🖤 CHAPTER 1🖤

10.1K 287 2
                                    

Ivekillyn's POV

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at tumambad naman kaagad sa aking paningin ang malawak, malinis at mala-pang-prinsedang silid ngunit, mukhang parang para ito sa isang batang prinsesa.

Napakunot ang noo ko.

Nasaan ako? Ang alam ko ay itinulak ako sa napakahabang hagdanan?

Dapat patay na ako diba?

Pink? Maganda ang kwartong kinaroroonan ko ngunit bakit kulay pink Ang kwarto na Ito?

Dahan dahan akong bumangon habang sapo sapo ang noo. Bigla akong nabanas dahil sa nakaka asiwang kulay ng buong kwarto. Sinong hindi maiinis kung lahat ng makikita mo pag mulat mo ng mga mata ay kulay na hindi mo gusto?

Everything is pink! What the?

At isa lang ang masasabi ko. This is not my room! At hindi rin ako t@nga para isiping clinic ito dahil hindi naman ito mukhang kwarto ng isang pasyente, kundi kwarto ng isang prinsesa.

Pfft but why would I suddenly be in an extravagant room?

Habang pilit na hinahalukay ko ang aking ala ala bago ako mawalan ng Malay ay biglang bumukas ang pintuan na kulay ginto. At least na-iba ang pinto ha.

Sunod sunod na pumasok ang apat na kalalakihan at dalawang babae sa kwartong kinaroroonan ko.

Base on my calculation they're family. How? Dahil Ang isang babae at lalaki ay mga nasa 40+ na while the others ay mga kasing edad ko Lang.

Habang pinag aaralan ko ng mga bagong mukha sa harap ko ay nabigla ako ng dambaan ako ng yakap ng ginang.

Tuluyan na akong nanigas ng maramdaman ko ang panginginig ng kanyang balikat habang nakayakap sa akin ng mahigpit.

I'm so clueless for what she's doing right now. Ni hindi ko sya kilala, sila. Hindi ko sila ka-ano-ano.

"A-Anak gising ka na sa wakas"
Rinig ko ang pagkabasag ng boses ng ginang na patuloy na humihikbi sa aking balikat. At hindi rin matatago ang tuwa sa boses kabila ng mga hikbi nya.

Dahan dahang napalitan ng pagtataka ang aking pagkabigla dahil sa sinabi nya.

Anak? Kailan pa ako nagkaroon ng inang mukhang Reyna? I don't know if I'm just mistaken ngunit base sa kanyang kasuotan at pati na rin ng kanyang pamilya ay mukha silang mga Royal family?

'F*ck! There's no such thing idi*t!' biglang sigaw ng utak ko.
Hah! Yeah that's right, and besides were not in some kind of fantasy story. Ano kayang trip ng pamilyang Ito?

Hinawakan ko sa magkabilaang balikat ang ginang bago dahan dahan syang hiniwalay sa akin. Nakakailang ang ginagawa nya.

Bakas naman ang pagsusumamo't pag-aalala sa ekspresyon ng Ginang ng sa wakas ay magkatapat ang aming paningin.

Dahan dahan nyang hinawakan ang aking mukha.

"Mawalang galang lang po ngunit sino po ba kayong lahat?"seryuso kong tanong sa mga ito dahilan para dahan dahang dumausdos ng kamay ng ginang na humahaplos sa aking mga pisngi.

Shock are visible in their face. Lalo akong nagtaka.

I don't know what's happening anymore.

"A-Ano?"

"W-What?"

I want to ask that to them too.

Reincarnate To Be Her (REVISING)Where stories live. Discover now