he told me. I tried to look at the camera like I'm seducing it. I combed my wet short hair up and bite my lower lip.






"Good job! Now give us more daring poses." Mr. Alvarez sounds like a proud father when he gave me that compliment.





I turned my back from the camera to show my perfect shape of butt. I tried to lower my body for the camera to capture my pose freely. Kung ano-anong pose ang ginawa ko at kulang nalang ay lumipad ako bago kami natapos. Binalot kaagad ni Adrian ang basa kong katawan pagdating ko sa pampang.





"O-okay ka lang?" tanong niya sa akin.





"Yeah, I'm okay. Ikaw, okay ka lang? Namumula kasi iyong mukha mo.." I asked him the same question. I noticed that he stopped looking at me when I did my last poses earlier.





He licked his lower lip and touch his nape and said "Oo naman, okay na okay ako. Ang galing mo kanina!"





Naghihintay kami ni Adrian sa isang tent na pauwiin na kami ni Mr. Alvarez nang biglang tumunog ang phone ko. I immediately got it from my travel bag and saw the name of Kyle who's calling me.





"Hello Ezra! Oo pupunta na ako dyan. San ka na ba? Ah tawag ako ni Mommy? Sige pupunta na ako dyan!" mabilis na sabi ni Kyle na di ko masyadong naintindihan.






"Ghorl, ano bang pinagsasabi mo? Anong pupunta dito? Tsaka di ko kasama si Tita Cynthia." I answered. Narinig ko lang yung sinabi niyang "Mommy" kaya nagtaka na ako kung ano ang ibig niyang sabihin.






"Oh talaga! Need na ako dyan ni Mommy as in now na?! Sige Ezra bye. See you later!" Kyle exclaimed before he ended the call.





Hindi maganda ang kutob ko kaya sinabi ko kay Adrian na mauuna na ako. Nakapagpalit naman na ako ng damit at tuyo na rin ang buhok ko. Siya nalang daw ang magsasabi kay Mr. Alvarez na meron akong emergency kaya umalis ako agad.






From Laguna to Makati ay 2 hours ang biyahe. I'm driving my Silver Bentley Car na regalo sa akin ni Dad nung nakapagtapos ako ng college.
Pagka-park ko sa labas ng bahay nila Kyle ay dali-dali akong tumakbo palapit sa kanilang pinto at kumatok.





"Oh Ezra, hinahanap mo ba si Kyle?" tanong ni Tita Cynthia sa akin pagbukas niya ng pinto.






Hindi pa daw nakakauwi si Ezra mula kaninang umaga. Tinatawagan namin siya ni Tita pero di siya sumasagot. Maiiyak na ako sa sobrang kaba dahil kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko. Napanatag ako nang marinig ang yapak mula sa living room.






"Ghorl! Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako nandito kasi sabi mo hinahanap ka na ng mommy mo. Sabi ng tita hindi ka naman daw niya hinahanap." tumayo ako sa upuan at tinanong siya.





"Nag-apply ako, alam naman ni mommy 'yon. Sorry, ginabi na ako antagal kasi dumating nung nag-interview." mahinhin niyang sagot.





"Naku anak pinag-alala mo ako. Kanina pa nandito itong si Ezra at panay ang sabing tumawag na kami ng pulis at baka napaano ka." may bahid na pag-alalang tugon ni Tita Cynthia.






"Ghorl, alam mo bang nanggaling akong Laguna para lang pumunta dito kasi akala ko kung napaano ka? Iba yung sagot mo sa mga tanong ko kanina. Iniwan ko tuloy yung P.A ko." I honestly said.






Call me OA and I will never argue kapag friends ko ang pinag-uusapan. Mabuti naman at mukhang ayos si Kyle kaya napanatag ako. I just called Adrian and Mr. Alvarez to apologize for leaving them.





One week ang lumipas na ganoon pa rin ang cycle ng life ko. Hindi naman ako napapagod sa lahat ng photoshoots from luxury brands at tumatanggap na rin ako ng offers from network commercials like skincare, makeup and so on. I'm now seeing my face everywhere. From magazines, tv shows, and billboards. Sobrang saya sa pakiramdam na naaabot ko na ang pangarap ko.






Rainbow Squad will be having an Employment Party for Kyle. Isang linggo na siyang nagta-trabaho sa Rossett's Holdings Corporation. I feel like a proud mom for Kyle. He stopped studying few years ago due to financial problem yet he's able to get into a successful company. He's Kyle after all. He can survive even in a desert.






Papunta kami ngayon sa resort ng family ni Zein. Almost a week na namin itong plinano kaya nakapagpaalam na rin ako sa agency ko to apply for a leave. Babalik din kasi kami by Monday after nitong trip. I'm driving my Silver Bentley Car at kasama ko sina Kyle at Levi papuntang Laguna nang biglang nag-stop yung car ko.





Kaagad na bumaba sina Kyle at Levi para tignan kung anong dahilan ng pag-alboroto ng kotse ko. I checked my gas fuel before I drive here and full tank pa naman ito kanina. I decided to call Adrian since may car din naman siya dahil hindi ako pwedeng mag-commute. Simula nung umusbong ang modelling career ko ay hindi na ako nakalabas muli nang malaya. This is my first trip with my squad after I went back in the Philippines at ayokong ma-delay kami.






"Hello Adrian, I'm sorry to call you in a bad time, pero hihingi sana ako ng favor. Are you busy? We're here in Laguna-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makita kong bumaba mula sa isang Silver Lexus Car ang lalaking pilit kong kinalimutan after 2 years. I can't believe that I will see him again here in the Phillipines.








The only guy who made me feel less as a person. The guy who hurt me and dump my pride 2 years ago.






----------

🌈💅

Attaining The Unreachable (Crossing The Line Series 2) ✅Where stories live. Discover now