CHAPTER 7

123 28 6
                                    

"Nandito na ba tayo?" Nagtatakang tanong  ni Syn habang bumababa sa van.

Kunot noo n'yang hinarap ang asawa na nakapamulsa, mukhang pinagloloko sya nito dahil nasa harapan nya ang isang malaking building.

"Asan na ang Isla dito?" Inis n'yang tanong.

"Wag kang atat ate, malapit na tayo."

"Malapit? Eh bakit—" magsasalita na sana ako ng hinila ni Marcus ang balikat n'ya papasok ng building, nilingon nya ang kanyang maleta at napanatag sya ng makitang nasa kabilang kamay ito ng asawa.

Nagpatianod si Syn hanggang sa makarating sila sa elevator, pinindot nito ang ika desi otsong palapag kaya agad itong umusad paakyat. Nanatiling magkahawak ang kanilang kamay na para bang nagpapalambot sa buo n'yang sistema. Napatitig s'ya sa magkahawak nilang kamay at hindi nya maiwasang mapangiti at pinagsaklob ng maigi ang kanilang kamay, alam n'yang naramdaman iyong ni Marcus dahil mahina nitong pinisil ang kamay n'ya.

Napaigtad s'ya ng marinig ang malakas na tunog ng helicopter at nakita n'yang naghihintay sa kanila ang kuya nya, si Nisha at ang mga kaibigan ni Marcus na ninong ng anak nya. Kumaway sya sa mga ito habang nalawak na ngumiti vakas sa mukha nila ang pagtataka, pati rin naman s'ya, nagtataka kong bakit ganoon ang kan'yang asta ngunit isa lang ang sigurado, tumatalon ang puso nya sa saya sa pagkakataong ito. Kasama nya ang dating tinuturing n'yang pamilya.

They walk towards their friends and hop in the helicopter. Namilog ang mata n'ya ng sapagsarado ni Ashton ng pinto ay nawala ang ingay.

Sosyal, soundproof.

Napaimpit s'ya ng maramdaman ang mahinang pag uga ng helicopter at unti unti nitong pag angat sa ere, kagat labi s'yang napahawak ng mahigpit sa kamay ni Marcus at bumabaon ang kuko nya sa likuran ng palad nito pero hinayaan lamang s'ya nito

Hindi sya takot sa heights, pero kinakabahan pa rin s'ya.

"Wag kang matakot.." Hindi na s'ya umangal, hinaplos ni Marcus ang likuran nya. It works, it distract her from her fear. Hinawakan nito ang ulo nya at pinasandal sa dibdib nitong matitipuno at wala sa sariling napapikit si Syn habang naririnig ang kalmadong tibok ng puso nito. Nanatili sila sa ganon lalapit na posisyon hanggang sa hindi namalayan ni Syn na nakatulog s'ya habang kalong ng asawa.

"YOHOOO!!!" Napamulat s'ya ng marinig ang malakas na sigaw ni Nisha.

"Ate kitang kita na ang dagat!!!" Sigaw nito, binitawan n'ya ang kamay ni Marcus at dinungaw ang ibaba. Ang ganda! Asul na tubig dagat dala ng replika ng asul ng kalangitan.

Bumalik sya sa pagkakaupo at nilapit ang labi nya sa tenga ni Marcus. "Ang ganda." Tumitig ito sa mga mata nya dahilan para kumabog ang kan'yang puso.

"Oo, kagaya mo." Umiwas s'ya ng tingin ng maramdaman ang ang pag init ng kan'yang pisngi, patago s'yang ngumiti at tinuon ang pansin sa asul na karagatan pero kahit anong iwas nya sa asawa ay ramdam nya ang presensya nito lalo na ang asul nitong mata na nakatitig pa rin sa kan'ya.

Sa sobrang pag iwas ni Syn ay hindi nya namalayan na nakababa na ang helicopter, sa pag ihip ng hangin sabay ng amoy tubig alat ay napangiti s'ya.

Ito na ba ang simula? Simula ng paglimot ko sa masamang nakaraan? Sana nga.

Hinigop ng dagat ang atensyon nya ng maramdaman ang pagdampi ng tubig dagat sa kanyang paa, naalala n'ya ang mga mata ng anak ko sa asul na karagatan, namana nya ito sa kay Marcus ang mala asul na mga mata at kahit dalawang taon na itong wala ay sariwa pa rin sa isipan nya ang inosenting ngiti at makikislap nitong mga mata.

Napabalik s'ya sa kan'yang wesyo ng marinig ang pagtikhim ni Marcus.

"Nasa cottage na silang lahat." Sambit nito at tumalikod na.

THE PSYCHOPATH CRIMINALS   (Under Revision)Where stories live. Discover now