Chapter 11

72 8 0
                                    

"Let's go?"

Tumango ako. Kasama ko ngayon si Bullet para umattend sa birthday ng mommy niya. Nakasuot lang ako ng simple dress na pinahiram pa sa akin ni Tin at sa tingin ko naman bumagay naman sa akin.

"Dito ba gaganapin yung party?"tanong ko sa kanya habang tinitignan ko ang kabuaan ng malaking bahay.

Bahay siguro nila ito?

Tumango siya ,"Yes ,napag isipan kasi ni mommy na sa bahay na lang siya magcelebrate ng birthday."

Dahan dahan akong tumango.

"Tara?"anyaya niya kaya tumango na ako.

Lumabas na siya ng kotse at pinagbuksan pa ako ng kotse para makababa na at hinawakan ko yung kamay niya para alalayan niya ako.

Bullet was wearing a Black tuxedo outfit at halata sa buhok niya na nagpa cleancut siya na dumagdag sa kagwapuhan niya.

Kumapit ako sa braso niya at nginitian ko siya saka kami naglakad papunta sa gate ng bahay nila. Di na siya tinanong ng security guard na nagbabantay sa gate dahil kilalang kilala naman si Bullet dito.

Kinakabahan ako dahil first time lang ako makapunta sa ganitong party. Madalas kasi children's party lang ako naiimbita! Nagpapalingon ako sa ibang nandoon at makikita ko na puro mga mayayamang tao ang nandoon sa party na yun.

I was bit nervous dahil parang ako lang naiiba dito ,ako lang naimbita dito na di marangya ang buhay. Nararamdaman ko na pinapawisan na ang mga kamay ko at nanginginig pa.

"Claudette ,are you okay?"Bullet suddenly asked me then I looked at him ,"Your hands shaking."

Nagulat ako dahil nararamdaman niya pala yun.

I sighed hardly ,"I was bit nervous Bullet. ako lang ata naiiba dito! lahat ata ng mga nandito mga mayayaman!"

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya kaya inismiran ko siya.

"Kaya ba nanginginig kamay mo dahil kinakabahan ka?"tanong niya pa at tumango ako.

"Oo."

"Don't worry ,di ka naman kakagatin nila kaya wag ka diyan kabahan."he smiled to me.

"Tsaka ,kinakabahan ako sa mommy mo."I bit my lip ,"Baka maliitin ako kapag nakita niya ako."

Madalas kasi sa mga mayayaman na nagmamaliit ng kapwa tao kapag nalaman nilang dukha ang kaharap nila.

Nakita ko ang mahigpit na hawak sa akin ni Bullet sa kamay ko ,"Don't worry. Mabait ang mommy ko. Ineexpect niya na may ipapakilala ako sa kaniyang magandang babae."

My mouth parted.

"Really?"gulat na tanong ko.

Tumango siya ,"Yes. kaya wag ka na diyan kabahan! I'm really sure na magugustuhan ka ng mommy ko."

I hope so.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad at bakas pa rin sa akin na kinakabahan ako dahil di ako sanay na may nakakasalamuha ako na ganitong mga tao!

"Bullet is that you?"narinig ko ang isang di pamilyar na boses kaya kumunot ang noo ko kung sinong tao ang tumawag kay Bullet.

Nakita ko na may lumalapit sa aming dalawa ni Bullet kaya lalong kumunot ang noo ko dahil bakas sa mukha na masaya siya.

"Oh ,bro!"narinig ko ang boses ni Bullet at nakita ko na nakipagkamay siya sa taong tumawag sa kanya.

Sino kaya siya?

"Long time no see ,Bullet!"masiglang bati niya.

"Long time no see bro!"masiglang bati ni Bullet.

Nananatiling nakakapit ako sa braso ni Bullet habang nakikipag usap pa siya sa kakilala niya dito.

Together For A Day ✓Where stories live. Discover now