SPECIAL CHAPTER

3.4K 110 33
                                    

This is the continuation of SPECIAL CHAPTER. Errors AHEAD!!

Tila ba bumagal ang ikot ng mundo. Hindi maalis ng dalaga ang tingin sa prinsepe at ganoon din Naman ang prinsepe na wari bang nahihipnotismo sa ganda ng dalaga.

Noong unang araw syang lumabas ang palasyo upang paunlakan ang paanyaya ng nakatatandang kapatid na ngayo’y yumao na ay doon nya nasilayan ang pangalawang babaeng nakapukaw ng kanyang atensyon maliban sa kanyang inang reyna.

‘A living angel…' ito ang unang pumasok sa kanyang isipan ng masilayan ang Inosenteng mukha ng dalaga.

Talaga namang maganda si Feather kaya’t maraming tagal hanga at madalas rin syang kinaiinggitan ng mga mayayaman na nilalang dahil sa taglay na kagandahan.

Simula ng araw na masilayan ang dalaga ay hindi na ito naalis pa sa isipan ng binatang prinsepe.

Madalas na rin syang lumabas ng palihim sa palasyo para lamang hanapin at masilayan ang dalaga sa malayo.

Nalaman nya rin isa itong anak ng isang magiting na kabalyero. Ng General Knight.

Lahit na Heneral ang ama nito ay isa pa rin silang Commoner na hindi matanggap ng binata sapagkat hindi patas ang mga estado sa lipunan.

  Biglang kumunot ang noo ng prinsepe ng biglang tumalikod ang dalaga. At agad na nataranta ang kanyang kalooban ng lumakad na ito paalis.

Hinihiling na lamang nya na matapos na ang libing upang masundan nya ang dalaga.

At katulad ng nasa isip ay agad syang nawala sa kanyang kinatatayuan ng matapos na ang libing.

Kabastusan man ito para sa kanyang nakatatandang kapatid at sa asawa nito ang kanyang pag alis ngunit alam nyang ito rin ang gusto ng kanyang kapatid.

Dahil na ikuwento na nya rito ang unang dalagang nakakuha ng kanyang atensyon bago ito maaksidente.

(Dito pa lang ay hirap na hirap na akong mag pure tagalog HAHAHA gusto ko ng mag ingles huhu)

‘D-mn where is she?’
Mura nito sa kanyang isipan habang hinahanap ng mga mata ang pigura ng dalaga.

Salubong ang kilay nya habang nilibot ang paningin sa kagubatan na madalas tambayan ng dalaga. Ito ang lugar na madalas tambayan nito upang mapag isa.

“Nasaan na sya? I can’t feel her presence—”

“Sino ka at bakit mo ako sinundan patungo rito?”
Bigla na lamang napatigil ang binatang prinsepe ng marinig ang matapang na boses na iyun sa kanyang likuran.

Ramdam nya rin ang pagtutok sa kanyang leeg ng matalas na espada.

Ngunit imbes na kabahan at mabahala ay napangiti Sya.

‘ she finally appear on her own’
“Huwag kang magkakamaling gumalaw kung ayaw mong itarak ko ang aking espada sa itong leeg ginoo.” Banta nito ngunit hinti Sya nakinig bagkos ay dahan dahan syang humarap dito at dahilan rin ito kung bakit bigla na lamang humapdi ang kanyang leeg.

Napahawak Sya rito at napatitig sa dugong nasa kanyang daliri.

Narinig nya ang pagbagsak ng espada sa lupa kaya agad syang napatingin sa dalagang ngayo’y kaharap na.

At agad syang napatulala ng makita ang gulat sa mukha nito. Ang paglaki ng mga magaganda nitong mata at ang pag awang ng mala rosas nitong labi.

Napalunok sya ng sa wakas ay makita na nya ng malapitan ang kagandahan ng dalagang pasekreto nyang sinusundan.

“M-Mahal na prinsepe…”
Samantalang hindi makapaniwalang naisatinig na lamang nya ang estado ng kaharap na binata.

Hindi nya alam kung ano ba ang dapat ng maramdaman ng malaman na  ang bunsong prinsepe pala ng veileigh ang kanyang kaharap ngayon.

Reincarnate To Be Her (REVISING)Where stories live. Discover now