Chapter Six

2K 74 18
                                    




***


CHAPTER SIX

KELLIE’s POV

PABABA na ako sa hagdan ng saktong dumating si kuya sa salas at kinuha ang attache case nya sa glass table, he looked at his wristwatch and after me, nagulat pa ito ng makita ako pero nagpatuloy parin ako sa pagbaba hindi na man na gaanong masakit ang katawan ko at ayaw kong maburyo maghapon kaya papasok na ako.

Isa pa wala naman akong natutulong kay mama dahil ayaw naman nya akong patulungin, kung kay kuya natatalo ko sya kay mama hindi, ibahin nyo 'yon.

“You have to lay down sis, kailangan mo pa ng mahabang pahinga,”at nag-aalala itong nakatingin saakin, si kuya talaga napakaalalahanin pero hindi ko naman sya masisisi, pero ayw kong magpatalo sa kanya, gusto ko ng pumasok talaga.

“Tss saan ka ba nag-mana at ang tigas ng ulo mo?”I just shrugged off my shoulders. Siguro d'on sa anim na sakit rin sa ulo at kasing tigas ng marmol ang ulo but I must say mabait parin naman sila, and I think annoying someone is one of the way to express their love. Naalala ko nanaman si Xedrick kaya napasimangot ako.

“Kuya naman, sige na hatid mo na lang ako,”he sighs, panalo nanaman ako pag ganitong napapabuntong hininga sya, he can't resist me pero syempre ayaw ko naman syang abusuhin.

“Are you in a hurry?”saglit itong napahawak sa batok nya mukhang nagmamadali sya hindi nya lang masabi kasi kailangan ko ng maghahatid sakin ngayon tutal di nya ako mapipilit sa gusto nya.

Mukhang naging matigas narin ang ulo ko. I mean mas tumigas ngayon. Matagal bago sya nakasagot kaya nagsalita na ako.

“Sige na kuya, drive safely hah,”

“Ihahatid kita,”nauna na ito saakin kaya sinundan ko na lang sya, ng nasa garahe na ay naririnig ko ang mahihinang mura ni kuya at mararahas na buntong hininga habang mahigpit na hawak ang cellphone, ng mapansin ang presensya ko ay binuksan nito ang pintuan ng front seat para saakin.

“Sige na kuya mauna ka na,”napabuntong hininga na lamang sya at nilapitan ako para bigyan ng halik sa gilid ng ulo ko.

“I'm really sorry sis, I promise next time araw araw kitang ihahatid sundo,”nginitian ko lang sya.

“I understand Kuya, basta pag may business trip ka nanaman don't forget our pasalubong,”

“Ofcourse I won't forget that,”he said and smiled before going inside the car. Sinundan ko ng tingin ang palayong kotse habang kumakaway.

Nasa likuran si mama kaya hindi na ako nakapag paalam rito kaya tinahak ko na ang labas para kumuha ng taxi ng may nakaparadang red Ferrari sa gilid ng bahay namin, kaya mabilis ko 'yong pinuntahan at binuksan ang pinto ng front seat at mabilis na umupo d'on.

Nanlaki ang mga mata ko ng kumakaway saakin ang 'Trust' na nasa dashboard na mamasa masa pa at kagagamit lang, jusko!

“Sh!t, I forgot sorry,”aligagang kinuha ni Drew ang bagay na 'yon at hindi ko alam kung saan nya nilagay, ng mawala na ito sa paningin ko ay nakasimangot na binalingan ko sya ng tingin.

“Musta ka’yo ng gf mo? mukhang okay na ka'yo,”napakamot sya sa kanyang ulo.

“Not really,”

“Seryoso?”tango lang ang isinagot nya saakin bago nagsimulang magmaneho. siguro sa ibang babae nya iyon ginamit at kanina lang nagtawid ng init ng katawan. Grabe pero hindi ko naman sya masisisi.

Mukhang kumakapal na ang mukha ko rito kay Drew ewan ko ba desperada lang siguro akong makasakay dahil ayaw kong magcommute dahil malalate nanaman ako para minus narin sa pamasahe.

Still YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon