Kabanata 1

75 20 6
                                    

Treat

Mom enrolled me for my 11th year in senior high school. I am a transferee. Simula kasi ng lumipat si Dad sa work bilang engineer, lumipat rin kami.


"Alirah Abegail Cruz Fuertureza?" Tawag ni Ma'am.



"Present po, Ma'am." Sagot ko. Kasama ko ang pinsan ko sa school, actually malapit lang ako sa kanyang upuan. Same level din kami. Masaya naman ako na kahit ako lang ang bago sa batch nila ay nakikipagkaibigan naman sila sa akin. Lalo na't nakumbinsi sila ng pinsan ko na kaibiganin ako.



"You're a transferee right? Nalilimutan ko talaga kasi. But the last days napapansin naman kita. " Si Ma'am.




"Yes po." Sagot ko at tinanguan lang ako at binigyan ng ngiti ni Ma'am.



Noong nag recess na kami ay agad akong sinama ng pinsan ko, kasama ang dati niyang mga kaibigan. Palakaibigan naman sila sa akin at masaya ako doon dahil kahit na bago lang ako at wala pa masyadong kilala sa kanila ay palagi nila akong nilalapitan at kinakausap. Ang pinsan ko kasing si Claire ay madalas kasama ang boyfriend niya. Wala naman akong pakialam at hanggang paalala lang ako. Sinasabi ko sa kanya na hindi ako magsusumbong kay Tito at Tita basta't maayos pa rin ang pag-aaral niya.



"Claire, mauuna na ako sa room ah? Medyo masakit ulo ko. Hintayin ko na lang kayo doon, ilang minutes lang naman time na para sa next subject." Agap ko at tumango naman siya.



Medyo masama kasi ang pakiramdam ko kaya mas pinili kong mauna na sa kanila. I was walking... malapit na sana, but everything went black on. Ang alam ko lang nauubusan ako ng hininga at parang nag-iinit ang katawan ko. Someone was there... ramdam kong buhat buhat niya na ako at hindi ko alam kung saan siya patungo.



Paggising ko nasa puting kama na ako. The nurse immediately comes towards me. "You are just on your period right? Your lips are turning white as paper. You should always drink water at pag ramdam mong nagkaroon ka ng cramps, you have to rest. It's normal. Hindi lang siguro kinaya ng katawan mo."



I nodded. "Sino pong nag buhat sa akin patungo dito? Hindi ko kasi na kita ang mukha niya, Miss Nurse."




"It's your classmate. Si Ian. Yong Aliser?" Anito.



"Okay po. Pwede na po bang lumabas? Medyo okay namana po ako. I'm good. Kailangan ko rin pong pumasok sa next class ko. Thank you po, Ms. Nurse." Pagpapaalam ko at ngumiti naman siya at inalalayan akong makalabas.




I went directly to the room pero wala na akong naabutan. Lunch na kasi. Wala narin ang pinsan ko sa room pero naroon si Phoebe kaya nagtanong na lamang ako.



"Phoebe, nakita mo ba si, Claire?"




"Hindi e, pero baka na sa big canteen? Diba lunch na kasi?" Anito.



"Oo nga pala."


"Ano? Sabay na tayo? Doon rin ang tungo ko." Aniya.



"Ahh... mamaya nalang siguro ako. Nga pala kilala mo ba ang kaklase nating si Ian Aliser ba 'yon?"



"Ah... si Ian? Oo naman. Sama ka nalang saakin, na sa soccer field yon. P.E kasi natin ngayon. So, every afternoon may mga larong magaganap. Nga pala bakit mo siya hinahanap?"



"Ahm... wala kakausapin ko lang. Hindi ko kasi sya nakikita masyado dito sa room natin o baka hindi ko lang talaga siya namumukhaan."




"Yong nasa likod ng chair mo. Siya kaya 'yon. Grabe ka naman." Anito.




"Hindi ko talaga siya namumukhaan e. Pero dibale kakausapin ko naman yon at baka madalas makita ko na siya dito."



Chasing Soul (Aliser Series 1)Where stories live. Discover now