Chapter Nine

1.9K 74 14
                                    





**

CHAPTER NINE

KELLIE’s POV

“P-pwede ibaba mo ako?”He just look at me with those brown cold eyes, hindi parin sya tumitigil sa paglalakad habang buhat parin ako.

Dumiretso na ulit sya ng tingin na parang wala akong sinabi kanina lang, nagpumilit akong bumaba pero mas humigpit lang ang kapit nya saakin habang naglalakad. Inis ko syang tinignan, mistulang handcuffs ang mga palad at braso nya sa katawan ko.

Ang kaliwa kong braso ay nakadantay sa leeg nya patungo sa kabilang braso habang ang kanang palad ko naman ay nakapwesto sa matitipuno nyang dibdib, ramdam ko ang init ng katawan at tibok ng puso nya. Pakiramdam ko ay safe ako sa mga bisig nya.

Panigurado ang pag-iinit ng aking mukha sa posisyon namin, at bawat daan namin sa mga estudyante ay ang kanilang gulat kaagad ang nakikita ko, paano nga bang hindi sila magugulat? halos lahat naman ng estudyante rito ay kilala sya.

Kung pwede lang sanang maging invisible na lang ako o kaya'y lamunin ng lupa dahil sa kahihiyan. Damn he don't even have to do this. I don't need his help!

“A-ano ba, Ibaba mo ako! Okay na ako,”hindi ko na napigilang mapasigaw pero hindi parin nya ako sinusunod kaya wala akong magawa, bawat pagpilit ko sa kanya wala lang sa kanya kaya minabuti ko na lang na manahimik hanggang sa Clinic. Pero hindi parin nawawala ang masamang tingin ko sa kanya na parang wala lang sa kanya kahit obvious namang mapapansin nya.

Pinaupo nya ako sa white bed habang ang Doctor ay kinakausap na nya. Hindi nagtagal ang usapan nila at nilapitan na ako kalaunan.

“Doc, okay lang po ako, masyado lang paranoid ang lalaking 'yan,”inis na buwelta ko kaagad at masama syang tinignan, masama rin ang tinging pinupukol nya saakin naglihis na ako ng tingin rito, lumitaw naman ang kaunting ngisi sa labi ni Doc kaya bahagyang tumaas ang kilay ko.

“She just need rest Mr. Anderson since hindi naman malala ang nangyari, you don't have to worry to much,”si Doc Fernan.

“Rest? Doc okay na okay lang ako, may gagawin pa po ako-“

“Don't be stubborn Kellie, narinig mo si Doc di’ba? you have to rest,”natigilan ako sa malamig nitong boses. He looked at me with dagger eyes.

Wala akong nagawa kundi ang sumimangot saaking kinauupuan ng sila na lang ang nag-uusap at kalauna'y umalis narin si Doc Fernan, kinuha ko ang Cellphone ko sa aking bulsa.

Hindi ko na inisip ang malaking basag pero nangunot ang noo ko ng hindi iyon bumukas, ilang beses kong nitry buksan pero hindi talaga bumukas, hinampas ko iyon sa aking palad pero hindi gumana ng sinubuka ko ulit buksan. I hissed because of frustration.

Itatry ko sanang buksan ulit pero hinaklit na iyon kaagad ni Xedrick kaya nagtaas ako ng ulo at gulat syang tinignan habang tinitignan ang cellphone ko na bigay nya.

“It's been two and half years since I gave you this,”saglit napaawang ang labi ko pero saglit lang 'yon at mabilis na hinaklit ang cellphone pero inilayo nya naman at binulsa kaya nanlaki ang mga mata ko.

Wag naman sanang isipin nyang kaya hindi ko 'yon pinalitan ay dahil sakanya iyon galing na hanggang ngayon ay hindi ko parin pinapalitan para sa kanya! na iniisip nya paring may gusto ako sa kanya!

“Ano ba! ibalik mo nga saakin iyan!”hindi naman sya nagsalita at mataman akong tinitignan.

“Bakit mo binulsa!”tumayo naman ako hindi na gaanong iinda, para kuhain sa kanya pero hinawakan nya ang palapulsuhan ko at hinatak nya ako palapit sa kanya, dahilan naman iyon para maramdaman ko ang matitipuno at mainit nyang dibdib!

Still YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon