Chapter 22

73 6 0
                                    

"H-hindi pwede..." Bulong ni Marcus sa sarili habang hawak ang litrato ni Syn kasama si Nathan.

Nanginginig ang mga kamay nito at namumugto ang mga Mata, takot siya. Natatakot para sa kaniyang asawa.

"Hindi ka dapat mawala sa akin." Lumuluhang sabi niya at niyakap ang litrato ng asawa't anak.

"K-kuya..." Rinig niya sa boses ng kapatid at alam niyang kasama nito ang mga kaibigan niya.

"Marcus.." Boses iyon ni Kael, hindi siya sumagot at sa halip ay walang ingay siyang umiyak.

Rinig niya ang pagbukas ng pinto kaya agad niyang pinalis ang mga luha kahit nanginginig ang mga kamay niya ay nagtagumpay parin siyang punasan ang mga iyon, lumapit sa kaniya ang mga yapag at ramdam niya ang paglubog ng likurang bahagi ng kama.

"I lost my wife once, at hindi ko na kakayanin pa kong mauulit pa 'yun." Pabulong niyang sabi habang karalgal ang boses niya dahil sa sobrang pag iyak.

"Hindi siya mawawala sayo kung hindi mo hahayaang mawala sayo."  Nilingon niya si Kael at ang kaniyang mga kaibigan na puno ng sakit ang mata.

"Planado natin to di'ba? Pero bakit ganon  pa rin kasakit?" Sunod-sunod nitong tanong sa mga kaibigan.

Kibit balikat na napaiwas tingin ang mga kaibigan kaya hindi na siya rito tumingin.

"Iwan niyo po muna kami." Sambit ni Nisha, rinig niya ang paglayo ng mga yapag ng mga kaibigan.

"Kuya... Galit ka ba kay Kuya Krunox?" Tanong ni Nisha rito.

Hinarap niya ng puno ng galit ang kapatid.

"He killed my son. How can I not be mad at him Nisha?" Puno ng galit nitong tanong pabalik.

"Pero kapatid pa rin natin sya. Kuya parin natin." Nakayukong sabi nito.

"That's the reason why I can't kill him, I can't hurt him. Kahit ilang ulit ko man siyang isumpa sa harap ng puntod ng anak ko at sabihin sa sarili kong papatayin ko ang pumatay sa anak ko pero hindi, hindi ko kayang patayin si Kuya." Muling rumagasa ang mga luha nito. "Alam mo kung gaano ang nababaliw sa kakaisip  kong paano ko siya magpapabago, paano ko sya mapapapagaling. At kahit anong gawin ko, wala. Walang kwenta dahil hanggang ngayon ako pa rin ang sinisisi niya sa pagkawala ng asawa't anak niya." Niyakap ni Nisha ang kaniyang Kuya, hinaplos nito ang kaniyang likod upang tumahan.

Parang sinasakal si Marcus habang sinasabi ang katagang iyon, he isn't strong enough to conquer everything. He is still a man, who cries when it hurts.

Kaya niyang akuhin ang kasalanang hindi niya nagawa para lang mapalayo ang asawa niya sa kapahamakan, ang nangyari nung nakaraan at alam niyang banta, habang nagtatanong ito sa kaniya ay alam ni Marcus na may nakatutok na sniper sa ulo mg asawa niya sa malayo. At alam din niyang kagagawan iyon ni Krunox kaya inamin niya ang bagay na hindi niya ginawa dahil alam niyang pag hindi nagustuhan ni Krunox ang sagot niya ay mawawala si Syn sa kaniya.

Tahimik siyang umiyak sa balikat ng kapatid habang inaalala ang nakangiting imahe ng asawa, parang noung nakaraan lang ay yakap yakap niya pa ito pero sa ngayon ay nawala na  ito sa bisig niya na parang bula. Alam niyang kamumuhian siya ni Syn dahil sa ginawa niya at lalayo tio sa kaniya. But he don't have a choice, he always don't have a choice. Ilang taon siyang naglihim sa asawa niya para sa Kuya niya. He knows Syn very well, mapapatay niya si Krunox kapag nalaman nitong ito ang pumatay sa anak nila.

Kahit labis ang galit at kamuhi niya sa kay Krunox ay hindi niya parin ito kayang mawala, Ilang ulit man njyang subukang patayin ito pero hindi nya magawa, mas matimbang pa rin ang dugo kaysa sa tubig. Alam niyang nilalamon si Krunox ng nakaraan  na hindi pa rin nito matanggap hanggang ngayon, hindi pa rin niya tanggap ang pagkawala ni Bette at Elyse sa kaniya. At hanggang ngayon si Marcus ang sinisisi nya sa nangyaring aksedinte. Pilit niyang pinapaniwala ang sarili niya para hindi siya nasaktan, pilit niyang pinapaniwala ang sarili sa sariling kasinungalingan.

THE PSYCHOPATH CRIMINALS   (Under Revision)Where stories live. Discover now