Chapter Nineteen

1.4K 51 13
                                    

Please share your thoughts and share your votes. Feedbacks are highly appreciated, Thank you!

***

CHAPTER NINETEEN

KELLIE’s POV

"ARE you out of your mind?"

Nanlaki ang aking mga mata sa gulat sa biglaang pagsulpot at pagsasalita ni Xedrick sa daanan, kahit madilim ang paligid ay alam kong galit ang ekpresyon n'ya, his eyes were black pitch again, nagdidilim ang kanyang mga mata pag galit. Ang kanyang malaking pangangatawan ay halatang halata kahit na nasa dilim pa s'ya!

How the hell did he know I am here!? Kanina pa ka'ya n'ya ako minamanmanan? The though of him always looking at me made my face heated!

Napabalik lamang ako sa aking wisyo ng magkasa ng baril ang dalawang guard sa aking gilid ka'ya mabilis ko silang nilingon. "Don't!" I warned them. Mukhang hindi kilala ang lalaki sa harap.

Mabilis nitong pinutol ang distansya namin at hinatak ako sa aking braso, madiin ang kanyang hawak ka'ya napapangiwi ako sa sakit. Nasasaktan na ako.

Nilingon n'ya ang dalawang bodyguard saaming likod na nakasunod. "Leave us alone." malamig na utos ni Xedrick, tumango ang dalawa at tuluyan kaming nilisan.

Nakarating kami sa loob ng hotel, nagtungo s'ya sa reception hall at hawak parin ako sa aking braso at kinausap ang receptionist para humingi ng susi para sa pang-isahang kwarto, my eyes widened, what is he planning!?

Hindi parin n'ya ako binibitawan, pinipilit kong kumawala sa masakit na pagkakahawak n'ya pero mukhang hindi n'ya ako hahayaang makawala sa hawak n'ya, He's gone mad! Kahit na nakatalikod s'ya sa gawi ko ay alam at ramdam na ramdam ko ang galit n'ya.

"A-ano ba, Xedrick! Let go of me. Baka makita nila ta'yo..." Pero hindi n'ya parin ako binibitawan, tila s'ya bingi at manhid sa mga ginagawa ko para lang makawala sa kanya.

Pagkabukas n'ya ng suit ay kaagad n'ya akong hinatak papasok, ni hindi n'ya ako binitawan kahit binubuksan n'ya pa lang ang pinto, binitawan lang n'ya ako pagkapasok. Hawak hawak ko ang aking braso, masakit iyon ka'ya napangiwi ako. Para akong maiiyak.

Matalim ko s'yang tinignan pero hindi ko mahihigitan ang talim ng tinging ipinupukol n'ya saakin his eyes were piercing me. Parang nakagawa ako ng malaking kasalanan at hindi kaaya aya. Hindi ko nakayang harapin ang kanyang tingin ka'ya naibaba ko ang ulo ko, I hear him cursed and released a deep heavy sighed.

Inangat ko ang tingin sa kanya. Mariin s'yang napapikit at napahawak sa sentido at muling ibinalik ang tingin saakin. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Napaatras ako sa takot pero mabilis n'yang pinutol ang distansya naming dalawa, he towered over me, napaatras ulit ako pero hinawakan n'ya ng marahan ang siko ko. Nangatog ang aking mga tuhod sa paraan ng hawak n'ya't sobrang lapit saakin.

Damang dama ko ang mainit n'yang paghinga't katawan.

I looked at him, he looked at me with mixed emotions. Angry, nervous, concern. Ibinaba ko ang tingin dahil pakiramdam ko maiiyak ako. Hindi ko rin alam kung tama bang kinausap ko si Chandra kanina pero 'yun lang ang naiisip kong paraan para malaman ang lahat, para malaman kung may maitutulong ba ako para matapos na 'to.

"What were you thinking, huh!? You could've killed yourself! Dammit Kellie!" halos mapatalon ako sa sigaw n'ya tila iyon kulog dahilan para kumalabog ng napakalakas ang puso ko, nag-iinit ang gilid ng aking mga mata.

"Sorry... I'm... I'm trying to help!" mariin akong napapikit. Bumuga s'ya ng hininga at mahinang napamura ng paulit ulit. He's running his hands through his hair because of frustration.

Still YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon