Chapter Three

2.3K 98 26
                                    


***

Bitter...

CHAPTER THREE

KELLIE’s POV

(One month later)

“Fix your things sis, ihahatid na kita
sa school,”si Kuya na nakasalubong ko na handa naring pumasok sa trabaho. mukhang maski sya ang nagmamadali rin at panay ang sulyap sa wrist watch nya.

Mabilis kong kinuha ang bag ko sa sofa sa sala, anong oras na akong nagising kaya paniguradong hindi na ako makaka abot sa orientation o ang mas malala sa first subject.

"Hindi na ba ka'yo kakain?"si Mama habang hawak ang basket na puno ng labahin.

"Hindi na po ma, sa school na lang ako,"

"Me too sa office na lang, I have urgent meeting today, bye Ma,"

"O'sya mag-iingat kayong dalawa ha? Ikaw Kellie wag ka magpapagabi alam mo namang hindi ka masusundo ng kuya mo,"si Mama, pikit mata akong tumango.

"Opo ma,"

Parehas kami ni kuyang nakipag beso kay mama bago lumabas ng bahay.

***

"Hanggang kailan mo itatago kay mama na nag-aaral ka sa SAU?"seryosong tanong ni kuya pagka pasok namin sa kotse n'ya.

Nagkibit balikat ako at naitungo ang ulo ko, sa totoo lang ay naguguilty ako na hindi ko pinaalam kay mama na nag-aaral ako sa Saint Anthony alam ko naman kasing hindi sya papayag at ayaw kong pag awayan nanaman namin 'yon, ang alam nya ay nag-aaral ako sa kabilang University hindi pa nga sya pumayag pero sa huli ay pumayag narin.

"Just give me time Kuya,"

Hindi ko alam kung papaano ko 'to malulusutan 'tong kasinungalingan ko at kinakabahan ako sa pwedeng mangyari kung malaman ni mama, gusto ko kasi talagang mag-aral sa Saint Anthony.

"You'll regret your decisions I'm telling you,"napasimangot naman ako.

"Kuya wag mo naman akong takutin, ako ng bahala okay? mag-iisip ako ng paraan,"napa-tss naman sya at nagsimula ng paandarin 'tong kotse nya.

"One months isn't enough for you to decide I guess, may oras ka pa para mag transfer sis, saan mo ba gusto?"nakangusong umiling ako.

"Ayaw ko kuya stay na ako sa Saint Anthony,"

"Pag-isipan mo 'yan pag uwi mo three ang uwi nyo so you have—“tinignan nya ang wrist watch n'ya.

—Nine hours and twenty five minutes to decide,"nangunot ang noo kong binalingan sya ng tingin.

"Wag kang tumitingin kung saan saan kuya! sige ka baka maaksidente tayo tsaka kulang nga ang one month Nine hours and Twenty five minutes pa kaya?!"medyo mahina pero mariing sabi ko.

"Don't be stubborn sis, do what I said, ayaw ko lang mag-away nanaman kayo ni mama ng dahil d'yan,"

"Kuya isipin mo naman ako, yung gusto ko, pano naman ako? nandoon ang mga kaibigan ko,"dadagdagan ko pa sana ang sasabihin ko pero mabuti na lang ay napigilan ko. Balak ko pa sanang idahilan ang mga kapatid ko.

“Sila lang ba ang dahilan mo?"

"O-Oo,"

Kalma lamang ang hitsura ni Kuya kaya mas lalo syang gumagwapo lalo na kung hindi nya ako kinokontra ang kaso ginagawa nya.

"At ang mga kapatid mo? si Xedrick Anderson, I know he's the main reason sis, ang nagtutulak sa'yo para gumawa ng hindi dapat na desisyon"I clenched my fists, siguro 'yon nga ang gumulo saakin para mag desisyon.

Still YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon