🖤 LAST CONT. CHAPTER 22 🖤

4.6K 206 54
                                    


ERRORS AHEAD!!

3rd person's POV

Katahimikan. Yan ang namayani sa lugar kung saan lamang kanina ay maingay dahil mga isyu o pambibintang na ibinabato sa prinsesang si lovelien.

Hindi nila Alam kung saan ba dinala ng presidente ng paaralan ang prinsesa at lalong hindi nila mawari kung bakit tila mabigat ang awra ng presidente kanina. Nakakaintimida at nakakapigil hininga, ramdam din ng iba ang pananaas ng kanilang balahibo ng maalala ang malamig noting boses maging ang mga tingin nitong walang halong kainosentihan. Pakiramdam nila ay hindi ito ang nerd nilang presidente.

Ngunit nabalik naman sa ulirat ang lahat ng magsalita ang propesor na si Garrett kasama ang headmaster ng paaralan na kararating lamang. Parehong seryuso ang ekspresyon na agad namang ikinakilabot ng mga estudyante maliban sa iilan katulad ng mga batang maharlika.

"Go back to your classrooms and whoever involved in this ruckus kindly come to my office. NOW." Malamig na pahayag ng headmaster na kaagad namang ikinataranta ng mga estudyante. Samantala ang mga batang maharlika Naman at mga student council maging ang samapong binatang kaibigan ni knifekill ay agad na sumunod Naman sa dalawang nakatataas sa paaralan maging ang estudyanteng babae na may diterminadong mukha. Diterminado syang panindigan kung anong sinimulan nya lalo na't para sa kanya ay tama sya. Diterminado syang idiin ang prinsesang kanina pa umiikot sa isip ng bawat isa.

"Where's Avniel and Princess Lovelien?" Seryusong tanong ng maestrong si Garrett ng makarating sila sa malawak na opisina ng headmaster. Sinigurado rin nilang maglagay ng barrier sa silid upang walang makarinig sa kanilang pinaguusapan mula sa labas.

Natahimik Naman ang lahat ngunit agad na naglakas loob na magsalita ang dalagang nagsimula ng gulo sa labas.

"These council and these royalties let her scape! She should be drag inside the dungeon for committing a crime! Nakita Naman ng lahat kanina ang ibedensya laban sa kanya ngunit sya pa rin ang pinanigan ng walang kwentang presidente!" Galit na Saad nito habang nakatingin ng masama sa mga council at sa mga royalties at maging ang sampong lalaki ay sinamaan din nito ng tingin ngunit isang malamig na titig lamang ang sinukli nila dahilan para mapalunok ang dalaga.

Ramdam na ramdam sa buong paligid ang mabigat na tensyon na unti unting namumuo.

"Hoy! Kung sino ka man pwede bang tumahimik ka!? Malay ba namin if you just manipulate your d*mn proof!" Sigaw Naman dito ni Ria na lalong ikinainis ng babae.

"I am a daughter of a Duke and I have a right to let out my words! Unlike you na halatang pumapanig sa mamamatay taong prinsesang iyun!" Sigaw din nito pabalik dahilan para pamulahan ng mukha ang mga prinsesa dahil sa galit at handa na sanang sumugod sa babae ngunit agad na pumagitna ang mg student council. Si Crazzy at creomn na may ngisi sa mga Labi habang nakatingin sa mga royalties maging sa sampong binata.

"This lady has a point actually lalo na't napatunayan nya ito gamit ang kapangyarihan ni Yleixyn." Seryusong wika ni Crazzy bago humarap sa maestro at headmaster na tahimik na nakikinig sa mga estudyanteng nagtatalo sa kanilang harapan.

Akmang kokontra pa sana ang isa sa mga prinsesa ng agad namang nagsalita ang headmaster.

"Lady Yleixyn can you show us what you saw that night?" Malamig na utos nito. Gusto mang tumanggi ng dalaga ay wala na itong nagawa pa lalo na't mas mataas pa rin ito sa kanya kahit na isa syang anak ng Duke. Sa paaralang ito ang headmaster ang masusunod dahil sya ang mas nakatataas kapantay ng mga maestro at maestra maging ng presidente ng paaralan.

Napapikit na lamang sya ng mariin bago ipinakita ang nakita nya ng gabing iyon. Binalot ng katahimikan ang paligid habang mariin na pinapanood ang tila ba holographic video sa kanilang harapan.

Reincarnate To Be Her (REVISING)Where stories live. Discover now