Chapter Ten

2K 74 24
                                    

Shout out pala sa nagrequest ng name ni Christine nalimutan ko UN nya pero kung nagbabasa ka man hanggang ngayon at naaalala ang req mo, antayin nyo magcocomment yan rito! hehe thank you!

Enjoy!




**

CHAPTER TEN

KELLIE’s POV

“Kellie nak, inaatake ka pa ba ng asthma mo?”Tanong ni mama sa kalagitnaan ng aming breakfast.

Mabuti na nga lang ay maaga akong nagising kahit pa alauna na akong nakatulog kagabi wanna know why? he's running on my mind all night! at hindi ko mapigilang balikan ang nangyari kahapon, ang marahang hawak at buhat nya saakin, pinaparamdam nya saaking ligtas ako sa mga bisig nya.

At hindi maganda itong iniisip at nag-aapoy nanamang nararamdaman ko kailangan ko yung buhusan ng malamig na malamig na tubig para tapusin ang kahibangan ko.

Hindi ko na nagugustuhan 'to, at hindi ko alam kung anong dapat kong gawin, hindi 'to pwede ayaw ko nito.

Kung pwede lang sanang burahin ko 'to kagaya ng pagbura sa mga blackboard ng ganoon kadali, kaso hindi e, hindi ganoon kadaling gawin 'yon.

“Anak, ayos ka lang ba?”napabalik ako sa aking ulirat ng magsalita si mama, gusto ko sanang himasin ang ulo ko dahil parang kinuryente, baka kasi mag-alala lang lalo si mama. Nagsisimula na syang mag-alala na matulala ako't mapangiwi sa naiisip kanina hindi ko namalayan ang mga kapatid ko at si mama.

“What's bothering you?”si kuya pagkatapos nitong sumimsim sa kanyang kape.

“Okay lang ako, ma kuya wag ka'yo mag-alala.”pilit akong ngumitit at pilit pinapatatag ang aking boses dahil pakiramdam ko pipiyok ito.

“Nga pala, parang pamilya iyang uniporme mo Kellie, ano nga ulit pangalan ng school mo?”muntik na akong masamid sa sinabing 'yon ni mama dahil uminom ako ng tubig.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at nakagat ang labi dahil wala akong maisip na palusot dahil ang lalaking 'yon lang ang naiisip ko hanggang ngayon!

Tinignan ko si kuya na napatikhim at seryosong binalingan ako ng tingin bago si Mama.

Saglit na katahimikan ang namayani si Mama naman ay nakatingin saakin inaasahan ang isasagot ko kaya hindi ko napigilang mapalunok ng ilang beses.

I'm sorry, badly need your help kuya!

“Ma aalis na po kami, we'll be late.”si Kuya sa baritonong boses, binalingan sya ni Mama dahilan para gumaan ang pakiramdam ko, mabuti na lamang at hindi na pinipilit pa ni Mama na alamin, natatakot na ako habang tumatagal dahil walang sikretong hindi nabubunyag.

Tumayo na si Kuya kaya napatayo narin ako kahit kaunti pa lang ang nakakain kong pagkain walang wala akong gana ngayon, siguro ay sa cafeteria na lang ako kakain kung magugutom man ako.

“Ganoon ba? o’sya, mag-iingat kayong dalawa.”

Ng nasa labas na ay hinarap ko si kuya pagkasarado ni Mama ng pinto, ng napansing tumigil ako ay tumigil rin sya at seryosong binalingan ako ng tingin pero lumalambot rin ang ekspresyon kalaunan.

“Tell me now what's bothering you sis?”

Patago kong kinagat ang labi ko, hindi ko alam kung sasabihin ko ba sakanya dahil malaking kalokohan lang naman 'yon, at hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ng lalaking 'yon para buhatin ako ng ganoon ng hindi manlang nag-iisip, basta sya umaarya not knowing the consequences.

Maiissue kami sa school dahil hindi naman alam ng halos lahat ng students sa Sainth Anthony ang tungkol saamin at may ibang nakakaalam na dati kaming relasyon na paniguradong uungkatin ng iba at sasabihin sa lahat.

Still YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon