Chapter 34

15 1 0
                                    

Be careful not to get hit..

Paulit-ulit na paalala ni Syn sa sarili habang nilalandas nila ang daan patungo sa gitnang bahagi ng barko. Tahimik ang bawat hakbang nilang dalawa habang nilalandas ang hallway ngunit napakapit siya sa balikat ng asawa nang may malakas na pagsabog ang yumanig sa barko sa kaliwang bahagi at ang paghilig din nito.

Fuck! Shit! Palubog ang barko!

Abot-abot ang kaba niya nang paglingon niya ay wala ang asawa niya sa tabi, nandito lang siya bago lang!

"Krunox!" Puno ng poot ang boses ng asawa. "Bitawan mo si Nisha! Hayop ka!" May narinig siyang mga putok ng baril.

No! No! No! Hindi pwedi 'to, bakit hindi ko naisip na ipaliwanag ang lahat sa kaniya?!

Huminga siya ng malalim, nagsasayaw ang buong paligid sa mga bala na nagpapalitan. Isang hakbang pa lamang ang nagawa niya nang maramdaman niya ang pagtama ng matigas na bagay sa ulo niya, nanginug ang buong pagkatao niya ng maramdaman ang mainit na likido na dumadaloy sa kaniyang likuran kasabay no'n ang pag-ikot ng kaniyang paningin.

Be careful not to get hit huh?

Hindi man siya nawalan ng Malay pero sa lakas ng pagkakahampas sa ulo niya ay tumakas lahat ng lakas sa kaniyang katawan. Marahas siya nitong hinila dahilan para matigil ang pag ingay ng buong paligid at kitang kita ni Syn sa mga mata ng Kuya, kaibigan at asawa niya ang pagtataka habang lipat-lipat ang tingin sa dalawang Krunox na nasa kanilang harapan.

"WHAT THE?!" Sigaw ni Ashton na pumukaw sa naglalakbay na diwa ni Marcus.

Wait? What? Paano at bakit?

Hindi siya makapag isip ng tuwid ng pinaputukan ng isang Krunox na may hawak sa kaniyang asawa si Ashton.

Gusto ni Marcus sabunutan ang sarili, sino sa dalawa ang totoo niyang kapatid?

"Marcus..." Nahihirapang sambit ni Syn sa pangalan niya at sapat na iyon para mapansin niya ang babaeng mahal niya.

Oh God, she's bleeding..

"Don't trust what you see, trust what you fell." Nahihirapang sambit nito at muli siyang napabaling sa kapatid niyang nasa likuran ang isa pang Krunox.

"Just kill that impostor, Marcus. And I will give you your wife safe and no harm." Sambit ni Krunox.

"No! Kuya. Hindi mo dapat saktan si Kuya Krunox." Sigaw ni Nisha at mas lalong hinarangan ang katawan ng lalaking nasa likuran nito.

Hinigpitan ni Marcus ang paghawak sa baril at tinutok iyon sa lalaking nasa likuran ng kaniyang asawa, kitang kita niya ang walang buhay na pagngisi ni Syn. Tinutok rin ng lalaking nasa likuran ni Syn ang baril niya sa kaniya. Of course, that would Krunox do.

Go on.. she mouthed

Pero nagdadalawang isip si Marcus, parehong nanganganib ang buhay nilang lahat pero ang tanging nasa utak niya ang ang kaligtasan ng asawa.

Nang hindi gumalaw si Marcus habang nakatutok ang baril sa ama nitong suot ang wangis ni Krunox ay lang ingay na itinaas ni Krunox ang baril at walang pag aalinlangan na pinutok sa baril.

Kitang kita ni Marcus sa gilid ng mata niya ang paggalaw ng isang Krunox na nasa likuran ni Nisha, hinawi nito ang kapatid kasabay ang pagpaputok ng baril.

Fuck!

Napaimpit siya ng maramdaman ang pagsisid ng sakit sa kaniyang sikmura, tumalsik siya sa sahig dahil sa lakas ng impact ngunit hindi pa rin sapat ang nalang iyon para tumagos sa bulletproof vest niya. Tinamaan ng lalaking kasama ni Nisha ang lalaking hawak ang asawa niya at mabilis itong tumakbo papalapit sa kaniya ngunit bago ito makarating sa kaniya ay narinig niya ang dalawang magkakasunod na putok ng baril. Namilog ang mga mata niya at parang kinakapos siya sa paghinga habang papalapit sa kaniya ang asawang habang nawawalan ng balanse.

THE PSYCHOPATH CRIMINALS   (Under Revision)Where stories live. Discover now