Chapter Thirty One

335 19 9
                                    




Chapter Thirty One

Kellie's Point of View

"Gusto kong malaman mo anak, na gagawin ko ang lahat. Kukunin kita ulit kung kinakailangan." kalmado ngunit seryosong sinabi ni mama, naitungo ko ang aking ulo, ginawa na iyon ni mama dati at mukhang gagawin n'ya pa rin hanggang ngayon.

"Ma, mag usap nalang po ta'yo sa personal, Kailangan ko munang umalis." binaba ko ang tawag dahil tila wala naring balak na magsalita pa si mama.

Napaupo ako ng dahan dahan sa malambot na kama, paulit ulit kong naririnig ang sinabi ni mama saaking isipan. Hindi ko alam kung paano ko pakikiusapan si mama.

Wala pang ilang segundo ang pagpasok ni Xedrick, tumabi s'ya saakin at hinawakan ako sa magkabila kong braso pinapaharap n'ya ako sakanya.

Nag aalala ang hitsura n'ya, malayo ang expression na pinapakita n'ya sa ngayon kumpara sa madalas nitong seryosong mukha, pinunasan n'ya ang pisngi ko, tumutulo na pala ang luha, hindi ko namalayan pakiramdam ko lang ay namamanhid ako ngayon.

Niyakap at hinalikan ako sa ulo ni Xedrick upang pakalmahin, kahit papaano ay humuhupa ang sakit na nararamdaman ko sa simpleng gesture na iyon ni Xedrick... Ang boyfriend ko.

Halo halo ang nararamdaman ko sa ngayon. Ang kaba dahil sa hindi pa natatapos na laban dahil sa mga Donovan at ang paglilihim ni mama pati ang gusto n'yang mangyari, ang ilayo ako sa mga Andersons, lalo na kay Xedrick.

But i feel safe and at peace with Xedrick, mahal na mahal ko ang lalaking ito at hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay mama iyon.

Napagdesisyunan na namin ang umalis patungo sa cagayan para sa OJT nila Xedrick, paniguradong naghihintay na si Xavier at Brent duon, ang tatlo pa na sila Toppher, Jei at Xander ay nasa Taguig lamang ang on the job training.

Hinawakan ni Xedrick ang kamay ko na nasa binti ko, ngumiti ako nang sulyapan n'ya ako saglit, kasalukuyan kaming nasa sasakyan.

"What's bothering you, kulot... Mahal ko." napangiti ako.

"Naaalala mo pa pala ang tawag mona iyon sakin." lumawak ang ngiti n'ya, ang ngiting pinakanamimiss ko.

"Who says I didn't remember." hinalikan n'ya ang likod nang palad ko, napangiti ako dahil d'on.

Normal na ito saakin, hindi gaya ng pag iwas namin sa isa't isa, we can open up our thoughts and feelings for each other without hesitations, without feeling of guilt.

Pero nag aalangan pa rin ako, hindi ko pa rin alam kung tama pa rin ba. I have this feeling i still have to consider my mother.

Nakarating kami sa cagayan, It took us for hours. I have slept while we're on the way. Naghihintay saamin si Xavier sa hotel malapit kung saan ang malaking farm nila. It's a variety of fruits. On the other hand is a farm of buffalo and cows.

"I've never saw you do the farm thing." ani ko kay Xedrick pagkapasok namin sa hotel room na pansamantala naming tutuluyan. Magpapahinga muna kami at tutungo na lamang sa bahay malapit sa farm.

"I've done this before. Nuong umalis ka." aniya, habang inaayos ang bagahe.

Medyo nakaramdam ako nang lungkot. Marami na akong nakaligtaan marahil sa nakalipas na taong umalis ako dito sa pilipinas. Though it's not too late.

Nang makapagpahinga ay handa na si Xedrick tumungo sa farm upang tumulong. This is actually part of his on the job training, her mother insisted this as well. Sa office dapat s'ya pero pumayag naman si Xedrick.

Still YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon