Kabanata 7

31 10 0
                                    

A/N

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Tawag

Maaga ako sa school for the medics. Nagsisimula na ang Miss and Mr. Intramurals. Sabi ni Miss Nurse, sa umaga pwede pa kaming manood ng pageant dahil ayos naman ang mga gagamitin for medics. I was not in the mood. Hindi ko alam kung bakit.

"Okay ka lang?" Si Claire.


I nodded. Hindi ko na binuksan ang bibig ko para magsalita. Nagpatuloy ang pageant. Phoebe was a good friend of mine pero sa tuwing hinahawakan ni Ian ang baywang niya.... may parte sa akin ang naiinis at nagagalit. I don't know why... but my boiling blood was starting.


"Ngayon lang yan. Ganyan din talaga si Phoebe, Alirah. Competitive kaya mukhang dinidiin niya talaga sarili niya kay Ian. For the show lang naman."


"Huh? Wala naman akong pakialam. At tsaka oo. Oo naman. Si Phoebe pa ba, ayaw mo nun para maipanalo niya section natin."


Tumango lang si Claire sa akin. At hindi na nakikipagtalo.

Natapos ang pageant at itinanghal silang panalo. Our section won the title.


Hindi na ako sumama sa kanila na makapag lunch. Hindi ko alam pero... medyo may inis akong nararamdaman.


"Alirah, sa soccer field ka diba?" Si Miss Nurse.


"Ah... opo. Pero pwede rin pong sa basketball nalang po. Kailangan nila ako doon tutal nandoon  namana si Ate Gwynne sa soccer field."



"Sure ka?" Si Miss Nurse


"Opo. Wag po kayong mag-alala. Ayaw ko rin pong ma-assign doon kaya kung kailangan ako sa basketball team doon na lamang po ako."


Tumango si Miss Nurse sa akin. Kaya nagtungo na ako at ang mga kasama ko sa basketball court.


Ilang oras narin simula ng nag-umpisa ang mga laro kaya naman hindi talaga maiwasan ang mga aksidente.


"Medics, tulong!" aniya ng isang basketball player na patapos na sana ang laro kaso lang naaksidente pa ng natamaan ang kanyang ilong nang siko ng katabi... kaya dumugo.


Agad akong nagtungo doon at tinulungan ito. Agad siyang naipunta sa clinic kaya naroon din ako nagbabantay sa kanya. Sinusunod ko lahat ng inutos ni Miss Nurse buti na lang at naging okay naman ito.




"Tapos na tayo dito, Alirah. Kunin mo nalang info niya para sa gamot." Tumango ako sa sinabi ni Miss Nurse at kinuha ang info niya. Nag fill up ako para sa kanya.

"Pangalan mo?" Tanong ko pero tinitigan niya pa ako.


"Steve Revor Gadez." aniya at nagsulat na ako sa lahat ng isinagot niya.


"Will you be okay here? I have to go back there to help Miss Nurse."


"Sasama ako sayo. I promise manonood lang ako. I'll be at your side para may assurance ka na hindi ako gagawa ng kalokohan, besides I'm on pain." aniya kaya naman ng sinabi niyang masakit ang paa niya, inalalayan ko pa siya.



"You know my name, right?"


"Yeah, it's Steve, right?" Tanong ko sa kanya.


"Hmm. What's yours?" Aniya at tumitig sa akin habang ginagabayan ko siya sa paglalakad.



"Alirah..."


"You're new here? A transferee?"



Tumango ako at nagpatuloy ako sa paggabay sa kanya. Nadaanan lang namin ang soccer field.


Nang dumating kami sa basketball court nasa tabi ko si Miss Nurse buti nalang hindi ito galit ng sinama ko na talaga si Steve. Sa bagay na sa tabi ko lang naman siya at hindi nagmamatigas ng ulo.



My phone vibrated habang patuloy sa panonood ng basketball.


"Hoy! Alirah! Akala ko ba sa soccer field ka? Kaninang lunch ka pa hinahanap ni Ian ah? Talo tayo sa game dahil parang wala sa mood maglaro si Ian. Sabi niya di mo rin daw siya sinagot kapag tumawag siya. Anyare ba sayo?" Text sa akin ni Claire.


Bakit? Anyare nga ba sa akin? Ba't ko sinabing lilipat na lamang ako sa basketball team?


Hindi ko na pinansin message ni Claire at nagpatuloy na sa game. Steve was with me. Mabait siya at kinakausap ako. At buti nalang wala na masyadong aksidenteng nangyayari sa basketball court.




Natapos ang game sa basketball court kaya ng kinakailangan ng ibalik si Steve sa clinic at naroon parin ako kasama si Miss Nurse para tingnan ang paa ni Steve.


"Thank you, Alirah..." aniya matapos niyang pasalamatan si Miss Nurse.


"You are most welcome, Stevey." Nagulat akong tinawag ko siyang Stevey. Saan ba iyon ng galing? Masyadong casual kaya napangiti ako ng hilaw.

"Stevey? That sounds cute. So, should I call you, Lirah, then?" aniya.



"Sure. Congratulations sa team niyo. Panalo kaya in total." Tumango sya at nagpasalamat muli.



Nang hapon na iyon ay agad na tumawag sa akin si Claire kaya sinagot ko na.


"Bakit? Nasa medics ako. Masyadong busy."



"Alirah.... ano ba! Tawagan mo o kaya'y sagutin mo na ang tawag sayo ni Ian. Matatalo tayo sa soccer nito. Sige na." aniya.



"Claire, busy ako. Bakit ba? Ano ang connection ng pagpapanalo ng section natin sa soccer niya? Busy nga ako. Pwede naman niya iyang ipanalo kahit hindi kami nag-uusap."



"Alirah, hindi niya nga maintindihan kung bakit wala ka sa soccer field bilang medics at hindi mo rin siya sinagot, mga tawag niya. Wala karin kanina sa lunch."


"Busy nga ako. At tsaka hindi na rin naman sya tumatawag."


"Ewan ko sa inyong dalawa. Kayo na ba?"


"Huh? Hindi ah!" Sagot ko agad.


"Yon naman pala. Kaya sagutin mo na tawag niya. Kausapin mo na siya please?"


"Ayaw ko no! Marami pa akong gagawin, Claire."

"Bahala nga kayong dalawa. Kita ka pa naman niyang dumaan sa soccer field kanina. Kaakbay mo yong captain ng basketball. Yong senior natin, si Stev. Naku! Baka nagselos si Ian ah."


"Huh? Si Stevey ba? Ngayon pa nga lang kami nagkakilala at tsaka kaibigan ko lang yon. Ba't sya magagalit?"


"Ba't nga ba, Alirah?"



"Ewan ko. Problema niya na yon, hindi nga ako galit ng hinayaan niyang hawak...."



"Wait! Ano?! Nagseselos ka ba kay Pho-"



"Hindi no! Sige na may gagawin pa ako." Agad kong binaba ang tawag niya at huminga ng malalim. This is not me. Nakakahiya!

This story is not yet edited. Expect ungrammatical, typos and error words.

Miss_Staream

Chasing Soul (Aliser Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon