A.T.U-19

4.2K 191 36
                                    

Nakatayo ako sa labas ng agency building habang naghihintay na tumila ang ulan. Wala akong dalang payong at bukas pa ang balik Adrian kaya mag-isa lang ako. Napahawak ako sa aking dibdib nang may tumapik sa balikat ko.





"Hey Ezra, you want me to drive you home?" alok sa akin ni Brett.







"Hi-Hindi na Brett. Titigil na rin naman ang ulan maya-maya." Sa sobrang lakas nang buhos ng ulan ay alam kong malabo iyong mangyare.





Hinawakan ni Brett ang bewang ko palapit sa kanya nang biglang sumulpot ang isang Lexus Silver Car. Pumarada iyon sa tapat namin. Laking gulat ko nang bumaba si Carlos sa sasakyan at may hawak na payong. Mabilis niyang hinatak ang palapulsuhan ko palapit sa kanya pero mahigpit ang pagkakahawak sa akin ni Brett.






"Take your hands off him!" Carlos shouted while sending death glares at Brett.






Hindi pa rin binitawan ni Brett ang mahigpit niyang pagkakapit sa palapulsuhan ko. "Why would I do that? Sino ka ba?!"






Napatingin ako kay Carlos nang mapansin kong hindi siya sumagot sa tanong ni Brett. Unti-unting pinakawalan ni Carlos ang paghawak sa kamay ko. Malungkot niyang iniabot ang hawak niyang payong sa akin at lumakad pabalik sa kanyang sasakyan na di alintana ang ulan.






He's soaking wet while the rain pours on him. Nakayuko lang siyang naglakad na para bang pinagsakluban ng langit at lupa. Na para bang pasan niya ang mundo.






Parang tinutusok ang puso ko nang makita siyang paalis pero hindi ko siya sinundan. Pagkapasok niya sa kanyang sasakyan ay mabilis niya iyong pinaandar. I'm trying to hold my tears from falling pero hindi ko na kinaya. Napaupo ako at umiyak kasabay nang pagbuhos ng ulan.






Brett caressed my back. He bow down so he can reach me. "Hey Ezra, why are you crying? Sinaktan ka ba 'non?"





I grip a scoop of my hair to lessen the pain that I'm feeling. "Hi-Hindi, Brett. Ako yung nanakit sa kanya."





Inihatid ako ni Brett sa bahay ko. Hindi na siya pumasok sa loob dahil nahihiya daw siya sa parents ko. Nakita ko si dad at mom na kumakain sa dining room.





"Anak, kumusta ang shooting? Teka mukhang malungkot ka yata, may problema ba anak?" tanong ni mom pagkatapos kong mag-mano.





I shook my head. "Wala pong problema. Pagod lang po ako."





Tinapik naman ni dad ang balikat ko. "Sige anak, umakyat ka na sa kwarto mo. Sabihan mo lang kami kung gutom ka para dalhan ka namin ng pagkain."






Nakahiga ako sa aking kama habang nakatingala sa ceiling. Yung pagod ko sa sunod-sunod na shoot, si Levi at ngayon naman ay si Carlos ang siyang iniisip ko. I checked my messages and call logs but there's no update from Carlos. Kinakabahan na ako sa di ko malamang dahilan.






I was about to call him when he called me instead. Masaya kong sinagot ang tawag pero bigla iyong naglaho ng marinig ko ang masamang balita.





"Hello? Is this Mr. Carlos Azaac Rossett's wife?" nag-aalalang tanong ng babae sa kabilang linya.





"Y-Yes?" I blurted.






"Your husband is now in Romero's Medical Hospital because of a car accident. We need you-"





Hindi ko na siya pinatapos at binaba ko na ang tawag. Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko sa bedside table at mabilis na lumabas ng kwarto. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nina mom at dad nung makita akong nagmamadaling bumaba ng hagdan.





"Anak, gabi na. Saan ka pupunta?" my mom asked.






"May importante lang po akong pupuntahan. Matulog na po kayo. I love you!" mabilis kong sabi bago kumaripas ng takbo papuntang sasakyan ko.





Mabilis kong narating ang Romero's Medical Hospital dahil wala namang traffic. Bumaba ako ng sasakyan at dumiretso sa front desk. Nagtaka ako ng mapansin ko ang lahat ng pasyente at mga nurse na nakatingin sa akin.






Shit! I'm only wearing my Pajama Shirt and Pants. Magulo din ang ayos ng buhok ko nang makita ko ang repleksyon ko sa screen ng phone ko. And I'm only wearing my comfy slippers at home.





I immediately covered my face when some of the patients flashed their phone cameras and took pictures of me. Hindi ako makagalaw dahil napapalibutan na ako ng mga tao. Nasa gitna ako ng hallway at padami nang padami ang mga taong nasa paligid ko.







"OMG si Ezra! Dali pa-picture tayo!"






"Ezra, pwede pa video greet ako?"






"Pa-autograph naman ako, Ezra?"






"EXCUSE ME!" sigaw ng isang pamilyar na boses.






Napangiti ako nang may bumalot sa aking jacket. Isinuot niya ang hoodie sa ulo ko at niyakap palayo sa mga tao. Marahil ay nagulat ang mga tao sa lakas ng sigaw ni Levi kaya di na sila ulit nagsalita.







Levi removed his jacket from me when we entered a private room. "Ghorl, sabi ko sa'yo wag mo ako puntahan 'di ba?"






Kaagad ko siyang niyakap dahil, nag-alala ako sa kanya. "Kumusta? Nasaan na si..." tiningnan ko ang kabuuan ng private room at nakita ko si Lavinia na nakahiga sa kama at may dextrose na nakakabit sa kamay. "Oh god!"





Lumapit ako sa kama kung saan siya nakahiga at mukhang mahimbing ang kanyang tulog. She's pale and much thinner than the last time I saw her. Nanginginig ang aking mga kamay nung hinawakan ko ang braso niyang may mga pasa. Hindi ko na kinaya at tahimik akong umiyak.





Levi caressed my back. "Hey, don't cry. Papangit ka niyan."






I turned my face to him. "Paano ako hindi iiyak, Levi? Bata palang si Lavinia. Hindi dapat siya nagkakasakit nang ganito."






Maya-maya pa ay pumasok ang isang matangkad na doktor na may nakasabit na stethoscope sa kanyang leeg. He looked at me and I can see the shock on his face. I saw his name printed on the upper left part of his lab coat.




Romero, Yadiel K. MD






"Should I...leave?" tanong ni Doc. Romero.






Umiling ako. "No, I will leave." tumingin ako kay Levi bago magsalita muli. "May bibisitahin pa akong isang pasyente, babalik nalang ako Levi."






Hiniram ko muna ang jacket ni Levi bago lumabas ng private room. I left the room not just because I need to find Carlos, but also for their privacy. Those stares from Doc. Romero while looking at Levi is also the same as the way I look at Carlos.






He must be in love with my friend and that's for sure.





I couldn't express my gratitude to the nurse who walked me through in Carlos room. Marahan kong pinihit ang doorknob at binuksan ang pinto. Nakasalubong ko ang isang doktor na maraming dugo sa kanyang lab coat.





He looked at me sincerely. "I'm sorry we tried to save the patient but, we're not successful."





----------

🌈💅

Attaining The Unreachable (Crossing The Line Series 2) ✅Donde viven las historias. Descúbrelo ahora